placeholder image to represent content

GRADE 7-ARALING PANLIPUNAN

Quiz by Theresa Mariz

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
15 questions
Show answers
  • Q1

    Ang pagkakaiba-iba ng wika at etnisidad sa Timog-Silangang Asya ang pangunahing katangian ng mga Asyano. Ano ang epekto nito sa paghubog ng kabihasnang Asyano?

    pagkakaroon ng isang mayamang kultura sa buong rehiyon

    pagkakaroon ng diskriminasyon at pagkakaiba-iba ng pananaw

    pagkakaroon ng magulong anyo ng mga pananaw at paniniwala

    pagkakaroon ng hindi pagrespeto sa kultura ng ibang pangkat

    30s
  • Q2

    Ayon kay Peter Bellwood, maipaliliwanag ng Mainland Origin Hypothesis ang pagkakaparehas ng kultura ng mga lugar o bansang narating ng mga Austronesyano. Alin sa sumusunod ang pagpapatunay sa kaniyang sinabi?

    may pagkakahawig sa mga salita ng mga taong naninirahan dito 

    magkakamukha ang wangis ng mga taong Austronesyano

    magkakapareho ang relihiyon o sistema ng paniniwala ng mga ito

    magkakahalintulad ng pananamit ang mga Austronesyano

    30s
  • Q3

    Suriin ang mapa ng Timog-Silangang Asya. Batay sa mapa, anong bansa ang may pinakamataas na Gross Domestic Product o GDP, ano naman ang may pinakamababa?

    Question Image

    Singapore ang may pinakamataas na GDP samantalang Myanmar at Timor-Leste ang may pinakamaliit na GDP. 

    Vietnam ang may pinakamataas na GDP samantalang Cambodia at Malaysia ang may pinakamaliit na GDP. 

    Pilipinas ang may pinakamataas na GDP samantalang Singapore at Thailand ang may pinakamaliit na GDP.

    Timor Leste ang may pinakamataas na GDP samantalang Cambodia at Myanmar ang may pinakamaliit na GDP.

    30s
  • Q4

    Ayon kay Peter Bellwood, maipaliliwanag ng Mainland Origin Hypothesis ang pagkakaparehas ng kultura ng mga lugar o bansang narating ng mga Austronesyano. Alin sa sumusunod ang pagpapatunay sa kaniyang sinabi?

    may pagkakahawig sa mga salita ng mga taong naninirahan dito

    magkakahalintulad ng pananamit ang mga Austronesyano

    magkakamukha ang wangis ng mga taong Austronesyano

    magkakapareho ang relihiyon o sistema ng paniniwala ng mga ito

    30s
  • Q5

    Ang pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino ay isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng isang malakas at mayamang identidad. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng HINDI pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino?

    Paglalaan ng oras upang basahin ang mga aklat at artikulo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, lalo na ang nagtatakda ng ating pinagmulan.

    Panonood ng mga dokumentaryo na nagtatampok sa ating kasaysayan at kulturang pinagmulan.

    Paggamit ng social media upang ibahagi sa iba ang maling impormasyon sa ating mayamang kulturang pinagmulan.

    Pagbisita sa mga museo at makasaysayang pook upang makita ang mga artifact at gusali na nagpapakita ng ating pinagmulan. 

    30s
  • Q6

    Ang Angkor Wat ay kilala sa kaniyang simetriya (symmetry) at detalyadong mga ukit na naglalarawan ng mga eksena sa mitolohiyang Hindu. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Angkor Wat sa Cambodia MALIBAN sa ______ 

    Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga artista at arkitekto sa buong mundo na nagpapakita ng isang natatanging kumbinasyon ng relihiyon, sining, at inhinyero.

    Ang templo na ito ay ugat ng mga puno na lumilikha ng isang misteryoso at romantikong tanawin na nagpapakita ng kapangyarihan ng kalikasan. 

    Malalaking kwadrado na bloke ng buhangin na bato at mga nakasalansan na templo na sumisimbolo sa mga bundok ng Mount Meru sa Hinduismo. 

    Sinaunang lungsod-templo na nagsisilbing ebidensya ng pagbabago ng klima at pagbagsak ng isang makapangyarihang imperyo.

    30s
  • Q7

    Sa mahabang kasaysayan ng Thailand, ang kanilang legal na sistema ay bunga ng iba’t ibang impluwensiya. Alin sa mga sumusunod na kodigo ang nagpapakita ng malalim na pagsasama ng mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Indian at mga katutubong Thai? 

    Code of Hammurabi 

    Justinian Code 

    Palastra

    Dharmasastra 

    30s
  • Q8

    Ang mga sinaunang kabihasnan sa Pilipinas, tulad ng mga kaharian at bayan sa mga isla ng Visayas at Mindanao, ay may malalim na ugnayan sa mga kalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa, may mga arkeolohikal na ebidensya na nagpapakita ng kalakalan sa pagitan ng mga sinaunang Pilipino at mga bansa tulad ng Tsina, Malaysia, at Indonesia. Sa kabila ng mga pagkakaibang kultura at wika, ang mga sinaunang kabihasnan sa rehiyon ay nagpapakita ng mga katangian ng malawakang interaksyon, mula sa kalakalan hanggang sa mga pamana ng relihiyon at sining

    Paano mo mailalarawan ang ugnayan ng sinaunang kabihasnan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya batay sa mga ebidensyang arkeolohikal na natuklasan sa rehiyon?

    Ang sinaunang kabihasnan ng Pilipinas ay hindi nakipag-ugnayan sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya dahil sa mga natural na hadlang tulad ng mga bundok at dagat.

    Ang mga sinaunang kabihasnan ng Pilipinas ay nagkaroon ng malawak na kalakalan at kultural na ugnayan sa mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya, tulad ng Malaysia at Indonesia.

    Ang ugnayan ng mga sinaunang kabihasnan ng Pilipinas at mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay naganap lamang sa mga relihiyosong aspekto at hindi sa kalakalan.

    Ang sinaunang kabihasnan ng Pilipinas ay nakatuon lamang sa mga lokal na gawain at hindi nakipag-ugnayan sa mga kalapit na bansa.

    45s
  • Q9

    Sa bawat produktong ating binibili ay may kaakibat na value-added tax o buwis na napupunta sa pamahalaan na ginagamit sa mga proyektong pagpapaunlad ng bansa. Anong uri ng patakaran ng mga Espanyol maihahalintulad ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino?

    polo y servicio

    monopolyo

    sentralisadong pamahalaan

    tributo

    30s
  • Q10

    Basahin at unawain ang isinasaad ng talata sa loob ng kahon. Sa panahon ng kolonyalismo, ipinataw ng mga mananakop ang kanilang mga patakaran na nagbago ng kabuuang takbo ng buhay sa mga kolonya. 

    Sa Pilipinas, ang mga patakaran ng mga Kastila, at pagkatapos ng mga Amerikano, ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa estruktura ng agrikultura at ekonomiya ng bansa. Halimbawa, ang sistema ng encomienda at ang pagtutok sa mga produktong panluwas tulad ng tabako at asukal ay nagpalakas sa interes ng mga banyaga ngunit nagdulot ng matinding hirap sa mga katutubong Pilipino. Ang mga patakarang ito ay nakapagbago ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka at nagbigay daan sa pagsasamantala sa mga lokal na manggagawa. Sa kabila ng mga pagbabago sa agrikultura, ang ekonomiya ay higit na nakatali sa mga pangangailangan ng mga kolonyal na kapangyarihan kaysa sa tunay na kaunlaran ng mga katutubong tao.

    Paano mo mailalarawan ang epekto ng kolonyal na patakaran sa mga katutubong populasyon, sa ekonomiya, at sa agrikultura ng Pilipinas batay sa sitwasyong nabanggit?

    Ang mga kolonyal na patakaran ay nagpalala ng kalagayan ng mga katutubong Pilipino, nagdulot ng pagsasamantala sa kanilang mga trabaho, at pagkatali sa interes ng mga banyaga.

    Ang mga kolonyal na patakaran ay nagbigay ng pantay-pantay na oportunidad sa mga Pilipino sa agrikultura at ekonomiya.

    Ang mga kolonyal na patakaran ay nagdulot ng pagyaman ng mga katutubong Pilipino, ngunit nagdulot ng pagkalugi sa mga mananakop.

    Ang mga kolonyal na patakaran ay nagdulot ng mabilis na pag-unlad ng agrikultura sa Pilipinas at pagpapabuti ng kalagayan ng mga katutubong Pilipino.

    45s
  • Q11

    Suriin ang mga sumusunod na pahayag ukol sa Kumperensiya ng Bandung. 

    Pahayag 1: Sa Kumperensiya ng Bandung, nagtagpo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa tulad ng India, Indonesia, Pakistan, Sri Lanka, Myanmar, at iba pa. 

    Pahayag 2: Layunin ng Kumperensiyang ito na magkaroon ng kolektibong lakas sa pagharap sa mga hamon ng kolonyalismo, imperyalismo, at pagpapalakas ng demokratikong pamahalaan. 

    mali ang parehas na pahayag

    tama ang una ngunit mali ang ikalawang pahayag

    mali ang una ngunit tama ang ikalawang pahayag

    tama ang parehas na pahayag

    45s
  • Q12

    Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanilang mga ambag sa bansa MALIBAN sa ______

    Ang kanilang kawalan ng pagmamahal sa bansang kanilang iniiwan ay nagdudulot ng lungkot sa kanilang pamilya.

    Ang presensiya ng mga OFWs ay nakatutulong upang palaganapin ang kultura ng Pilipinas sa ibang bansa.

    Ang mga remittances ng mga OFWs ay isang malaking bahagi ng GDP ng bansa na tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya. 

    Ang pagkakaroon ng kasanayan ng mga OFWs sa ibang bansa ay nakatutulong upang sa kanilang pagbalik sa bansa ay makatulong sa kanilang personal na pag-unlad.

    30s
  • Q13

    Ang mga hamon ng ASEAN ay nakatutulong sa pagtamo ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya? Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang HINDI nakatutulong upang upang matamo ang likas-kayang pag-unlad sa rehiyon? 

    Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga bansa sa ASEAN upang magbahagi ng kaalaman at teknolohiya sa sustainable development.

    Sa pagsasagawa ng mga proyekto at inisyatiba na naglalayong mapabuti ang kalikasan at kalagayan ng mga komunidad.

    Sa pagpapalakas ng mga polisiya na nagtataguyod ng paggamit ng renewable energy sources.

    Sa pagsusulong ng mga gawain na makasisira sa yamang-likas at pagtutol sa maka-kalikasang polisiya ng pamahalaan.

    30s
  • Q14

    Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay hindi ligtas sa suliranin ng climate change. Pag-aralan ang isinasaad ng mapa tungkol sa kalagayan ng suliranin sa climate change ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Tukuyin ang tatlong bansa sa ASEAN na may pinakamalaking bahagdan (percentage) ng suliranin sa climate change.

    Question Image

    Vietnam, Philippines, at Lao

    Indonesia, Singapore, at Lao

    Cambodia, Indonesia, at Thailand

    Vietnam, Philippines, at Myanmar

    30s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga isyu o hamon na kinakaharap ng ASEAN kaugnay ng karapatang pantao sa rehiyon?

    I. Ang kakulangan ng isang konkretong mekanismo para sa pagpapataw ng mga parusa sa mga bansa na lumalabag sa mga karapatang pantao.

    II. Ang pagsuporta sa mga internasyonal na kasunduan na nagtataguyod ng mga karapatang pantao na naaayon sa kanilang mga interes at konteksto. 

    III. Ang pag-aalangan ng mga miyembrong bansa na isabatas ang mga internasyonal na kasunduan sa karapatang pantao dahil sa mga pambansang interes. 

    IV. Ang pagkakaroon ng isang ASEAN Human Rights Declaration na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga tao, ngunit may limitadong bisa at hindi kumpleto sa mga mahahalagang karapatan. 

    II, III, at IV

    I, II, at III

    I, II, III, at IV

    I, II, at IV

    30s

Teachers give this quiz to your class