GRADE 8- POST TEST- Q3
Quiz by Mary Joy O. Zape
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang paggamit ng suprasegmental(tono, diin, antala) sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
dahil nakatutulong ito upang higit na maunawaan ang mga araling tinatalakay sa klase
dahil nagsisilbing gabay ito upang magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan
dahil nakatutulong ito upang maging mas mabisa ang pakikipagtalastasan
dahil nagsisilbi itong pantulong sa mga nais iparating sa mga kausap
45s - Q2
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang mali tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng suprasegemental?
Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na tono dahil tinutukoy nito ang pagtaas at pagbaba ng pagbigkas na nagpapaiba sa kahulugan ng mga salita.
Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na tono, diin, at antala dahil hinahadlangan nito ang mabisang pakikipagtalastasan.
Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na diin at haba dahil nabibigyang-diin ng nagsasalita ang pantig dahilan para magbago ang kahulugan nito.
Mahalaga ang paggamit ng suprasegmental na hinto o antala dahil sasaglit na paghinto ng mga pahayag upang higit na maging malinaw ito.
45s - Q3
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng pinakawastong paghahambing tungkol sa katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan?
Higit na madaling isulat ang palaisipan kaysa sa awiting panudyo at tugmang de gulong
Higit na tintatangkilik ng mga Filipino ang tugmang de gulong na nakikita sa mga pampublikong sasakyan kaysa sa mga awiting panudyo at palaisipan na gimagamit bilang pampalipas oras lamang.
Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay pare-parehong may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga Filipino.
Ang awiting panudyo at tugmang de gulong ay nasa anyong patula samantalang anyong pasalaysay naman ang palaisipan.
45s - Q4
Tukuyin sa mga pangungusap ang wastong pahayag kaugnay sa paghahambing ng katangian ng ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay kapwa may layuning manudyo o mang-asar na pumupuna sa isang isyung panlipunan.
Mas laganap pa rin sa kasalukuyan ang mga awiting panudyo kaysa mga tugmang de gulong at palaisipan.
Ang awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan ay kapwa bahaging kaalamang-bayan na sumasalamin sa lahi at pagkataong Filipino.
Mas nakatutulong ang layunin ng tugmang de gulong na magbigay ng mga paalala o babala sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan kaysa sa layunin ng awiting panudyo at palasipan na pampalipas oras lamang.
45s - Q5
Hindi maunawaan ng lola kung saan nahagilap ng apo ang mga balitang sinasabi nito sa kaniya. Alin sa sumusunod na mga salita ang kasingkahulugan ng salitang nahagilap?
inalis o tinaggal
nakuha o napulot
nakamasid o nakatingin
mabagsik at nakatatakot
45s - Q6
Tila yumayapos na ang takipsilim sa buhay ng mga matatanda? Alin sa sumusunod na mga salita ang kasalungat ng salitang yumayapos?
bumibitiw
yumayakap
umiiwas
binubuksan
45s - Q7
Alin sa sumusunod na mga akda ang halimbawa ng tugmang de gulong?
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Isang pinggan, abot bayan.
Batang makulit, palaging sumusitsit, sa amay mapipitpit.
Barya lang po sa umaga.
45s - Q8
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isang palaisipan?
Kotseng kakalog-kalog, sindihan ng posporo, sa ilog ilubog.
Huwag dumekwatro sapagkat dyip ko’y ‘di mo kwarto.
God knows Hudas Not Pay
Paano mo ilalagay o isusuot ang sinulid sa butas ng karayom sa likod ng iyong batok?
45s - Q9
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa katangian ng isang alamat?
isang salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
isang kuwentong-bayan na maikli lamang at kapupulutan ng aral
isang sanaysay na tumatalakay sa isang napapanahong paksa
isang kuwento ng karanasang nagyayari sa totoong buhay
45s - Q10
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tama tungkol sa mga tauhan ng isang mito?
Ang mga tauhang may kinalaman sa diyos, diyosa, at diwata ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.
Ang mga tauhang may kakaibang kapangyarihan ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.
Ang mga tauhang hayop ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.
Ang mga tauhang may pambihirang lakas ang gumaganap bilang mga tauhan sa isang mito.
45s - Q11
Basahin ang talata. Punan ng angkop na pahayag sa panimula, gitna, at wakas ang talata.
_________ nagsimula ang online class, marami nasa mga magulang ang may negatibong pagtingin tungkol sa new normal na paraan ng pag-aaral. __________ ang mga suliraning kinakaharap ng mga magulang lalo na sa usaping pananalapi dahil na rin sa kawalan ng trabaho at pagkakakitaan.Samantala, ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpatupad ng iba’t ibang pamamaraan upang matugunan ang mga suliraning ito. Kasabay nito ay ang pagkilosat pagtulong ng mga lokal na
pamahalaan upang makasabay ang kahit pangkaraniwang mamamayan at hindi mapag-iwanan sa kanilang pag-aaral.__________, makikita mula sa mga datos na nakatugon naman ang DepEd sa mga inaasahang programa upang maipagpatuloy pa rin ang pagbibigay ng kalidad na edukasyonsa mga mag-aaral.
TANONG: Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?
Mula noon, Walang ano-ano, Pagkatapos
Noong, Kasunod, Sa huli
Una, Ikalawa, Ikaltlo
Noong una, Samantala, Wakas
60s - Q12
Basahin ang talata. Punan ng angkop na pahayag sa panimula, gitna, at wakas ang talata.
Sa _________ ay may isang magandang dalagang nakatira sa bayan ng Ibalon. Siya ay walang iba kundi si Daragang Magayon.__________ ang kagandahang taglay ng dalaga ay nakabighani sa maraming mga binata mula sa iba’t ibang tribo. Bagama’t maraming binata ang nagkagusto sa kaniya ay nahulog ang kaniyang loob sa matapang na binatang si Panganoron.__________ sa basbas ng ama ni Daragang Magayon ay nagpasiya ang magkasintahang magpakasal.
TANONG: Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?
Una, Ikalawa, Ikatlo
Noon, Kasunod, Huli
Isang araw, Mula pa noon, Sa huli
Noong una, Noong ikalawa, Noong huli
60s - Q13
Basahin ang teksto. Sagutin ang kaugnay na tanong tungkol dito.
Ang unang pag-iyak at pagluha ng bagong silang na sanggol ay isang malaking bahagi ng kaniyang buhay. Ikinatutuwa ito ng mga taong nakasaksi ng kaniyang pagsilang sapagkat ito’y nagpapakitang buhay ang bata. Habang lumalaki ang sanggol at wala pang kakayahang magsalita, ito ang nagagamit niya upang maipaabot sa kaniyang mga tagapag-alaga ang iba’t iba niyang pangangailangan.Katunayan, tinatayang ang isang sanggol ay karaniwang umiiyak mula isa hanggang tatlong oras sa maghapon para sa layuning ito.
Sa paglaki ng sanggol, ang dalas ng pag-iyak o pagluha ay nababawasan subalit ayon sa pag-aaral, ang mga babae aymas madalas lumuha kaysa mga lalaki. Dagdag pa sa mga natuklasan ng mga pag-aaral ang tatlong pangunahing dahilan ng pagluha. Una, ang pagluhang dalang emosyong maaaring lungkot, galit, tuwa, at iba pa. Ang ikalawa at ikatlo ay maikakategorya sa uring lacrimal na nakatutulong upang malinis ang mata at higit na makakita nang malinaw. Kabilang dito ang uring “basal” na nagpapanatiling basa sa mata upang hindi ito manuyo at reflex o luhang sadyang dumadaloy kapag may bagay na nakairita sa mga mata tulad ng sibuyas at usok.Kaya naman, marapat na ituring ang pag-iyak ng sanggol bilang isang mahalagang paraan upang sila ay higit na maunawaan, mahalin, at alagaan.
TANONG: Kung ibubuod ang binasang teksto sa pamamagitan ng pangunahin at pantulong kaisipan, alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na buod?
Ang unang pag-iyak ng isang bagong silang na sanggol ay mahalaga upang maipakitang siya ay buhay. Layunin nitong malinis ang mata at makakita nang masmalinaw. Sa ganitong paraan, napananatiling malusog ang mga mata at nailalayo sa anomang bagay na makairita rito.
Ang madalas na pag-iyak o pagluha ng isang sanggol ay isang paraan upang ipaalam ang kaniyang emosyon gaya ng lungkot, saya, galit at iba pa. Higit ring lumuluha ang mga babae kaysa mga lalaki. Dahilan upang sila ay lalong maunawaan at mapangalagaan.
Isang mahalagang paraan ang pag-iyak o pagluha ng isang sanggol upang sila ay higit na maunawaan, mahalin, at alagaan. Patunay rito ang isa hanggang tatlong oras na pag-iyak sa maghapon. Dagdag pa rito ang mga layunin kung bakit umiiyak ang isang sanggol.
Malaking bahagi sa buhay ng isang bagong silang na sanggol ang kaniyang unang pag-iyak o pagluha. Hudyat ito ng ng kaniyang pagkabuhay. Isa rin itong paraan ng kaniyang komunikasyon sa mga tagapag-alaga upang iparating ang kaniyang mga pangangailangan.
120s - Q14
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagbubuod ng isang teksto?
Basahin/ panoorin/ pakinggan ang teksto.
Itala ang mga mahahalagang detalye at pagsama-samahin ang mga magkakaugnay na ideyang nabuo.
Tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipan.
Unawain ang nilalaman nito.
45s - Q15
Basahin ang buod ng pelikulang, Heneral Luna. Sagutin ang mga kaugnay na tanong tungkol dito.
Heneral Luna (Buod ng Pelikula)
Noong 1898, sa probinsya ng Bulacan – si Pangulo Emilio Aguinalo, kasama siApolinario Mabini at ang kanyang kabinet ay nagdedebate sa isyu ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sina Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay sumusoporta sa mungkahi ng mga Amerikano, habang si Heneral Luna at Heneral Jose Alejandrino ay gusto lamang ang kalayaan ng Pilipinas. Sinigurado ni Aguinaldosa kabinet na nangako ang mga Amerikano tutulong sila sa kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Espanyol. Kaso, ang mga Amerikano ay nanghimasok sa mga bayan ng Manila, na nagpapahiwatig ng posibleng digmaan laban sa mga Pilipino.
Si Luna at ang kaniyang pinagkakatiwalaang mga sundalo – Heneral Alejandrino, Koronel Francisco “Paco” Roman, Kapitan Eduardo Rusca, Kapitan Jose Bernal, at si Koronel Manuel Bernal – ay sumakay sa bapor laban sa paghimasok ng mga puwersang Estados Unidos. Nagtipon ng hukbo si Luna ng 4,000 na kawal sa pamamagitan ng pagpahayag ng kaniyang nais sa “Artikulong Una,” na naglalahad na kung sino ang tatanggi sa mga kaniyang utos ay pupugutin ang ulo na walang pagsubok sa hukuman.Tinatag niya ito dahil sa ‘di pagsunod ni Kapitan Pedro Janolino sa utos ni Heneral Luna na dagdagan pa ang armas dahil hindi galing sa pangulo ang utos noong panahon ng giyera laban sa Amerikano.
Habang nagaganap ang digmaan, sina Buencamino at Paterno ay nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta sa isang panukala sa pamamagitan ng Amerikano para sa pagsasarili ng Pilipinas. Galit na galit si Heneral Luna dahil dito, inutusan niya arestuhin sila. Pinahina ni Heneral Tomas Mascardoang kampanya ni Heneral Luna dahil susundin lang niya ang mga utos ng Pangulo.Patuloy na sumulong ang mga Amerikano. Binisita ni Heneral Luna sina Aguinaldoat Mabini para takasan ang kanilang pagbibitiw, kahit na sila Buencamino at Paterno ay pinalaya na. Si Aguinaldo ay tumatangging tanggapin ang kaniyang pagbibitiw, ngunit sumang-ayon siya na magtatag ng isang punong himpilan para sa sandatahang lakas sa hilaga.
Maya-maya, si Luna ay ipinatawag ng Pangulo sa Cabanatuan. Si Heneral Luna ay pumunta sa Cabanatuan kasama sina Roman at Rusca. Pagdating niya, nadiskubre ni Luna na nakaalis na si Aguinaldo at ang natitira na lamang ay si Buencamino.Habang sila ay nag-uusap, may isang barilan na narinig sa labas. Inimbestigahan ni Heneral Luna at natagpuan niya si Kapitan Janolino at ang kaniyang mga tauhang patay. Si Heneral Luna ay ibinaril at sinaksak nang paulit- ulithanggang sa mamatay. Si Rusca ay nasugatan at sumuko sa mga sundalo ng Kawit. Karamihan sa mga opisyal ni Luna ay naaresto, habang ang ilan ay namatay, kasama na ang magkapatid na Bernal.
Iniutos ni Aguinaldo na ilibing nang may buong karangalan sina Heneral Luna at Roman sa pamamagitan ng pagpatay ng mga Kawit batalyon – ‘yung mgatauhan na pumatay sa kanila. Si Mabini, na kabilang sa mga nagluluksa, napansinang isang madugong palataw sa isa sa mga sundalo; gayunpaman, ang Kawitbatalyon ay pinawalang-sala mula noon.
Si Aguinaldo ay tumatanggi sa kaniyang paglahok sa pagpatay; Kinikilalan niya si Antonio Luna bilang kaniyang pinakamakinang at pinaka may kakayahan sapangkalahatan. Si MacArthur at si Otis ay kinikilala si Luna bilang isang kaaway, at tinatawanan ang katotohanan na ang mga Pilipino ang pumatay sakanilang tanging tunay na heneral.
TANONG: Batay sa taglay na elemento at katangian ng tesktong binasa, anong uri ng panitikan ito nabibilang?
dulang pantahanan
dulang pantelebisyon
dulang pantanghalan
dulang panlansangan
120s