
GRADE 8-ARALING PANLIPUNAN
Quiz by Theresa Mariz
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Napansin ng mga historyador na ang mga sinaunang kabihasnan tulad ng Mesopotamia, Egypt, Indus, at Huang Ho ay umusbong malapit sa mga ilog. Bakit mahalaga ang mga ilog sa pag-usbong ng mga unang kabihasnan?
Ang mga Minoan na nanirahan sa isla ng Crete ay kilala bilang mahusay na mangangalakal at mandaragat sa sinaunang panahon. Ano ang pangunahing ambag ng mga Minoan sa kalakalan sa rehiyong Mediterranean?
Ang kabihasnang Mycenaean sa sinaunang Greece ay kilala sa pagkakaroon ng mga lungsod na may matitibay na pader at estrukturang panseguridad. Ano ang katangiang naglalarawan sa kapangyarihan ng mga Mycenaean?
Sa sinaunang lipunan ng India, ang sistemang varna o caste ay nagtatakda ng mga tungkulin at responsibilidad ng bawat pangkat sa lipunan. Kung gagawa ang isang klase ng code of conduct batay sa aral ng sistemang ito tungkol sa tungkulin, alin ang pinakamainam na prinsipyong dapat sundin?
Noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo, nagsimulang umusbong ang interes ng mga Europeo sa kaalaman, sining, at agham na nagbigay-daan sa Panahon ng Renaissance. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagbunsod sa paglaganap ng mga bagong ideya sa sining at agham sa panahong ito?
Sa Panahon ng Paggalugad, maraming kapitan ng barko ang naglalayag upang tuklasin ang mga bagong lupain at mag-angkin ng teritoryo para sa kanilang hari at bansa. Isang kapitan mula sa Espanya ang nag-angkin ng bagong lupain para sa hari. Alin sa sumusunod ang pinakamabisang dahilan ng kanyang pagkilos?
Malaki ang naging epekto ng kolonyalismo ng Espanya sa mga lupain sa Americas, lalo na sa paraan ng pamamahala at paggamit ng mga likas na yaman. Kung ikaw ay tagapangasiwa ng isang museo tungkol sa kolonyalismo, alin sa mga sumusunod na eksibit ang pinakamainam na magpapakita ng epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Americas?
Ang pagbuo ng mga alyansang militar sa Europa bago sumiklab ang digmaan ay nagdulot ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa. Alin sa ibaba ang ipinapakita nitong sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Alin sa mga pangyayari ang pinakamalinaw na nagpapaliwanag kung bakit nagsimula ang Cold War pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Ang Estados Unidos at Union Soviet Socialist Republic (USSR) ang pinakamakapangyarihang bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang pangunahing sanhi ng tensiyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa na nagbunsod sa Cold War.
Ang magkakaibang ideolohiya ang pangunahing ugat ng tensyon sa pagitan ng U.S. at USSR. Batay rito, alin ang pinakamalinaw na nagpapaliwanag kung bakit nagsimula ang Cold War?
Sa satellite image ng Beijing, makikita na ang Tiananmen Square ay isa saÂ
pinakamalalaking pampublikong espasyo sa bansa. Bilang isang mamamayan na naniniwala sa kahalagahan ng demokrasya, ano ang pinakamahalagang aral na makukuha mo kung bakit dito naganap ang malakihang protesta?
Nabuo ang United Nations pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakatatag nito?
Kung ang League of Nations ay nabuo pagkatapos ng World War 1, anong pangyayari sa kasaysayan ang nag-udyok sa mga bansa na lumikha ng isang mas epektibong organisasyong pandaigdig tulad ng United Nations?
Sa patuloy na pagdami ng insidente ng terorismo sa iba’t ibang bansa, maraming pamahalaan ang nagtataas ng seguridad sa mga paliparan at matataong lugar.  Â
Bilang isang mamamayan, alin ang pinakamabisang paraan upang makatulong sa pagpigil ng terorismo?   Â