Loading...

Gumawa ng AP quiz sa paksang Elemento ng pagkabansa in Filipono language
Quiz by Mary Falline
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Gumawa ng quiz gamit ang mismong mga tanong: 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis
Gumawa ng mga tabong tungkol sa nasyonalismo,militarismo,imperyalismo,alyansa
Gumawa ng quiz tungkolsa paksang panitikang pilipino
Gumawa ng pagsusulit tungkol sa pagsulat ng liham para sa grade 2 filipino
Gumawa ng quiz gamit mismo ang mga sumusunod: 1. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano? A. Amerika C. Asya B. Aprika D. Europa 2. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya? A. Aristokrasya C. Diktadurya B. Demokrasya D. Republika 3. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 4. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 5. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya? A. Roma C. Milan B. Florence D. Venice 6. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at Carthage? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 7. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano? A. Assyrian C. Phoenician B. Lydian D. Sumerian 8. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana? A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan 9. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano? A. hindi matatag na pamumuno B. paglusob ng mga tribong barbaro C. may sariling paraan ang bawat isa D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
Gumawa ng pagsusulit tungkol sa tradisyon ng pamilya sa pananampalataya grade 5 gmrc
Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng hakbang sa pagsangguni sa taong kinauukulan
Panimula Natuklasan mo na ba kung paanong ginawa o nilikha ng Diyos ang daigdig? Ayon sa Genesis 1:1 “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.” Napakapalad natin dahil isa rin tayo sa nilikha Niya. Nakasama pa tayo sa isang paraiso na ngayo’y ating ginagalawan. Sa modyul na ito malalaman mo kung anong mga bagay pa ang nilikha ng Diyos na may kinalaman sa ating tinitirhan, ang mundo o daigdig? Mga dapat tandaan at layunin Handa ka na bang tuklasin ang ating daigdig? Kung handa ka na ihanda mo na ang iyong mapa o globo kung mayroon man. Ang Layunin mo sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: • Nailalarawan ang daigdig bilang planeta ng solar system • Nailalarawan ang daigdig sa mga tao • Natatalakay at napapahalagahan : a. Bahaging Lupa b. Bahaging Tubig c. Bahaging Hangin • Natatalakay ang katangian ng globo bilang modelo ng mundo at ang mapa bilang patag na representasyon ng mundo • Naipapakita ang pakikiisa sa pag-aalaga at pagliligtas sa daigdig Pangunahing Pagsusulit Panuto: Isulat kung tama o mali. _________1. Ang daigdig ay planeta ng mga tao. _________2. Ang mapa ang sinasabing modelo ng mundo. _________3. Binubuo ng tatlong panlabas na bahagi ang ating daigdig. _________4. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw ang ating mundo. _________5. Ang ating daigdig ay binubuo ng 75% na bahaging tubig at 25% na bahaging lupa. Nilalaman Noong unang panahon may iba’t ibang paniniwala ang mga tao sa daigdig. Inakala ng mga unang tao na ang mundo ay isang malawak na kapatagan at ang dulo ay walang hanggan. Sinasabi na ang daigdig ay isang hugis pabilog na batong lumulutang sa kalawakan. Bahagi ito ng tinatawag na solar system – isang kaayusan ng mga bagay na planetaryo sa kalawakan na ang nakapangunguna ay ang araw. Ang daigdig ay isang planeta na may tunay na hugis na oblate spheroid. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw, na may layong 148,800,000 kilometro. Ang globo ang modelo ng mundo o daigdig samantalang ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo. Isang kartograper ang gumawa ng mapa. Makikita rito ang lawak ng isang lugar, direksyon mula sa iba’t ibang lugar, hugis ng lugar sa mundo at ang iskala mula sa lahat ng punto ng mapa. Ano ba ang iskala? Ito’y tawag sa paraan ng pagpapakita ng tunay na sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat. ( Larawan ng Globo) Malinaw na makikita sa globo ang mga anyong tubig at anyong lupa, gayundin ang mga bahaging mabundok at bahaging patag. Binubuo ang mundo ng 75% na katubigan at 25% na kalupaan. Ang ating daigdig ay binubuo ng tatlong panlabas na bahagi: ang bahaging lupa, ang bahaging tubig at bahaging atmospera o hangin. Ang Bahaging Lupa ( Larawan) Ang bahaging lupa ay ang solidong bahagi na binubuo ng bato at lupa. Binubuo ito ng halos isang – kapat (1/4) o dalawampu’t limang porsyento ng mundo ay binubuo ng kalupaan. Ang malawak na lupa o malalaking tipak ng lupa ay tinatawag na kontinente o lupalop. Mayroon pitong kontinente ang ating mundo. Ang asya ang pinakamalaki na sinusundan ng Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europa, Antarctica at Australya. Mapapansin mo na maraming mga bansa ang nakapaloob sa bawat kontinente at karamihan sa mga ito ay magkakadikit. Pansinin mo ang kontinenteng Timog at Hilagang Amerika at ang mga kontinenteng Europa, Aprika, at Asya. Itanong mo sa iyong pasiliteytor kung saan ang sakop nito o hangganan ng bawat isa. Ang Bahaging Tubig ( Larawan ng tubig) Nakikita mo ba ang mga bahagi ng tubig sa globo o mapa? Mapapansin mo ang kulay asul sa mapa at globo na nagpapakita na ang mga ito ay binubuo ng bahagi ng tubig. Tinatayang tatlong kapat (3/4) o pitumpu’t limang porsiyento ng panlabas na bahagi ng mundo ay katubigan. Ang ating daigdig ay binubuo ng malalaking bahagi ng katubigan nan tinatawag na karagatan. Mayroon apat na karagatan ang daigdig. Ito ay ang karagatang Pasipiko, ang pinakamalaking karagatan, sinusundan ng Atlantiko, Indian at Artiko. Maari mo rin tingnan sa globo o mapa ang mga karagatang nabanggit at kung saan bansa at kontinente ito malapit. Ang Bahaging Atmospera o Hangin ( Larawan ) Naranasan mo na bang magpalipad ng saranggola? Ano ba ang dahilan kung bakit ito tumataas? Marahil alam mo na ang dahilan? TAMA! Ito’y dahil sa hangin na nagpapalipad at nagpapataas sa saranggola para ito’y tumayog. Ang bahaging bumabalot sa mundo ay ang atmospera. Samantala ang nakakapasong init ng araw o ultra violet rays ay pinipigilan ng mga makakapal na gas o ulap sa atmospera ng mundo ay tinatawag na ozone layer. Sinasala nito ang nakapipinsalang matinding sikat ng araw na pumapasok sa daigdig. Unti- unti na rin itong nabubutas dahil sa mga kemikal na CFC’s ( Chloroflouro Carbons), sprays, usok na galing sa pabrika at sasakyan. Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng hangin sa ating kapaligiran pumunta naman tayo sa . . . ( Larawan ng sapin ng hangin) ANG ANIM NA SAPIN NG HANGIN: A. TROPOSPERA Dito nabubuo ang lagay ng panahon sa mundo. Kung ikaw ay nagpapalipad ng saranggola, sa tropospera ito lumilipad at ang hangin na iyong hinihinga ay nasa tropospera. B. ISTRATOSPERA Dito sa sapin na ito matatagpuan ang ozone layer. At karamihan sa mga eroplano ay dito nagpapalipad dahil hindi gaanong mapanganib dito. C. MESOSPERA Dito sa sapin na ito mayroon pinakamalakas na hangin. At karamihan sa mga batong bumabagsak sa kalawakan ay madali agad nag- aapoy at nasusunog kapag ito’y dumaan na sa hanging mesospera. D. TERMOSPERA Ang sapin ng hangin na sobrang lapit sa ultraviolet rays ng araw, sobrang init at umaabot ang init sa kabuuang 600 C. E. EKSOSPERA Ang pinakamalayong sapin sa ating himpapawid. Ito ang sapin na kung saan ay mahirap ng maabot. F. IONOSPERA Kung paano nagkakaroon ng signal ang iyong cellphone at malinaw ang naririnig ninyo sa radyo at sa telebisyon, Ionospera ang dahilan.