
Lagumang Pagsusulit para sa Ikalawang Markahan
Quiz by Jeremie Guimbangunan
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon;magandang laruang pula, puti, asul,na may pangalan mong sa gitna naroon.- Guryon, Ildefonso Santos. Anong salita na ginamit sa tula ang sumisimbolo sa buhay?
Likas na sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal at ito ay kanilang naipamamalas sa iba’t ibang pagkakataon. Una, sila ay may mataas na paggalang sa mga nakatatanda sa kanila. Pangalawa, marunong silang makinig at sumunod sa mga utos at payo ng mga nakatatanda. Pangatlo, tumatalima sila sa mga patakan o tuntunin sa kanilang paligid. At higit sa lahat, marunong silang magpasalamat sa anomang bagay na kanilang natatanggap. Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto?
Alin sa mga tanong ang HINDI kabilang sa makabuluhang tanong hinggil sa paksang Panganib ng Cyber Bullying?
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa opinyon hinggil sa Epekto ng Global Warming?
Palibhasa'y nag-iisang anghel ng kanilang tahanan kaya ganoon na lamang ingatan ng mag-asawa si Diana. Ano ang gamit na kahulugan ng salitang anghel sa pangungusap?
Sagana man sila sa materyal na bagay, salat naman sila sa mabuting pag-uugali kaya sila nilalayuan ng kanilang kapwa. Anong magkasalungat na salita ang ginamit sa pangungusap?
Mas naibabahagi ng mga tao ngayon ang kanilang panig sa iba't ibang usapan di-tulad noong wala pang hatirang pang-madla o social media. Ano ang paraan ng paghahayag ang ginamit sa pangungusap?
Naghihintay si Marcos kay Anita. Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. Nang tangkain niyang dumalaw minsan, ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber.-Walang Panginoon, Deogracias A. Rosario. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap?
Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kang alam kundi kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa banyo.-Tahanan ng Isang Sugarol. Saan maiuugnay ang inilahad na kaisipan?