placeholder image to represent content

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 9 sa Ikatlong Markahan

Quiz by Jo-Ann Jaramilla

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1

    Napagbabalik-aralan ang Elehiya  at mga katangian nito.

    Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.

    pasalaysay

    pandamdamin

    tulang dula

    patnigan

    60s
  • Q2

    Kung susuriin ang " Elehiya sa Kamatayan ni Kuya ", ang tagpuan ay sa ___________.

    bahay sa kabukiran

    isang punerarya 

    walang pahiwatig sa akda.

    kubo sa probinsya

    60s
  • Q3

    Alin sa mga sumusunod ang tema ng binabasang elehiya

    Pagbabalik -tanaw sa nakalipas ng isang namayapa

    Pagdadalamhati ng isang namatayan

    Pagbibigay pugay at papuri sa isang namayapa

    Hibik dahil sa hindi matanggap na maagang kamatayan

    60s
  • Q4

    " Mula sa maraming taon na paghihirap sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral," ang mga linyang ito ay nagpapahiwatig na ang namayapa ay ________________.

    pinagpag-aral niya ang sarili

    walang kapasidad na tustusan ang pag-aaral

    walang kapasidad na mag-aral

    nagtatrabaho habang nag-aaral

    60s
  • Q5

    Ano ang relasyon ng persona sa namayapa

    Pinsan

    Kinakapatid

    Pamangkin

    Kapatid

    60s
  • Q6

    Ang damdamin sa kabuuan ng elehiya ay ___________.

    nagdadalamhati

    nagbubunyi

    nagmamaktol

    nagmamalaki

    60s
  • Q7

    Anong tradisyon sa Pilipinas kaugnay sa namayapa ang ginagawa sa bansang Bhutan na masasalamin sa tula ?

    Pagdarasal sa namatay

    Pagluluksa

    Babang-luksa

    Pagpaparangal sa namatay

    60s
  • Q8

    Ano ang ibig sabihin ng salitang "immortal " sa huling saknong ng tula ?

    Payak

    Panandalian

    Orihinal

    Walang kamatayan

    60s
  • Q9

    Napatunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

    " Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong lumabas nang maagang -maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan."Ang pangungusap na ito ay batay na rin sa kabuuan ng parabula ay nangangahulugan ng ___________.

    Ang kaligtasan ng tao ay nangangailangan din ng paggawa

    Ang kaligtasan ay regalo

    Ang kaligtasan ay libre lang

    Ang kaligtasan ay nangangailangan ng puhunan

    60s
  • Q10

    Ang kaharian ng Langit ay tulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang kumanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan." Base sa pangungusap ,ano ang tinutukoy ng pariralang may salungguhit ? 

    Biyaya

    Pananampalataya

    Diyos

    Kaligtasan

    60s
  • Q11

    Alin sa mga sumusunod ang ibig ipakahulugan ng " Salaping Pilak " sa parabula ?

    Kasaganaan sa buhay

    Kaligtasan at buhay na walang hanggan

    Perang kabayaran

    Regalo dahil sa pagsunod

    60s
  • Q12

    Ayon  nga kay Hesus "Ang nahuhuli ay nauuna , at ang nauuna ay mahuhuli." Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito base sa binasa ? 

    Daig ng masipag ang maagap

    Ang kagalingan ay hindi  lamang nakikita sa gawa kundi sa nilalaman ng puso at kaisipan. 

    Huli man daw basta magaling ay nauuna pa rin.

    May mga bagay na magaling sa tao ngunit hindi magaling sa paningin ng Diyos

    60s
  • Q13

    Ipagpalagay na ang tumatawag sa mga tao ay ang Diyos , at ang mga tao ang  manggagawa , alin naman ang tinutukoy na ubasan sa parabula ?

    Simbahan/Iglesia/kongregasyon

    Literal na sakahan/taniman ng ubas

    Mundo/daigdig

    Pagawaan o planta/factory

    60s
  • Q14

    Batay sa mga naging pag-aaral o diskusyon ninyo sa klase hinggil sa parabula, alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang paghihinuha sa katangian ng parabula ?

    Patulang pagsasalaysay ng kabayanihan ng mga tauhan sa isang panahon 

    Mahabang kasaysayan ng buhay at paghihirap ng Panginoong Hesus. 

    Mga pangyayaring kapupulutan ng aral mula sa bibliya at may semantikang pagpapakahulugan sa mga inilahad na pangyayari.

    Salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

    60s
  • Q15

    Nabibigyang kahulugan ang mga matalinhagang pahayag.

    Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakagamit sa pangungusap ng matalinhagang pahayag na " Nagpapakain ng pitong ulo"? 

    Isang halimaw ang nakita ko na may pitong ulo at sampung sungay na pinakain ng kampon ng kadiliman

    Pinakain ko ng pitong ulo ng manok ang aking pamangkin dahil paborito nya ito

    Ayon sa balita ay natagpuan ang pitong ulo na pinakain ng bala na lulutang -lutang sa ilog Pasig

    Pitong ulo kaming pinakakain ng aking ina sa pamamagitan ng kanyang paglalabada. 

    60s

Teachers give this quiz to your class