
LAGUMANG PAGSUSULIT_Grade 9-Val Ed_2025_Q2
Quiz by Cecile C. Cao
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sang-ayon ka ba na kahit bata pa lamang ay nararapat na gumawa na ng mga tungkulin?
Alin ang wastong ugnayan ng mabuti at tama?
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
Ano ang adhikain ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights)?
Ano ang pangunahing layunin ng paggawa ?
Nagsasagawa ang barangay ng programa para sa mga matatandang walang kumakalinga. Inimbitahan kayo upang lumahok. Ano ang pinakamainam na paraan upang makatulong ka sa proyekto?
Alin sa mga sumusunod na batas o panukala ang pinakaumaayon sa Likas na
Batas Moral, lalo na sa konteksto ng proteksyon at pag-unlad ng kabataan?
Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga proyekto ng gobyerno tulad ng tree planting?
Paano mo magagamit ang iyong kakayahan sa teknolohiya upang mapabuti ang d kalagayan ng iyong komunidad?
Ano ang pinakamabuting gagawin mo kung nasaksihan mo ang hindi tamang pagtrato ng isang nakatatandang miyembro ng pamilya, tulad ng pisikal na pananakit?
Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ang inilarawan sa sumusunod na sitwasyon? Maraming kabataan sa panahong ito ang nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot. Kamakailan lang sa balita, 2 menor de edad ang napatay sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Piliin sa mga sumusunod ang tamang pahayag.
Pagkatapos pag-aralan ang buhay ng isang volunteer nurse na naglingkod sa malalayong lugar, anong hakbang ang maaari mong gawin upang makatulong sa komunidad gamit ang inspirasyon mula sa kanyang kwento?
Alin sa mga sumusunod ang mali ang pahayag tungkol sa mabuti?
Alin sa sumusunod ang tama ang kaisipang nakasaad sa pangungusap?
Ano ang pinakamataas na antas ng karapatan na dapat mangibabaw kung sakaling ito ay malalagay sa panganib?
Ang paggawa bilang paglilingkod ay nagiging daan upang makamit ang
pagkaganap ng pagkatao. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita nito?
Isang construction worker ang nagsabing ang kanilang trabaho ay hindi lamang tungkol sa pagpapagawa ng gusali kundi para rin sa pagbibigay ng tahanan sa mga nangangailangan. Ano ang kultural na kahalagahan ng ganitong pananaw?
Sa isang panayam, inilahad ng isang tagapagtayo ng gusali na nagbibigay siya ng karampatang suporta sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Paano ito nagdudulot ng kabutihan sa moralidad ng isang lipunan?
Napansin ni Liza na madalas na inuutusan ng kanyang mga magulang ang
kanyang nakababatang kapatid na babae ng mabibigat na gawaing bahay, samantalang ang kanyang kuya ay halos hindi pinapagawa. Ano ang dapat gawin ni Liza upang maituwid ang hindi patas na pagtrato?
Ano ang pinakamabuting gagawin mo kung nasaksihan mo ang hindi tamang pagtrato ng isang nakatatandang miyembro ng pamilya, tulad ng pisikal na pananakit?
Ano ang iyong gagawin upang maituwid ang pangongopya mo sa kaklase tuwing may pagsusulit sa Math o iba pang asignatura?
Ano ang pinakaunang hakbang upang matupad ang likas na batas moral?
Anong uri ng proyekto ang maaari mong gawin upang matulungan ang mga
batang may kapansanan sa iyong komunidad?
Bakit kailangan malaman na ang karapatan ay may kaakibat na tungkulin o pananagutan?
Ang paggawa ng mabuti ay nakasalalay sa pansariling interes ng tao. Alin ang nagpapakita na ang paggawa ay nagsusulong ng dignidad ng tao?
Isang babaeng mag-aaral ang nakaranas ng paghawak sa kamay,paghipo at pagakbay mula sa isang guro sa kanilang paaralan. Ano ang tamang hakbang na dapat gawin ng estudyante upang maaksyunan ang insidenteng ito?
Alin sa sumusunod ang pinakalinaw na halimbawa ng paggawa na nagtataguyod ng dignidad ng tao sa pamayanan?
Si Leo ay nakasaksi na tinutukso at pinagtatawanan ng ilang kaklase ang isang bagong estudyante dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pananamit. Nais niyang ituwid ang sitwasyong ito bilang paggalang sa karapatang pantao ng bawat isa. Ano ang pinakaangkop na kilos na maaari niyang gawin?
Ano ang tawag sa kapangyarihang moral na gawin, hawakan, o pakinabangan at angkinin ang isang bagay?
Alin sa sumusunod ang pinakamainam na prinsipyo sa paggawa ng mabuti?
Ano ang pinakaunang prinsipyo ng Likas na Batas Moral na nagsisilbing gabay
at batayan ng lahat ng kilos at desisyon ng tao na naaayon sa moralidad?
Ano ang konseptong nakapaloob sa pahayag na: “May tungkulin ang pamahalaan na magbigay ng maayos na trabaho sa mga mamamayan.”?
Sa isang panayam, sinabi ng isang boluntaryo na ang kanyang layunin ay
tumulong sa mga nangangailangan nang walang kapalit. Paano mo maituturing ang ganitong pananaw sa pakikilahok?
Si Efren Peñaflorida ay nakilala sa kanyang “outreach program” na “kariton classroom.” Kung ikaw ay isang mag-aaral sa kanyang grupo, paano ka makakatulong upang mapalawak pa ang programang ito?
Ang Likas na Batas Moral ay _________ upang makita ang halaga ng tao.
Isang environmental volunteer ang naglaan ng oras para magtanim ng mga puno sa deforested areas. Ano ang maaari mong likhaing proyekto upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya?
Nakakatutulong ang pakikilahok ng bawat isa sa lipunan sa pagkamit ng
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng ________.
Ang inyong barangay ay nagsasagawa ng programa para sa mga matatandang walang kumakalinga. Kayo ay inimbitahan upang lumahok. Ano ang pinakamainam na paraan upang makatulong ka sa proyekto?
Alin ang hindi kabilang sa pakikilahok at bolunterismo sa komunidad?