Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay, naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae, nakasuot ng itim pero hindi ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin at masakit ang pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat. Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo.