Loading...

Mga Anyo ng Pagsulat
Quiz by Mercidita Balgos
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Give this quiz to my class
Quiz #1: Ang Tula
short quiz #4 -Uri ng Panulaan
“SI HENRY AT ANG DUWENDE” 1. Kakahuyan Kahulugan: Ang kakahuyan ay isang lugar na kung saan tanging mga punong-kahoy ang nakatanim. Halimbawa: Hinanahap ni Aling Nena si Jolina ngunit patuloy siyang nagtatago sa kakahuyan. English word: Gubat Describe: Ang kakahuyan ay isang lugar na puno ng tanim na kahoy kung kaya’t umaamapaw ang berdeng kulay. 2. Lagaslas Kahulugan: Ang salitang lagaslas ay tumutukoy sa mabigat na daloy ng agos ng tubig mula sa ilog Halimbawa: Ang tunog ng lagaslas ng tubig sa talon ay nakakatakot. English word: Swift flow Describe: Ang lagaslas ay ang pag-agos ng tubig pababa. 3. Dumadaloy Kahulugan: Ang salitang dumadaloy ay nangangahulugang umaagos Halimbawa: May dugong bughaw ang dumadaloy sa kanyang ugat. English word: Flow Describe: Ang daloy ay naglalarawan sa agos ng partikular na bagay. 4. Batis Kahulugan: Ang tubig sa batis ay karaniwang malinis at malamig na madalas matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat. Halimbawa: Ang batis ng Encantadora ay matatagpuan sa Vintar, Ilocos Norte. English word: Falls Describe: Ang batis ay isang uri ng anyong tubig na may patuloy na agos sa pinanggalingan nito. 5. Tinig Kahulugan: Ang tinig ay ang tunog na lumalabas sa bibig ng isang tao kapag siya ay nagsasalita, kumakanta, o nagpapahayag ng mga ideya, damdamin, o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsulat. Halimbawa: Noong siya ay kumanta ay sobra akong namangha sa kanyang tinig. English word: voice Describe: 6.Napalundag Kahulugan: Ang salitang napalundag ay ang biglaan at hindi sinasadyang pag-angat o pagtalon ng katawan mula sa ibabaw dahil sa gulat, takot, o hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa:Napalundag si Claire dahil may nakita siyang ahas sa kanilang banyo. English word: jump Describe: Ang napalundag ay nangangahulugang hindi sinasadyang pagkagulat. 7. Matutulis Kahulugan: may matalas na dulo o gilid na hugis tumpok, maaaring magdulot ng sugat kung hindi maingat. Halimbawa: Matulis ang kutsilyong ginamit ni Christine sa paghiwa ng sibuyas. English word: Sharp Describe: Ang matulis ay tumutukoy sa pagiging matalas. 8. Tinutungtungan Kahulugan: Ang tinutungtungan ay tumutukoy sa lugar na kung saan sila nakatayo o nakapuwesto. Halimbawa: “Nakatira kami riyan sa kakahuyang nasa likod ng nga batong tinutungtungan natin.” English word: stepped on Describe: Ito ay nangangahulugang inaapakan or kinalalagyan sa ilalim. 9. Makinang Kahulugan: Ang kahulugan ng salitang makinang ay makintab, maningning, makislap at maliwanag. Halimbawa: Kumikinang ang suot niyang singsing. English word: Shiny Describe: Ang makinang ay naglalarawan sa isang bagay na gawa sa ginto na kung saan kapag ginalaw ay nakapagbibigay ng ilaw. 10. Nasinagan Kahulugan: Ang kahulugan ng nasinag ay nabanaag, nakita, o napagmasadan. Halimbawa: Nasisinagan ng araw si Mary kaya’t siya ay napilitang bumangon. English word:shined Describe: Ang nasinagan ay tumutukoy sa bagay na natatamaan ng init mula sa raw. 11. Nayon Kahulugan: isang maliit na pamayanan sa probinsya o malayo sa lungsod, kung saan namumuhay nang payak ang mga tao, magkakakilala, at malapit sa kalikasan. Halimbawa: Bagong lipat sina Henry sa Nayon ng Maginhawa. English word: Village Describe: Ang Nayon ay isang lugar na malapit sa bundok. 12. malawak Kahulugan: Ang malawak ay tumutukoy sa isang bagay, espasyo, o konsepto na may malaking sukat, kaluwagan, o kapasidad. Halimbawa: Malawak ang kuwarto ni Maria kung kaya’t kasya ang tatlong katao. English word: wide Describe: Ang salitang malawak ay tumutukoy sa laki ng isang lugar. 13. duwende Kahulugan: Ang duwende ay mga maliit na nilalang na kadalasang nasa mga lugar na maraming puno at ang kanilang tirahan ay tinatawag na nuno. Halimbawa: Sabi-sabing mayroong duwendeng nakatira sa kakahuyan. English word: elf Describe: Ang duwende ay isang maliit na nilalang at may malalaking tainga. 14. nanaig Kahulugan: Ang salitang nanaig ay nangangahulugang ang isang bagay ay nanalo kumpara sa isang bagay. Halimbawa: Nanaig ang kuryosidad ni Henry sa kanyang nakita. English word: Reign Describe: Ang salitang nanaig ay katumbas ng pagkapanalo o tagumpay. 15. masaklap Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon, karanasan, o bagay na mahirap tanggapin, labis na hindi kaaya-aya, at nagdudulot ng matinding sakit, pighati, o hinanakit dahil sa pagiging malupit. Halimbawa: Nakarating ang masaklap na balita kay Nena tungkol sa pagkamatay ng kaniyang alagang pusa. English word: terrible Describe: Ang masaklap ay nangangahulugang pagkalungkot.
MGA ANYO NG MUSIKA
MUSIC-MGA ANYO NG MUSIKA
FIL 10: MGA POPULAR NA ANYO NG PANITIKAN SA SOCIAL MEDIA
Ang TANKA at HAIKU ay ilang anyo ng tula na pinapapahalagahan ng panitikang Hapon. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Kapwa nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.Â
ARALIN 2: Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan Ang kayarian ng pangngalan ay tumutukoy sa pagkakaayos o anyo ng salita kung paano nabubuo ang isang pangngalan. Ibig sabihin, ito ang paraan kung paano nagiging pangngalan ang isang salita. PAYAK - Binubuo lamang ng salitang-ugat. Walang panlapi, di-inuulit, at di-tambalan. Halimbawa: a. bata b. gubat c. aso d. libro e. bahay MAYLAPI - Binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaring panlapi sa unahan (unlapi), gitna (gitlapi), hulihan (hulapi), o kombinasyon ng mga ito. Halimbawa: a. magbasa (mag- + basa) b. pinuno (pi(n)- + puno) c. bahayan (bahay + -an) d. pagkain (pag- + kain)TAMBALAN Tambalang ganap – ang kahulugan ay nagbabago o may bagong diwa. Halimbawa: a. balat kalabaw b. kapitbahay c. bahaghari Tambalang di-ganap – ang kahulugan ay nananatili pa rin. Halimbawa: a. silid-aralan b. bahay-kubo c. bahay ampunan INUULIT Ganap na inuulit – inuulit ang buong salitang-ugat. Halimbawa: a. gabi-gabi b. araw-araw Di-ganap na inuulit – inuulit lamang ang isang pantig o bahagi ng salita. Halimbawa: a. kaklase (ka + klase) b. sasabihin (sa + sabihin)