
MODYUL 4 MAIKLING PAGSUSULIT
Quiz by DENNIS LOUIS S. PAGADUAN
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Maraming hiningan ng tulong sina Hermana Bali at si Juli kaya lamang ay puro pagtanggi ang nagiging tugon sa kanila. Sa huli, ipinayo ni Hermana Bali na magtungo kay Padre Camorra ngunit alam ni Juli na may kapalit ito. Anong kaisipan ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito?
2. Lahat ng pamamaraan na puwedeng gawin ni Juli ay gagawin niya mapalaya lamang ang kanyang minamahal na katipan na si Basiio. Anong kaisipan ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito?
3. Pinili ni Juli na tumalon sa bintana ng kumbento sa halip na mapagsamantalahan siya ni Padre Camorra. Anong kaisipan ang nais ipahiwatig ng pangyayaring ito?
4. Matagal nang pangarap ni Ana na makapag-artista at bumida sa isang teleserye o sa pelikula. Lahat ng talent at artista search ay sinasalihan niya upang magbakasakali na may makapansin sa kanya. Isang beses sa kanyang pag-a-audition ay nilapitan siya ng isang nagpakilalang talent scout. Nangako itong ipapasok siya sa isang malaking T.V network kung papayag itong makipagtalik sa kanya. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?
5. Nag-text ang boss ni Victoria na nais nitong makipagkita sa kanya sa isang motel. Hindi pumayag si Victoria kaya nagbanta ang kanyang boss na i a-upload nito sa facebook ang maseselang larawan ni Victoria na kuha niya. Kinabukasan, nagtext ang matalik na kaibigan ni Victoria na may mga larawan siyang naka-upload sa Facebook. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Victoria sa nangyari?