Bumibiyahe ako patungong Maynila sakay ng dyip, isang musmos ang umakyat at namalimos. Ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa habang nanghihingi sa mga pasahero. Ang batang tulad niya ay isang suliranin sa lipunan. Dahil sa awa na aking naramdaman, inabot ko ang natira kong pera. Sana mabigyan ng pansin ng kanilang magulang ang panganib ng kanilang ginagawa. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?