
MT 2 TQE
Quiz by Teacher Katrina
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
I. Basahin ang kuwento at tukuyin ang maaaring wakas ng kuwento. (2puntos)
Kumakain ang pamilya ni MJ sa isang restawran nang mapansin niya ang ilang batang nakaupo sa labas. Nakatingin sa kaniya ang mga bata. Nakita ni MJ na madumi ang mga ito at mukhang pagod kahit na sila ay nakaupo lamang. May isang bata na lumapit sa salamin at kumaway kay MJ, tapos ay itinuro niya ang pagkain na nasa mesa. Maya-maya ay lumabas ang isang serbidor at pinalayo ang bata mula sa salamin. Naawa si MJ sa mga bata. Naisip niyang baka hindi pa kumakain ang mga ito.
Si Jessica ay labis na mahiyain. Wala siyang kaibigan na kasakasama sa paaralan. Malimit siyang magpuntang mag-isa sa silid-aklatan. Masaya siyang magbasa doon kahit na mag-isa lamang siya. Isang araw, may isang batang babae na pumuwesto sa lamesa malapit sa inuupuan ni Jessica. Tahimik siyang nagbasa at gumawa ng kanyang takdang-aralin. Nang magsasara na ang silid-aklatan, nagkasabay si Jessica at ang batang babae na lumabas.
Binawalan si Mitchell ng kanyang nanay na maglaro ng bola sa loob ng kanilang bahay. Ilang plorera, baso, at salamin na rin kasi ang nababasag ng bata sa tuwing mapapalakas ang bato niya ng bola. Isang hapon, wala ang kanyang nanay, naisip nitong maglarong ulit sa loob ng bahay. Mainit kasi sa labas at wala na siyang ibang maisip na gawin. Tulad ng inaasahan, naibato niya ng malakas ang bola at tumama ito sa salamin sa labas ng banyo. Nabasag ang salamin. Agad na winalis ni Mitchell ang mga bubog at itinapon ang mga ito sa basurahan. Tinakpan pa niya ng ilang basura ang bubog upang maitago ito. Sa kasamaang-palad, nasagi ng kanyang nanay ang basurahan pag-uwi nito kaya nakita niya ang mga bubog ng salamin.
Sumali si Letty sa isang paligsahan ng pagbigkas ng tula. Matagal pa ay kinabisado na niya ang tulang itatanghal niya. Sinabayan rin niya ng mga kumpas ng kamay at ekspresyon ng mukha ang kanyang sinasabi. Minsan, tinatawag niya ang kanyang ate upang panoorin ang kanyang pagtula at masabihan siya kung paano pa niya mapapabuti ang pagtula niya. Sa wakas, dumating na ang araw ng paligsahan. Tahimik na inantay ni Letty na tawagin ng emcee ang kanyang pangalan.
Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. Tara, maglakad na tayo para hindi ayo mahuli sa klase, yaya ni Greg. Sige sagot ni Annie. Meron nga pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?, sabi ni Greg. Oo naman, pinaghandaan ko ang araw na ito.
II. Ibigay ang tamang daglat ng mga salita.
Enero
Santa
Pangulo
Setyembre
Ginang
Senador
Atorni
Gobernador
Binibini
Ginoo
Doktor
Agosto
Abril
Heneral
Santo
III. Tukuyin kung ang pangungusap ay Pagtutulad o Talinghaga.
Ang puso mo ay gaya ng bato.
Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.
Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Si Mabel ay hulog ng langit.
Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Ang pag-ibig mo ay parang tubig-walang lasa.
Ikaw ay tulad ng bituin.
Kulay rosas ang kanyang mga labi.
Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.
Si Rizza ay tila makahiyang tumiklop sa gitna ng palabas.
Kasing puti ng liwanag ang kabutihang dumadaloy sa katauhan niya.
Ang kanyang mga luha ang panang sumusundot sa aking puso.
Ang aking ina ang liwanag sa karimlan ng aking buhay.
IV. Piliin ang kahulugan ng salita.
relos
sinsilyo
sentensiya
pabor
bisita
baro
balwarte
simula
tanggapan
awa