
na'at man'ut
Quizย by Rica Oktia
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
โุงููููุนูุชู adalah
kata sifat
kata kerja
kata benda yang disifati
kata ganti
โุงูู ูููุนููุชู adalah
kata ganti
kata kerja
kata benda yang disifati
kata sifat
ุงููููุนูุชู adalah
ุงูู ูููุนููุชู adalah
ุฃููู ุงูุฌูู ููู ุงูุชูุงููููุฉู ุชูุญูุชูููู ุนูููู ููุนูุชู ููู ูููุนููุชูุ (kalimat berikut yang termasuk naat dan manut)
.....ูุฐู ู ูุชุจุฉู
ุนูุฏูุง ู ูุนุจู
ุงููููุนูุชู pada kalimat: ููุฑูุฃุชู ููุชูุงุจูุง ู ููููุฏูุง
ู ูุง ูููู ุงูู ูููุนููุชู ููู ุงูุฌูู ูููุฉู:ย ุฑูุฌููู ุตูุงููุญูุ
ู ูุง ูููู ุงููููุนูุชู ููู ุงูุฌูู ูููุฉู: ููุฐูุง ุจูููุชู ุฌูู ููููุ
ููู ุงูุฌูู ูููุฉู:ย ุงูุฑููุฌููู ุงูููุฑููู ูุ "ุงูููุฑููู ู" ูููู...ุ
....ูุฐุง ูุตูู
Na'at man'ut idhofah fi'il mabni ma'lum wa majhul dan isim tafdhil - Starter Quiz
Pengantar Na'at Man'ut dalam Ilmu Nahwu - Starter Quiz
Latihan Soal Na'at dan Man'ut
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Maraming magaganda at mabubuting ugali ang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay namana pa natin sa ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga magagandang ugali na ating nakagisnan noon pa man. MAKA-DIYOS Tayong mga Pilipino noon pa man ay mayroon nang matibay na pananalig sa Diyos. Sa katunayan, bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling relihiyon. Hanggang sa dumating ang mga Kastila at matutuhan natin sa kanila ang relihiyong Kristyanismo na nagpakilala sa atin 17 ng paniniwala sa mga santo, santa at kay Kristo. Hindi tayo nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkakaloob sa atin. Sa ngayon, iba-iba man ang paraan ng pagsamba at pananampalataya natin, nagkakaisa pa rin tayo sa aral at at turo ng relihiyon. Ikaw bilang isang mag-aaral, lagi ka bang nagsisimba o nagpupunta sa inyong bahay-dasalan? Madalas ka bang magdasal sa Diyos? PAGIGING MAGALANG Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging magalang. Ang kaugalian nating ito ay ipinakikita natin sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo o di kaya ng mga salitang ate, kuya, manong, manang, lolo at lola sa mga nakakatanda sa atin. Kinagigiliwan ang ganitong mga kaugalian lalo na sa mga bata. Sa inyong tahanan, tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa iyong mga magulang o nakatatandang kapatid, gumagamit ka rin ba ng po at opo? MASIPAG at MATIYAGA Basta sa pagiging masipag at matiyiga, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino! Sapagkat tayong mga Pilipino, kahit anong gawain ay kakayanin natin mapaunlad lamang ang ating kabuhayan. Matyiga 18 tayo sa lahat ng mga bagay na ginawa natin. Wika nga ng iba, kailangan ang ST (sipag at tyiga) upang tayo ay umunlad. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PANAUHIN Tayong mga Pilipino ay kilala rin na magiliw na tumatanggap ng ating mga panauhin lalo na kung ang mga ito ay ating mga kamag-anak na mula pa sa mga malalayong lugar. Tinitiyak natin na magiging kasiya-siya ang pagpunta nila sa ating tahanan kayaโt naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain at tinitiyak na silaโy masaya at komportable sa pagbisita sa atin. MATULUNGIN AT MAPAGMAHAL Mapagmahala at matulungin sa kapwa ang mga Pilipino. Matulungin tayong mga Pilipino lalo na kung panahon ng mga sakuna at kalamidad sa ating bansa, tumutulong sila sa mga nasalanta at naapektuhan. Nagbibigay sila ng mga donasyon, pagkain, damit, gamot at iba pa. Mapagmahal tayo dahil kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ialay para sa ating bayan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ating mga bayani na magigiting. Pinatunayan nila na dakila ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at sa kalayaan nito. 19 Ilan lamang ito sa mga katangi-tanging ugali ng mga Pilipino. Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, kaya mo bang gawin ang mga katangiang ito sa iyong sariling paraan? Anu-ano kaya ang pwede mong gawin upang maipakita ang mga magagandang ugali ng isang batang katulad mo? Maaari mong gawin ang mga ito: ๏ท Magdasal araw-araw ๏ท Maging matapat sa lahat ng bagay ๏ท Magaing magalang sa mga nakatatanda ๏ท Makinig sa pangaral ng magulang at guro ๏ท Mag-aral ng mabuti ๏ท Sumunod sa mga utos ng magulang ๏ท Huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos araw-araw
_____1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay? a. paglalaro c. pagtakas b. pagdarasal d. pagtatago _____2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo? a. maglaro sa simbahan b. kumuha ng gamit ng kamag-aral c. pagtawanan ang paniniwala ng iba d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba? a. pagdalo sa kanilang pagtitipon b. pagsang-ayon na may iisang Diyos c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba d. pakikinig sa kanilang aral _____4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a. pagsuway sa utos ng magulang b. pagmamalupit sa mga hayop c. pagkakalat ng basura d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan _____5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay? a. hindi papansinin ang nangyayari b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba c. manonood ng telebisyon d. magpapatugtog ng radio _____6.Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan? a. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila. b. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki. c. Ang lalaki ay naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga kabarangay. d. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan. _____7. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay? a. Si Kim na naputulan ng mga paa na ayaw ng makipaglaro sa mga kaibigan. b. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang mag- aral. b. Si Dave na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang pamilya. c. Si Dona na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang solusyon sa mga problema. _____8. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya sa pag aaral. Malapit na ang inyong pagtatapos. Ano ang maaari mong maitulong sa kaibigan mo? a.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag aaral ang kaibigan. b.Kausapin ang magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang pag-aaral. c.Kausapin ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila. d.Kausapin ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang. _____9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon. b. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. c. Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang. d. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. _____10 .Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag- aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a. Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. b. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola. c.Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi. d.Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola.
20. Ang unang yugto sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Plan ay tinatawag na ________. A. pagtugon sa sakuna B. paghahanda sa pagtugon C. pagsasaayos at pagbangon D. pagtataya ng panganib at paghahanda ANSWER: D 21. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng mamamayan. Ito ay nakapaloob sa _______. A. Philippine Disaster Risk Management B. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council C. Community Preparedness and Risk Management Approach D. Community-Based Disaster Risk Reduction Management Approach ANSWER: D 22. Bahagi ng rehabilitasyon at pagbawi mula sa kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksiyon ang mga nasalanta ng kalamidad. B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad. C. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pamahalaan. D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot. ANSWER: B 23. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad. B. Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo. C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan. D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa ibaโt ibang kalamidad. ANSWER: B 24. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor? A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo. B. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mamamayan. C. Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan. D. Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng ibaโt ibang sektor. ANSWER: D 25. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating ng ibaโt ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. C. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. ANSWER: A 26. Ang pinuno ng mga bansang kasapi ng organisasyon ay nagpupulong-pulong upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailangan. Anong anyo ng globalisasyon ang tinutukoy nito? A. ekonomiko B. kultural C. politikal D. teknolohikal ANSWER: C 27. Alin sa sumusunod ang buhay na manipestasyon ng globalisasyon? A. ekonomiko B. OFWs C. sosyo-kultural D. teknolohikal ANSWER: B 28. Ang brain drain ay tumutukoy sa mga propesyonal na manggagawa, samantalang ang brawn drain ay tumutukoy sa ___________. A. construction workers B. domestic workers C. overseas workers D. skilled workers ANSWER: A 29. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto ng paglitaw ng maraming multinational companies at transnational companies? A. pagkakaloob ng hanapbuhay B. pagbaba ng presyo ng produkto C. pagdami ng produkto at serbisyo D. pagkalugi ng multinational companies at transnational companies ANSWER: D 30. โAng globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa kasalukuyang panahon.โ Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay _______. A. ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang B. suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig C. bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon D. isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig ANSWER: C 31. Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto ng globalisasyon? I. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibaโt ibang direksiyon na nararanasan sa ibaโt ibang panig ng daigdig. II. Ang globalisasyon ay may ibaโt ibang pagkakakilanlan tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal. A. Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. B. Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. C. Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag. D. Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag. ANSWER: B 32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon? A. pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya B. pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao dulot ng migrasyon C. pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo D. paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa ibaโt ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng materyales na ginagamit dito ANSWER: B 33. Alin sa mga sektor ng manggagawa ang madalas nakararanas ng pang-aabuso at hindi pantay na oportunidad sa pagtratrabaho? A. agrikultura B. industriya C. pamahalaan D. serbisyo ANSWER: A 34. Ano ang tawag sa anyo ng subcontracting kung saan ang mga subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho ng mga manggagawang ipinasok nila? A. iskemang subcontractor B. job mismatch C. job contracting D. labor-only contracting ANSWER: C 35. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa? Ito ay dahil_____ A. sa sistema ng kontraktuwalisasyon. B. puro regular na ang mga manggagawa. C. mataas na ang pasahod sa ating manggagawa. D. marami ang benepisyong natatanggap ng ating manggagawa. ANSWER: A 36. Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng manggagawa? A. Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho. B. Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon. C. Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng pagtatrabaho. D. Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para sa makataong pamumuhay. ANSWER: B 37. Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fairs na rin ang kaniyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Justin? A. Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob. B. Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagugustuhan. C. Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho. D. Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya. ANSWER: D 38. Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin ang HINDI angkop na dahilan nito? A. Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa. B. Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch ng mga aplikante sa bansa. C. May patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer. D. Maraming kurso sa higher education institutions sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa. ANSWER: A 39. Alin ang angkop na salita na tumutukoy sa sitwasyon kung saan inaako na ng lalaki ang mga gawain sa tahanan dulot ng migrasyon? A. helper B. house boy C. house father D. house husband ANSWER: D 40. Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng migrante MALIBAN sa __________________. A. Commission of Filipino Overseas B. Philippine Overseas Labor Offices C. Department of Labor and Employment D. Department of Science and Technology ANSWER: D 41. Isang epekto ng migrasyon ay ang pagtanggap o pagpapadala ng mga lakas-paggawa sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng magandang benepisyo ng brain gain? A. Malaki ang posibilidad ng promotion ng manggagawa. B. Gastusin ng kompanya ang pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa. C. Maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang empleadong ipinadala upang matuto. D. Magiging asset ang migranteng manggagawa sa nagpapadala at tumatanggap na bansa kahit saan man sa mundo. ANSWER: B 42. Matagal na naghanapbuhay si Ginoong Pascual sa Australia, kaya sa kaniyang pag-uwi sa pamilya ay hindi siya pinansin ng kaniyang mga anak at nagtago ang mga ito sa kuwarto. Ano ang iyong mahihinuha rito? A. Malaki ang takot ng mga anak sa kanilang ama. B. Walang pasalubong si Ginoong Pascual sa mga anak. C. Hindi kilala si Ginoong Pascual ng kaniyang mga anak. D. Nagkakahiyaan ang mag-aama sa kanilang pagkikita. ANSWER: C 43. Paano nakaaapekto ang pangingibang-bansa sa estado ng ekonomiya ng bansa? A. Madaragdagan ang populasyon ng bansa. B. Mapananatiling matatag ang palitan ng piso at dolyar. C. Mahihirapan ang mga Pilipino na makisama sa mga dayuhan. D. Mas maraming papasok sa bansa na mga imported na produkto. ANSWER: B 44. Marami sa mga OFW na nasa Middle East ang napag-alamang nakararanas ng mga pang-aabuso mula sa kanilang mga amo tulad sa Saudi Arabia. Kung ikaw ang ambassador ng Pilipinas sa Saudi, alin ang pinakamabisa mong gagawin upang matulungan at maprotektahan sila? A. Pababayaan sila hanggang matapos ang kanilang kontrata. B. Maglulunsad ng rally sa embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas. C. Hihingi ng tulong pinansiyal at pauuwiin ang mga manggagawa sa Saudi. D. Maglilikom ng mga ebidensiya ng mga pang-aabuso at isusuplong ang mga amo sa kinauukulan. ANSWER: D 45. Alin sa sumusunod ang konseptong tumutukoy sa slavery? A. pang-aalipin B. sitwasyong payapa C. sapilitang pagtatrabaho D. pagpupuslit ng mga tao ANSWER: A 46. Kung ikaw ay opisyal ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino? A. Pauuwiin ang lahat ng OFW at bibigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas. B. Pababayaan na lamang ang mga OFW dahil isolated cases lang naman ang mga ito. C. Ipauubaya na lamang ang mga gagawing aksiyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFW. D. Magtatatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW at gagawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso. ANSWER: D 47. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong magawa upang masigurong makaaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon? A. Magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya. B. Tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera. C. Magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho. D. Maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman. ANSWER: C 48. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa konsepto ng fair trade? A. Itinatakda ng mga bansa ang pamantayan ukol sa mga kakayahan ng mga manggagawa. B. Ang mayayamang bansa ay nagbibigay ng tulong sa pinakamahihirap na tao sa mundo lalo na sa Aprika at Asya. C. Sinisiguro ng mga bansa ang patas o pantay na kalakalan gaya ng pagbabantay sa tamang presyo ng mga produkto. D. Ang pamahalaan ay nakikialam sa kalakalang panlabas na may layong protektahan ang mga lokal na namumuhunan. ANSWER: C 49. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan? A. Makisimpatiya sa kanila. B. Bigyan sila ng sulat isa-isa. C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak. D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila. ANSWER: D 50. Sa Pilipinas ay marami ang nangangarap na mangibang-bansa dulot ng kahirapan sa buhay. Nangangamba naman ang mga ekonomista dahil naaapektuhan ng brain drain at brawn drain ang ekonomiya. Bilang ekonomista, ano ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang isyung ito? A. Pigilan ang mga nais mangibang-bansa. B. Hayaang umalis ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa. C. Bigyan ng suportang pinansiyal ang mamamayan na walang trabaho. D. Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon. ANSWER: D
Panimula Natuklasan mo na ba kung paanong ginawa o nilikha ng Diyos ang daigdig? Ayon sa Genesis 1:1 โNang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.โ Napakapalad natin dahil isa rin tayo sa nilikha Niya. Nakasama pa tayo sa isang paraiso na ngayoโy ating ginagalawan. Sa modyul na ito malalaman mo kung anong mga bagay pa ang nilikha ng Diyos na may kinalaman sa ating tinitirhan, ang mundo o daigdig? Mga dapat tandaan at layunin Handa ka na bang tuklasin ang ating daigdig? Kung handa ka na ihanda mo na ang iyong mapa o globo kung mayroon man. Ang Layunin mo sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: โข Nailalarawan ang daigdig bilang planeta ng solar system โข Nailalarawan ang daigdig sa mga tao โข Natatalakay at napapahalagahan : a. Bahaging Lupa b. Bahaging Tubig c. Bahaging Hangin โข Natatalakay ang katangian ng globo bilang modelo ng mundo at ang mapa bilang patag na representasyon ng mundo โข Naipapakita ang pakikiisa sa pag-aalaga at pagliligtas sa daigdig Pangunahing Pagsusulit Panuto: Isulat kung tama o mali. _________1. Ang daigdig ay planeta ng mga tao. _________2. Ang mapa ang sinasabing modelo ng mundo. _________3. Binubuo ng tatlong panlabas na bahagi ang ating daigdig. _________4. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw ang ating mundo. _________5. Ang ating daigdig ay binubuo ng 75% na bahaging tubig at 25% na bahaging lupa. Nilalaman Noong unang panahon may ibaโt ibang paniniwala ang mga tao sa daigdig. Inakala ng mga unang tao na ang mundo ay isang malawak na kapatagan at ang dulo ay walang hanggan. Sinasabi na ang daigdig ay isang hugis pabilog na batong lumulutang sa kalawakan. Bahagi ito ng tinatawag na solar system โ isang kaayusan ng mga bagay na planetaryo sa kalawakan na ang nakapangunguna ay ang araw. Ang daigdig ay isang planeta na may tunay na hugis na oblate spheroid. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw, na may layong 148,800,000 kilometro. Ang globo ang modelo ng mundo o daigdig samantalang ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo. Isang kartograper ang gumawa ng mapa. Makikita rito ang lawak ng isang lugar, direksyon mula sa ibaโt ibang lugar, hugis ng lugar sa mundo at ang iskala mula sa lahat ng punto ng mapa. Ano ba ang iskala? Itoโy tawag sa paraan ng pagpapakita ng tunay na sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat. ( Larawan ng Globo) Malinaw na makikita sa globo ang mga anyong tubig at anyong lupa, gayundin ang mga bahaging mabundok at bahaging patag. Binubuo ang mundo ng 75% na katubigan at 25% na kalupaan. Ang ating daigdig ay binubuo ng tatlong panlabas na bahagi: ang bahaging lupa, ang bahaging tubig at bahaging atmospera o hangin. Ang Bahaging Lupa ( Larawan) Ang bahaging lupa ay ang solidong bahagi na binubuo ng bato at lupa. Binubuo ito ng halos isang โ kapat (1/4) o dalawampuโt limang porsyento ng mundo ay binubuo ng kalupaan. Ang malawak na lupa o malalaking tipak ng lupa ay tinatawag na kontinente o lupalop. Mayroon pitong kontinente ang ating mundo. Ang asya ang pinakamalaki na sinusundan ng Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europa, Antarctica at Australya. Mapapansin mo na maraming mga bansa ang nakapaloob sa bawat kontinente at karamihan sa mga ito ay magkakadikit. Pansinin mo ang kontinenteng Timog at Hilagang Amerika at ang mga kontinenteng Europa, Aprika, at Asya. Itanong mo sa iyong pasiliteytor kung saan ang sakop nito o hangganan ng bawat isa. Ang Bahaging Tubig ( Larawan ng tubig) Nakikita mo ba ang mga bahagi ng tubig sa globo o mapa? Mapapansin mo ang kulay asul sa mapa at globo na nagpapakita na ang mga ito ay binubuo ng bahagi ng tubig. Tinatayang tatlong kapat (3/4) o pitumpuโt limang porsiyento ng panlabas na bahagi ng mundo ay katubigan. Ang ating daigdig ay binubuo ng malalaking bahagi ng katubigan nan tinatawag na karagatan. Mayroon apat na karagatan ang daigdig. Ito ay ang karagatang Pasipiko, ang pinakamalaking karagatan, sinusundan ng Atlantiko, Indian at Artiko. Maari mo rin tingnan sa globo o mapa ang mga karagatang nabanggit at kung saan bansa at kontinente ito malapit. Ang Bahaging Atmospera o Hangin ( Larawan ) Naranasan mo na bang magpalipad ng saranggola? Ano ba ang dahilan kung bakit ito tumataas? Marahil alam mo na ang dahilan? TAMA! Itoโy dahil sa hangin na nagpapalipad at nagpapataas sa saranggola para itoโy tumayog. Ang bahaging bumabalot sa mundo ay ang atmospera. Samantala ang nakakapasong init ng araw o ultra violet rays ay pinipigilan ng mga makakapal na gas o ulap sa atmospera ng mundo ay tinatawag na ozone layer. Sinasala nito ang nakapipinsalang matinding sikat ng araw na pumapasok sa daigdig. Unti- unti na rin itong nabubutas dahil sa mga kemikal na CFCโs ( Chloroflouro Carbons), sprays, usok na galing sa pabrika at sasakyan. Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng hangin sa ating kapaligiran pumunta naman tayo sa . . . ( Larawan ng sapin ng hangin) ANG ANIM NA SAPIN NG HANGIN: A. TROPOSPERA Dito nabubuo ang lagay ng panahon sa mundo. Kung ikaw ay nagpapalipad ng saranggola, sa tropospera ito lumilipad at ang hangin na iyong hinihinga ay nasa tropospera. B. ISTRATOSPERA Dito sa sapin na ito matatagpuan ang ozone layer. At karamihan sa mga eroplano ay dito nagpapalipad dahil hindi gaanong mapanganib dito. C. MESOSPERA Dito sa sapin na ito mayroon pinakamalakas na hangin. At karamihan sa mga batong bumabagsak sa kalawakan ay madali agad nag- aapoy at nasusunog kapag itoโy dumaan na sa hanging mesospera. D. TERMOSPERA Ang sapin ng hangin na sobrang lapit sa ultraviolet rays ng araw, sobrang init at umaabot ang init sa kabuuang 600 C. E. EKSOSPERA Ang pinakamalayong sapin sa ating himpapawid. Ito ang sapin na kung saan ay mahirap ng maabot. F. IONOSPERA Kung paano nagkakaroon ng signal ang iyong cellphone at malinaw ang naririnig ninyo sa radyo at sa telebisyon, Ionospera ang dahilan.
Pantig na "ma" at "sa"