Loading...

pag di mo to naperfect boang ka
Quiz by Harvey Reyes
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
ATING ALAMIN AT PAG-USAPAN Maraming magaganda at mabubuting ugali ang mga Pilipino. Karamihan sa mga ito ay namana pa natin sa ating mga ninuno. Narito ang ilan sa mga magagandang ugali na ating nakagisnan noon pa man. MAKA-DIYOS Tayong mga Pilipino noon pa man ay mayroon nang matibay na pananalig sa Diyos. Sa katunayan, bago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon na tayong sariling relihiyon. Hanggang sa dumating ang mga Kastila at matutuhan natin sa kanila ang relihiyong Kristyanismo na nagpakilala sa atin 17 ng paniniwala sa mga santo, santa at kay Kristo. Hindi tayo nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang ipinagkakaloob sa atin. Sa ngayon, iba-iba man ang paraan ng pagsamba at pananampalataya natin, nagkakaisa pa rin tayo sa aral at at turo ng relihiyon. Ikaw bilang isang mag-aaral, lagi ka bang nagsisimba o nagpupunta sa inyong bahay-dasalan? Madalas ka bang magdasal sa Diyos? PAGIGING MAGALANG Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging magalang. Ang kaugalian nating ito ay ipinakikita natin sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo o di kaya ng mga salitang ate, kuya, manong, manang, lolo at lola sa mga nakakatanda sa atin. Kinagigiliwan ang ganitong mga kaugalian lalo na sa mga bata. Sa inyong tahanan, tuwing ikaw ay nakikipag-usap sa iyong mga magulang o nakatatandang kapatid, gumagamit ka rin ba ng po at opo? MASIPAG at MATIYAGA Basta sa pagiging masipag at matiyiga, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino! Sapagkat tayong mga Pilipino, kahit anong gawain ay kakayanin natin mapaunlad lamang ang ating kabuhayan. Matyiga 18 tayo sa lahat ng mga bagay na ginawa natin. Wika nga ng iba, kailangan ang ST (sipag at tyiga) upang tayo ay umunlad. MAGILIW NA PAGTANGGAP SA PANAUHIN Tayong mga Pilipino ay kilala rin na magiliw na tumatanggap ng ating mga panauhin lalo na kung ang mga ito ay ating mga kamag-anak na mula pa sa mga malalayong lugar. Tinitiyak natin na magiging kasiya-siya ang pagpunta nila sa ating tahanan kaya’t naghahanda tayo ng mga masasarap na pagkain at tinitiyak na sila’y masaya at komportable sa pagbisita sa atin. MATULUNGIN AT MAPAGMAHAL Mapagmahala at matulungin sa kapwa ang mga Pilipino. Matulungin tayong mga Pilipino lalo na kung panahon ng mga sakuna at kalamidad sa ating bansa, tumutulong sila sa mga nasalanta at naapektuhan. Nagbibigay sila ng mga donasyon, pagkain, damit, gamot at iba pa. Mapagmahal tayo dahil kahit ang kanilang buhay ay handa nilang ialay para sa ating bayan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang ating mga bayani na magigiting. Pinatunayan nila na dakila ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at sa kalayaan nito. 19 Ilan lamang ito sa mga katangi-tanging ugali ng mga Pilipino. Ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, kaya mo bang gawin ang mga katangiang ito sa iyong sariling paraan? Anu-ano kaya ang pwede mong gawin upang maipakita ang mga magagandang ugali ng isang batang katulad mo? Maaari mong gawin ang mga ito:  Magdasal araw-araw  Maging matapat sa lahat ng bagay  Magaing magalang sa mga nakatatanda  Makinig sa pangaral ng magulang at guro  Mag-aral ng mabuti  Sumunod sa mga utos ng magulang  Huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos araw-araw
III. Pag-unawa sa Binasa SI MAAM KASI ni Eros Atalia Final exam ng mga graduating student.Make or break. Terorista ang Prof nila sa major subject na ito walang pakialam kung graduating ka o hindi. kung bagsak ay bagsak. Parang baranggay tanod ang prof ikot ng ikot sa loob ng classroom lahat ng mga kahina- hinalang kilos ng estudyante ay sinisita nito. May isang estudyanteng kanina pa balisa. di mapakali pinagpapawisan lingon ng lingon nag Vibrate ang cellpnone nyang nakapatong sa armchair."Turn it off. or keep it away" bulyaw ng prof. Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na maioff o itago ang cellphone. Balik uli ang lahat sa pagsagot. Maya maya yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof. Nagduda na ang prof, gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone. Lumalapit palang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiiyak na ang estudyante."give me your phone your cheating" galit na sigaw ng prof. Pag kaabot ng estudyante ng cellphone sa prof, dinampot nito ang bag, at saka bumira ng takbo papalabas ng classroom iniwan ang testpaper. "class kayong lahat ang witness ko ha. yung clasmate nyo nangongodigo.ikaw basahin mo nga kung anung nakalagay sa message. Tumayo ang estudyanteng nautusan binasa ang phone. NANAY; y di u sagot tawag namin? wala na si tatay di sya naka survive sa operasyon nya. d2 kami ospital now.
Maikling Pagsusulit sa Filipino 6 Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ibang aralin
II. Ikalawang Markahan: Hinuhubog sa Paaralan at Kinakalinga ng Pamayanan Sa markahang ito, binibigyang-diin ang wastong pagbigkas at ang pagbuo ng mga pangungusap. • Aralin 7 at 8: Mekaniks ng Pananalita o Pag-aaral sa wastong Intonasyon, Diin, at Hinto sa pagbabasa at pagsasalita. • Aralin 9: Pagpapalalim sa Panghalip o Wastong paggamit ng Panghalip na Panao sa usapan at pagsasalaysay. • Aralin 10: Kayarian ng Pahayag o Pagtukoy sa pagkakaiba ng Pangungusap at Di-Pangungusap. • Aralin 11: Payak na Pangungusap o Pagkilala sa mga bahagi at pagbuo ng Payak na Pangungusap. • Aralin 12: Kayarian ng Pangungusap o Pagsusuri sa Kayarian ng Pangungusap at pagtukoy sa sanhi at bunga.
ARALIN 2: Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan Ang kayarian ng pangngalan ay tumutukoy sa pagkakaayos o anyo ng salita kung paano nabubuo ang isang pangngalan. Ibig sabihin, ito ang paraan kung paano nagiging pangngalan ang isang salita. PAYAK - Binubuo lamang ng salitang-ugat. Walang panlapi, di-inuulit, at di-tambalan. Halimbawa: a. bata b. gubat c. aso d. libro e. bahay MAYLAPI - Binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaring panlapi sa unahan (unlapi), gitna (gitlapi), hulihan (hulapi), o kombinasyon ng mga ito. Halimbawa: a. magbasa (mag- + basa) b. pinuno (pi(n)- + puno) c. bahayan (bahay + -an) d. pagkain (pag- + kain)TAMBALAN Tambalang ganap – ang kahulugan ay nagbabago o may bagong diwa. Halimbawa: a. balat kalabaw b. kapitbahay c. bahaghari Tambalang di-ganap – ang kahulugan ay nananatili pa rin. Halimbawa: a. silid-aralan b. bahay-kubo c. bahay ampunan INUULIT Ganap na inuulit – inuulit ang buong salitang-ugat. Halimbawa: a. gabi-gabi b. araw-araw Di-ganap na inuulit – inuulit lamang ang isang pantig o bahagi ng salita. Halimbawa: a. kaklase (ka + klase) b. sasabihin (sa + sabihin)
PAG
Pag-aanunsiyo
Pag-aalaga ng Hayop na may Dalawang paa at pakpak