
Pagbasa (Tekstong Deskriptibo)
Quiz by Morris Agata
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.
Bumaha ng luha ang buong bansa nang pumanaw ang dati nitong pinuno.
Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.
Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-isipan ang mga nangyayari sa aking buhay.
Ang kanyang mga labi ay kasimpula ng mga rosas.
Bilog ang buwan ngayong gabi kaya maglaro tayo.
Mataba at magandang kumain ang alaga kong aso.
Ang ama ang tinaguriang haligi ng tahanan.
Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabihin, atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at naghihirap ang mga tao.
Malawak ang kapatagang aking natatanaw mula sa aking kinaroroonan.
Dahil sa bagong recipe book ni JM ay dinagdagan niya ang mga sangkap ng kanyang nilulutong ulam upang lalo itong sumarap. Nasa anong hakbang ng pagbasa ang ginawa ni JM?
Alin ang kahulugan ng pagbasa?
Tukuyin ang paraan ng paglalarawang ginamit sa pahayag: “Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.”
“Malakas ang hagupit ng hanging dala ng bagyo.” Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pangungusap?
Mula sa mga simbolong nakilala ay pinoproseso ng utak ang impormasyon o kaisipang ipinahahayag mula rito. Anong hakbang ng pagbasa ang tinutukoy?
Dapat isaalang-alang ang anggulo na gagamitin sa paglalarawan. Anong kasangkapan sa paglalarawan ang binigyang-diin sa pahayag?
Ito ang kasangkapang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan at kabilang dito ang mga pang-uri at pang-abay.
Uri ng teksto na may layuning makabuo ng imahe sa isipan ng mambabasa.
Labis na kinalulugdan ni Mariel ang nabasa niyang nobela dahil sa taglay nitong kahusayan sa paggamit ng imahinasyon. Anong hakbang ng pagbasa ang ipinapakita ng sitwasyong ito?
“Ang araw ay tila isang malaking balong nakapaloob sa isang lumbo ng nagbabaga ring liwanag.” Anong uri ng paglalarawan ang ipinapakita sa pahayag?