Loading...

Pagsasanay-Klima at Panahon ng Pilipinas
Quiz by KATRYN CLAIRE TUMPAG
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay pangmatagalang panahon na nararanasan ng isang lugar.
klima
grid
latitud
panahon
Ito ay pangmatagalang panahon na nararanasan ng isang lugar.
Give this quiz to my class
Ang mga Polo Mayroon dalawang polo ang mundo. Ang Polong Hilaga na nasa bahaging itaas at ang Polong Timog na makikita sa gawing ibaba ng mundo. Itinuturing itong pinakadulong bahagi ng mundo. Dito rin sa lugar na ito hindi gaanong sumisikat ang araw kaya ang temperatura dito ay sobrang lamig. Polong Hilaga Polong Timog Ang Ekwador Ang pinakagitnang guhit latitud na matatagpuan mula sa sero digri (00). Hinahati nito ang mundo sa pantay na pagkakabahagi: Ang Kalahating itaas ay tinatawag na Hilagang hating- globo ( Northern Hemisphere) dahil nagmumula ito sa polong hilaga hangagang ekwador at ang kalahating ibaba ay tinatawag na Timog hating- globo ( Southern Hemisphere) na nagmumula naman sa Polong Timog at nagtatapos sa ekwador. Polong Hilaga Hilagang hating-globo Polong Timog Timog hating- globo Mga Guhit latitud at longhitud Ang guhit latitud ay mga guhit pahalang sa globo na nagmumula sa silangan patungong kanluran. Kaagapay nito ang ekwador sa pagtukoy sa layo o sukat mula sa ekwador. Ito rin ang sumusukat sa layo ng isang lugar pahilaga o patimog mula sa ekwador. Ang mga guhit longhitud naman ay mga guhit patayo sa globo na nagmumula sa hilaga patungong timog. Ang layo ng isang bansa ay sinusukat nito pakanluran o pasilangan mula sa punong meridyano o prime meridian. Tinatawag din itong guhit meridian, Ang punong meridyano ay ang panimulang longhitud mula sa sero digri ( 00 ). Hinahati nito ang mundo sa dalawang pantay na bahagi mula sa kanan patungong kaliwa. Ang Silangang hating- globo ay nasa kanang bahagi mula 00 hanggang 1800. Ang guhit na nasa 1800 digri ay tinatawag na International Dateline o IDL na katapat ng prime meridian sa kabilang bahagi. Ang guhit ding ito ang ginagawang batayan sa pagbabago ng araw. Halimbawa: kung araw ng sabado at nasa gawing silangan ka at tatawid ka sa International Dateline, ang araw sa gawing kanluran ay magiging linggo. Kung mula sa kanluran ka papuntang silangan ay magbabawas ka ng isang araw. ( Larawan ) I D L Kung ating pagsasamahin ang mga guhit latitud at longhitud ay makakabuo tayo ng isang Grid o Parilya. Sa pamamagitan nito ang eksaktong lokasyon ng isang bansa ay madaling matutukoy. Tingnan mo ang kinaroroonan ng Pilipinas sa globo. Ano ang tiyak na lokasyon nito? Magaling! Ito’y nasa pagitan ng latitud 40 hanggang 210 hilaga at 1160 hanggang 1270 silangang longhitud. Nasa itaas ito ng ekwador at nasa kanan naman ng punong meridyano. “TANDAAN!!! Mahalagang itala ang direksyong kinabibilangan ng bansa upang maging malinaw ang lokasyong hinahanap.” Mayroon ding tinatawag na ispesyal na guhit na makikita sa globo. Ito ay ang Tropiko Cancer, Tropiko ng Capricorn, Kabilugang Arctic at ang Kabilugang Antarctic. ( Larawan ) Ispesyal na Guhit Ang mga lugar na matatagpuan sa lahat na guhit na ito ay makakaranas ng matinding sikat ng araw o matinding lamig sa buong taon. Samantalang, ang lagay ng panahon at klima sa isang lugar ay naapektuhan ng lokasyon nito sa itaas o ibabang latitud. Hayan, alam kong maraming kang natutunan hinggil sa ating paksa. Alam kong handa ka na rin sa mga pagsasanay na nakahanda
🧭 Paksa: Ang kaugnayan ng kapaligiran sa kalidad ng pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon 🧠 Mahahalagang Kaalaman: Pangkapaligiran Ang kapaligiran ay tumutukoy sa mga likas na yaman, anyong lupa, klima, at lokasyon ng isang lugar. Ito ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Kalidad ng Pamumuhay Ang kalidad ng pamumuhay ay nasusukat sa uri ng tirahan, hanapbuhay, pagkain, at kalusugan ng mga tao noon. Naapektuhan ito ng kapaligiran kung saan sila naninirahan. Halimbawa ng Pag-aangkop Sa mga baybayin, nangingisda ang mga tao. Sa kabundukan, nangangaso o nagbubukid sila. Gumagamit ng nipa at kawayan sa paggawa ng bahay dahil ito ang likas na materyales sa paligid. Ang klima rin ay nakaaapekto sa disenyo ng kanilang tirahan. 📍 Buod ng Talakayan: Ipinakita sa video kung paano naimpluwensyahan ng kapaligiran ang: Uri ng hanapbuhay (pangingisda, pagsasaka, pangangaso) Disenyo ng bahay (tulad ng bahay kubo, bahay sa stilts) Kalusugan at nutrisyon ng mga sinaunang tao Ugnayan sa lipunan at uri ng pamahalaan Ipinakita rin ang mga rehiyon ng Luzon, Visayas, at Mindanao at kung paano sila umaangkop batay sa kani-kanilang kapaligiran. ❓ Pagtatanong: Paano naapektuhan ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino? Ano ang kaugnayan ng likas na yaman sa kabuhayan ng mga tao noon? Anong halimbawa ng pag-aangkop sa kapaligiran ang makikita sa uri ng tirahan noon? 🎯 Aral sa Video: Malaki ang epekto ng kapaligiran sa pamumuhay ng tao. Marunong umangkop ang mga sinaunang Pilipino sa likas na yaman at klima ng kanilang lugar. Ang kaalaman sa kasaysayan at kapaligiran ay makatutulong upang mas maunawaan ang kasalukuyang pamumuhay.
PAGSASANAY
Pagsasanay-MGA SAGISAG NG BANSA
Pagsasanay II
PAGSASANAY: PAYAK NA PANGUNGUSAP
Pagsasanay sa Aralin 1 & 2 (Ikatlong Markahan)
Pagsasanay sa mga Tunog ng Letra