
PAGTATATAYA-IKAPITONG LINGGO-IKATLONG MARKAHAN
Quiz by Jeremie Guimbangunan
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Tukuyin kung anong elemento sa pagsususuri ng pelikula ang nakapaloob sa pagsusuri.
Makatotohanan ang mga binitiwang mga salita ng mga karakter. Angkop ang mga ito sa eksena ng komprontasyon lalo na sa usaping pampamilya. Pinili ang mga salita batay sa angkop na edad ng mga manonood na 13 taong gulang pababa.
Tukuyin kung anong elemento sa pagsususuri ng pelikula ang nakapaloob sa pagsusuri.
Gumamit ng malamlam na kulay ng ilaw upang ipakita i-set malungkot ang damdaming dapat mangibabaw sa eksena. Samantala, tamang-tama ang lokasyon na ginamit upang ipakita ang buhay sa nayon gayundin ang tunay na kalagayan ng mga mag-aaral sa mga liblib na lugar.
Tukuyin kung anong elemento sa pagsususuri ng pelikula ang nakapaloob sa pagsusuri.
Naging maganda ang kinalabasan ng paglalahad ng pelikula dahil sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga eksena. Mayroong "bitin factor" sa bahaging ipinakita muna ang pag-alis ni Teacher Melinda sa Malawig at pagkatapos nito ang pagbabalik-tanaw niya sa naging resulta ng patimpalak na kanilang sinalihan. Hindi ito naging kabagot-bagot sa mga manonood bagkus pinanatili ng eksenang ito ang pagtuklas sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw.
Tukuyin kung anong elemento sa pagsusuri ng pelikula ang nakapaloob sa talata.
Pinag-isipang mabuti ang ginamit na titulo ng pelikula. Angkop na angkop ito sa takbo ng mga pangyayari dito sapagkat ang "Mga Munting Tinig" ay hindi lamang tumutukoy sa tinig mga mag-aaral na sumali sa patimpalak. Tumutukoy ito sa tinig na dapat marinig. Pangarap na nais makamit ng mga bata na sa kabila ng bawat pagsubok na mayroon sila sa kanilang buhay, ang tinig na iyon ay dapat mapakinggan, dapat matugunan.
Tukuyin kung anong elemento sa pagsususuri ng pelikula ang nakapaloob sa pagsusuri.
Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood. Itinuturo nito sa bawat isa sa atin na huwag mawalan ng pag-asa, na ang unang hakbang upang magtagumpay ay ang mangarap sa buhay.
Isulat kung Tama o Mali ang ginamit na bantas o salita na may salungguhit sa pangungusap.
'Yung sorry ba sa'yo isang lisensiya para paulit- ulit mo na akong lokohin, ganun ba'yon?
Isulat kung Tama o Mali ang ginamit na bantas o salita na may salungguhit sa pangungusap.
Hindi mo man lang naranasang mag-mahal,mamamatay kang hindi mo man lang nakikilala ang taong laan sa'yo.
Isulat kung Tama o Mali ang ginamit na bantas o salita na may salungguhit sa pangungusap.
Ng dumating ka buhay ko, akala ko biyaya ka.
Isulat kung Tama o Mali ang ginamit na bantas o salita na may salungguhit sa pangungusap.
Kakauwi lang niya mula sa trabaho nang may marinig siyang ingay sa loob ng kanilang bahay.
Isulat kung Tama o Mali ang ginamit na bantas o salita na may salungguhit sa pangungusap.
Noong una, hinangaan kita. Pero noong makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita! (galit na galit)