
PASULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 5
Quiz by Lea Vargas
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Nabahaan ang isa sa iyong mga kamag-aral. Nakiusap ang iyong guro na magbigay kahit ano para makatulong sa kanya. Ano ang gagawin mo?
2. Nakita mong matamlay na nakaupo sa ilalim ng puno ang kamag-aral mo. Ano ang iyong gagawin?
3. Sinabi ng kamag-aral mo na madalas siyang saktan ng kanyang mga magulang. Binalaan ka niya na huwag ipagsasabi sa ibakasi takot siya sa mga magulang niya. Ano ang gagawin mo?
4. Madalas mong nakikita ang isang batang natutulog lamang sa isang upuan sa parke. Marumi ang damit at mukhang gutom ang bata. Ano ang gagawin mo?
5. Nalaman mong may lagnat ang iyong kaibigan subalit pumasok pa rin siya sa paaralan kasi mayroon kayong pasulit sa araw na iyon. Ano ang gagawin mo?
6. Nakiusap sa iyo ang iyong kaibigan na huwag ipaalam sa kanyang ina na bagsak siya sa inyong ginawang pasulit. Kapag sinabi mo sa kanyang ina ay magagalit siya saiyo. Ano ang gagawin mo?
7. Nalaman mong iniiwan ang mga maliliit na bata sa kanilang bahay ng kanilang mga magulang dahil kailangan nilang magtrabaho para kumita ng pera. Walang matandang tumitingin sa kanila. Ano ang gagawin mo?
8. Sa tuwing namamalengke kayo ay madalas mong nakikita ang isang matanda sa tabi na nagpapalimos. Ano ang gagawin mo?
9. Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian sa nagdaang bagyo sa inyong lugar. Isa kayo sa naging biktima ngunit kaunti lang ang pinsala ng bagyo sa inyong pamilya. Ano ang gagawin mo?
10. Nanawagan ang inyong kapitan na kung maariay magbigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyo sa Samar. Tatanggapin kahit ano gaya ng damit, pagkain at pera. Ano ang gagawin mo?