
Q2 ASSESSTMENT S.Y 2021-2022
Quiz by Rosita B. De Ramon
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Isa sa hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago ng workplace ng mga manggagawa na kung saan binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
Ang mga sumusunod na pahayag ay hamon sa epekto ng globalisasyon. Alin ang epekto ng globalisasyon sa pangkalahatan?
Dahil sa Globalisyon nagkaroon ng malayang kalakalan na kung saan tinanggal ng mga bansa ang taripa, kota, mga krayterya para
sa mga inaangkat na produkto at iba pang hadlang. Alin sa mga
sumusunod ang kabutihang dulot ng sistemang ito?
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
Saang ahensya ng pamahalaan maaring dumulog ang mga manggagawang nahaharap sa mga Isyu sa Paggawa, tulad ng
kawalan ng proteksyonat tamang benipisyo.
Si Mikee ay tapos ng kursong IT o Information and Technology sa kasalukuyan siya ay nagtratrabaho sa Grab Express na
sumasahod ng mas mataas sa minimum wage. Ang kalagayan ni Mikee ay isang halimbawa ng ______
Marami ang mga nakapagtapos ng kolehiyo ang nahihirapang makapagtrabaho dahil sa hindi tugma ang kanilang kakayahan at kasanayan na kailangan ng industriya o kompanya.
Inilalarawan nito ng tinatawag na
Isa sa naapektuhan ng globalisasyon ay ang paggawa.Ang mga sumusunod ay naidulot sa paggawa maliban sa:
Isa sa kinakaharap na isyu ng sa paggawa ay ang pag-iral ng sistema ng mura at fexible labor. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura ta flexible labor?
Dahil sa kalakalan,malayang nakakapasok ang mga imported na mga produkto sa ating bansa at makikita itong naibebenta sa ating local na pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng negatibong epekto ng pagpasok ng mga imported na mga produktong agricultural?
Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap na ito;“Binabago ng globalisasyon ang workplace at katayuan ng mga manggagawangPilipino”.
Naobserbahan ni Ailyn na unti-unting nahuhumaling si Nicole sa K-POP, mula sa pagsasalita ,pananamit hanggang sa uri ng kanta at mga panoorin sa telebisyon ay labais ang pagkahilig ng kanyang anak. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ni Ailyn para lumaki si Nicole sa KulturangPinoy?
Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Pilipino ang gustong manirahan at tumira sa ibang bansa particular sa Estados Unidos?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng suliraning job-skills mismatch?
Nakapagtapos ng pagiging isang guro si Gilda. Dahil hindi siya makapasok bilang isang guro, siya ay namasukan bilang isang call center agent. Anong suliranin sa paggawa ang ipinapakita sa sitwasyong nabanggit?
Bunsod sa tumataas na demand para sa global standard sa paggawa tumataas ang porsyento ng unemployment ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang dapat linangin sa mga manggagawa upang makasunod sa kasalukuyang pamantayan sa paggawa?
Ang mga manggagawa ay nahaharap sa iba’t-ibang suliraning paggawa. Ano ang mangyayari kung walang pagtugon sa iba’t-ibang suliraning ito?
Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
Sinasabing nagkalat ang mga Pilipino saan man sa mundo. Maraming pamilyang Pilipino ang matagal nang naninirahan sa ibang bansa.Dahil dito, nagnanais din silang makuha ang kanilang mga
kamag-anak lalung-lalo na ang kanilang mga anak upang manirahan doon. Ano ang positibong salik ng pandarayuhan ang naging dahilan ng migrasyon?
Ang mga sumusunod ay positibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon MALIBAN sa isa
Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. Ano ang maaaring maging negatibong epekto nito sa mga anak?
Maraming mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos, dahil sa kakulangan ng bilang ng taon sa basic education kaya naman second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino.Ano ang ipinatupad ng pamahalaan bilang tugon sa suliranin na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa?
Ano ang nararapat gawin ng pamahalaan upang hindi dumagsa ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila?
Ano ang patunay na ang Pilipinas ay isang import dependent country at ito ay ramdam sa pamilihang lokal ng bansa?
Alin sa mgasumusunod ang positibong epekto ng migrasyon?
Isang suliranin sa paggawa na tumutukoy sa pag-tungo ng mga propesyunal na paggawa sa ibang bansa.
Alin sa mgasumusunod ang patunay sa kalagayan ng paggawa ng mga manggagawang Pilipino napinipili ng iba’t ibang kompanya sa maraming bansa dahil sa taglay nitongkasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya?