
Q2 ESP 10 POST - TEST
Quiz by analiza teobengco
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
1. Dahil sa pandemyang Covid-19 marami ang nawalan ng trabaho at isa na dito si Mang Nestor na isang tsuper ng pampasaherong jeep. Sa pagsaalang-alang ng kabutihang panlahat, alin sa mga sumusunod ang makabubuti para kay Mang Nestor?
2. Si Moises ay nakapagtapos ng Senior High School sa track na HUMMS. Dahil sa kakulangan ng badyet, mas pinili niyang maghanap ng trabaho para makatulong sa kanyang pamilya. Sinubukan niyang mag-apply bilang crew sa isang fast food chain ngunit hindi siya tinanggap dahil wala pa raw siyang karansan sa pagtatrabaho. Anong karapatan ang nalabag sakanya?
3. Sa pagsasagawa ng real time online assessment ng gurong si G. Onofre ay nakita niya sa kanyang computer screen ang pag-abot ng kapirasong papel sa isa sa kanyang mag-aaral na kumukuha ng pagsusulit. Ang dapat na gawin ni G. Onofre ay _____________.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa awiting “Bawat Bata Sa Ating Mundo” na inawit nina Danny Javier, Buboy Garovillo at Jaime Ramon “Jim” Paredes.
5. Ang pagmamano sa mga nakakatanda at pagsabi ng po at opo ay isa sa mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang tinutukoy ng pahayag?
6. Bata pa lamang si Nathalie ay masipag na siyang mag-aral, maaga pa lamang ay gumigising na siya upang pumasok sa paaralan. Tungkulin niya bilang isang mag-aaral na paghusayan at galingan ang kanyang pag-aaral. Anong karapatan ang ginagampanan ni Nathalie bilang isang batang Pilipino?
7. “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.” Ano ang nais ipahayag ni Sto. Tomas de Aquino dito?
8. Si Nena ay inutusan ng nanay niya na bumili ng suka sa tindahan. Maayos ang kanyang pananamit naka t-shirt, naka-jogging pants, at may dalang payong nang biglang may sumipol sa kanyang mga kalalakihan na nakatambay sa labas ng tindahan. Sa anong batas nakapaloob ang nangyaring di kanais-nais na insidente kay Nena?
9. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Nena, ano ay unang hakbang na gagawin mo?
10. Nasaksihan mo na tumawid ng kalsada ang iyong matalik na kaibigan gayong hindi pa berde ang ilaw ng trapiko. Ano ang nararapat mong gawin ayon sa Likas Batas Moral?
11. Ayon kay ________________ ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
12. Si Efren Penaflorida ay isang natatangiang bayani dahil sa kanyang ipinamalas na kabutihan sa buhay ng mga bata na mabigyan ng pag-asa na matupad ang kanilang mga pangarap. Paano ito nakatulong sa dignidad niya bilang tao?
13. Pinarangalan si Amira sa flag ceremony dahil sa pagsasauli ng napulot niyang pitaka sa may-ari. Siya ay isang huwarang mag-aaral. Alin sa mga sumusunod na prinsipyo ng likas na Batas Moral ang kanyang naipamalas?
14. Mahalaga sa buhay ng tao ang paggawa upang _____________________.
15. Inatasan ng nanay si Jeffrey na magbantay sa tindahan habang ito ay natitimbang sa mga paninda nilang asukal. Sa hindi inaasahang pagkakataon napatingin si Jeffrey sa ginagawa ng nanay at nakita nito ang hindi tamang pagtimbang sa paninda. Kung ikaw si Jeffrey, ano ang nararapat mong gawin?
16. Kamakailan ay napabalita ang pagdagsa ng mga tao sa bayan ng San Idelfonso dahil sa ayuda. Dahil dito, marami ang hindi nakapag-obserba sa ipinapairal na panuntunan tungkol sa ‘physical distancing.’ Ang ginawa ng mga tao ay _________________________.
17. Nag-aasaran ang magkaibigang Leni at Bonbon, sa pikon ni Leni, hindi niya napigilang sampalin si Bonbon. Dahil sa pangyayari, nagsumbong si Bonbon sa kanyang ina pero sa halip na magalit, pinagsabihan niya lamang si Leni at pinagbati pa ang dalawa. Ano ang namayani sa nanay ni Bonbon na ayon sa Likas na Batas Moral?
18. Piliin sa mga sumusunod ang tamang pahayag.
19. Si Aling Trining ay kilalang isang mabuti at epektibong lider mula sa hanay o sektor ng mga matatanda. Makikita rin ang sakripisyo ng mga kasapi ng kanilang samahan ang mga boluntaryong gawaing nagtataguyod ng kagalingan para sa kanilang hanay. Dahil dito, nakatanggap ang kanilang samahan ng mga benepisyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan. Napatunayan ni Aling Trining at ng mga kasama nito sa samahan na _____________________.
20. Kilalang-kilala at dinadayo ng mga mamimili ang negosyong isawan ni Mang Larry sa kanilang lugar. Subalit may mga ilang kapitbahay ito na inirereklamo ang kanyang negosyo dahil sa usok na nalalanghap ng kanyang mga kapitbahay. Ang maaring gawin ni Mang Larry ay ________________.
21. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa:
22. Saan makikita ang tunay na halaga ng paggawa?
23. “Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa”, ito ay nangangahulugang:
24. Ang dignidad ay nakakamit ng tao bunga ng kaniyang pagsisikap na tumulong at boluntaryong pagkilos para sa pagtatamo ng kaganapan at dahilan bilang tao. Ang pangungusap ay:
25. Si Andrea ay isang mag-aaral mula sa Grade 9. Dahil sa kinakailangan nya ang mga datos hinggil sa pagdedesisyon sa kung anong kurso ang kanyang kukunin ayon sa gusto niyang trabaho paglaki ay kinausap niya ang kanyang matalik na kaibigan na kung ano ang kursong kukunin nito ay susunod siya dito. Ang ginawa ni Andrea ay ____________________.
26. Si Christian Guilleno at ang kaniyang pamilya ay nabubuhay dahil sa pananahi at pagbebeta ng mga doormat. Noong 2012 ay naging bahagi siya ng Sangguniang Kabataan sa kanilang lugar at dito nagsimula ang kanyang pagboboluntaryo sa mga gawaing pang-sibiko. Taong 2016, sumali siya sa Reach Out Feed Philippines at naging abala sa pagpapakain ng mga nagugutom na mga kabataan sa kalsada. Ayon sa kanya “Hindi alintana yung pagod. Nakakataba kasi sa puso na makatulong sa kapwa na walang hinihiling na kapalit.” (https://www.rappler.com/brandrap/advocacies/187856-u4hk-stories-of-service) Bakit tumutulong si Christian sa mga batang nasa kalsada gayong hindi naman ganon kaalwan o kariwasa ang kaniyang buhay?
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi na nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
28. Ang tao ay ang subheto sa paggawa. Ang pangungusap ay:
29. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkikilahok at bolunterismo, maliban sa?
30. Gustong-gustong tumulong ni Edna sa community pantry na inilunsad ng kanyang mga kaibigan subalit ayaw niyang lumabas dahil sa takot na baka mahawa siya sa Covid19. Kung kaya’t ginamit ni Edna ang kanyang koneksyon sa social media upang mapalaganap ang nasabing proyekto. May aspekto ba ng pakikilahok at bolunterismo sa nasabing pahayag?