
Q3 Fil. Paunang Pagsasanay
Quiz by Merly Antonio
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa tala, pangyayari at impormasyon ng tunay na buhay.
Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na araw at petsa.
Ito ay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan.
Maikling salaysay na nakawiwili, nakalilibang sa paraang patalambuhay na pagpapahayag ng mga pangyayari.
Isang uri ng sulatin na ginagamit ng isang indibidwal upang magbigay gabay, pag-alala sa mga bagay na nangyari, nangyayari o mangyayari
Ito ay aklat na naglalaman ng mga salita, kahulugan ng salita, paano bigkasin ang salita at anong uri ito ng pananalita.
Ito ay isang malawak na network ng mga kompyuter na ginagamit upang makapagbukas ng iba’t ibang klase ng impormasyon mula sa World Wide Web.
Ito ay isang set ng mga aklat na naglalaman ng maiikling artikulo o pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Nakaayos ito ng paalpabeto.
Ito’y nagmumungkahi ng isang produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pangmadla.
Ito ay isang maikling mensahe na nakakapukaw damdamin at madalas nagbibigay ng pangmatagalang impresyon o leksiyon sa mambabasa.