
Q3 FILIPINO 4 REVIEWER
Quiz by Christine Jerenlou Pedroso
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ako'y isang ibong masaya,
Laging lumilipad sa tuwa.
Araw-araw ay naglalaro,
Sa ulap ay nalilito.
Sino ang nagsasalita o nagsasalaysay sa tula?
Habang tahimik na naglalakad si Maria sa lumang tulay, biglang may malamig na hangin na dumaan. Sa kabila ng dilim, narinig niya ang mahina ngunit malinaw na tinig na tumatawag sa kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang lumingon, ngunit walang tao sa paligid.
Ano ang maaaring mangyari pagkatapos na marinig ni Maria ang tinig na tumatawag sa kanyang pangalan?
Sa simula ng panahon, nilikha ng Bathala ang mundo mula sa kawalan. Binigyan niya ng liwanag ang langit at lupa sa pamamagitan ng araw, buwan, at mga bituin. Ngunit isang araw, nagalit ang diyos ng kadiliman at sinubukang agawin ang liwanag mula kay Bathala.
Paano magbabago ang kwento kung nagtagumpay ang diyos ng kadiliman sa pag agaw ng liwanag?
José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ang nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado (ayon sa mga panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang kabataan. Gayumpaman sa payo ng kanyang kapatid na si Panciano Rizal Merrcado, pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid nakilala noon bilang aktibista ata tagasuporta ng binitay na paring si Jose Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal. Ito`y naging Jose Protacio Rizal (rizal=luntian) pinaikling Jose Rizal.
Ano ang mahalagang layunin ng paglalahad muli ng talambuhay ng isang bayani o dalubhasa?
Unang hinuha: "Dahil sa kakulangan ng ulan, hindi magiging maayos ang ani ng mga magsasaka." Pagkaraan ng ilang linggo, may dumating na ulat na nagkaroon ng teknolohiya para sa patubig sa kanilang lugar
Paano mababago ang hinuha ng mga magsasaka matapos malaman ang tungkol sa teknolohiyang patubig?
 Sitwasyon: Ikaw ay naatasang magbigay ng ulat tungkol sa kalagayan ng kalikasan sa inyong komunidad. Alin sa mga sumusunod na midyum ang pinakamabisang gamitin upang maipahayag ang impormasyon?
Sitwasyon: Nais mong makabuo ng impormasyon tungkol sa paboritong pagkain ng mga mag-aaral sa inyong paaralan.
Alin sa mga sumusunod na paraan ang pinakamahusay na gamitin upang makabuo ng impormasyon tungkol sa paboritong pagkain ng mga mag-aaral sa inyong paaralan?
Sitwasyon: Alin sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan mula sa kuwento ng "Alamat ng Pinya"?
1. Siya ay naging isang bunga na may maraming mata.
2. Nawala ang kanyang ina at hindi niya makita.
3. May batang tamad na si Pinang.
4. Naging leksiyon ito sa pagiging masipag.
Alin sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan mula sa kuwento ng 'Alamat ng Pinya'?