
Q4 MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO10
Quiz by Ernest Marie Santos
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang buong pangalan ng ating pambansang bayani ay Jose Protacio Rizal Mercado Y Agoncillo Realonda
Ang Jose sa pangalan ni Rizal ay hinalaw ng kanyang ina sa patron na si San Jose.
Ang apelyidong Rizal ay nangangahulugang “luntiang bukirin”.
Si Rizal ay nagkamit ng titulong “sobresaliente” sa kaniyang pagtatapos sa Ateneo Municipal.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas nag-aral ng medisina si Rizal.
Si Leonor Valenzuela ang babaeng nakarelasyon ni Rizal sa mahabang panahon kahit siya ay nasa Madrid.
Nailimbag ang kopya ng Noli Me Tangere dahil sa pinahiram na pera ni Ferninand Blumentritt.
Itinago ni Rizal ang tulang “Mi Ultimo Adios” sa kaniyang kama sa Intramuros.
Ang huling salitang binigkas ni Rizal bago mamatay na “Consummatum Est” ay nangangahulugang “magsisimula pa lang ang digma”.
Si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na kilala bilang Luneta Park sa kasalukuyan.
Ang nobelang El Filibusterismo ay tumatalakay sa usaping _________.
Sino ang tumulong kay Dr. Jose Rizal sa pagpapalimbag ng kaniyang nobelang El Filibusterismo?
Anong taon ng nailimbag ang nobelang El Filibusterismo?
Buwan at taon kung saan nilisan ni Jose Rizal ang Pilipinas upang makaiwas siya at ang kaniyang pamilya sa kapahamakan.
Ang El Filibusterismo ay iniaalay ni Rizal sa ____.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naging suliranin ni Rizal habang nililikha ang nobelang El Filibusterismo.
Ano ang nagtulak kay Rizal na ipagpatuloy ang pagsulat ng kaniyang nobela sa kabila ng mga suliranin at alalahanin?
Paano ipinakita ni Rizal ang kaniyang pagtanaw ng utang na loob sa kaibigang tumulong upang matapos ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo?
Paano nakatulong ang El Filibusterismo sa Katipunan at kay Andres Bonifacio?
Ano ang kahulugan ng El Filibusterismo?
Anong kalagayang panlipunan ang nais ipabatid ni Rizal sa kaniyang paggamit ng dalawang palapag ng Bapor Tabo bilang simbolismo?
Bakit tutol si Don Custodio at Padre Salvi sa mungkahi ni Simoun na dapat gawin sa Ilog Pasig upang maging maayos ang transportasyon?
Bakit naghahangad si Basilio at Isagani na makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila?
Ano ang dahilan bakit namutla at nawalan ng kibo si Simoun nang makarating ang Bapor sa Lawa ng Laguna?
Ano ang nais ipabatid ni Simoun kay Padre Salvi sa kaniyang pagbubukas ng usapin tungkol sa beateryo ng Sta.Clara?
Bakit hindi pabor si Donya Victorina sa mungkahi ni Don Custodio na pag-aalaga ng itik upang makatulong sa pagpapalalim/pagsasaayos ng Ilog Pasig?
Bakit ayaw isanla ni Juli ang agnos bilang pandagdag sana na pantubos sa kaniyang ama?
Saan lihim na nagtungo si Basilio ng sumapit na ang gabi matapos niyang makarating sa bayan ng San Diego?
Bakit takot na takot si Padre Salvi matapos marinig ang mga isinalaysay ni Imuthis?
Bakit ninanais ni Simoun na mapaaga ang binabalak na himagsikan?
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Siya ang hinirang ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Isang Prayle na walang galang sa kababaihan lalo na sa mga magagandang dilag.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Ang prayle na nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang akademya na magtuturo ng wikang Kastila
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Nalampasan ang mga hirap ng buhay dahil nagpaalipin kay Kapitan Tiago, bilang kapalit ay pinag-aral siya nito.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Prayleng nagtuturo ng Pisika at Kemika, mababakas sa kaniyang pagtuturo ang maling sistema ng edukasyon.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Napakayamang mag-aalahas, bumalik sa bansang sinilangan upang maghiganti.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Mapagmahal na lolo, siya ang kumupkop kay Basilio nang matagpuan niya ito sa gubat.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero, laging inaabuso si Placido.
Tukuyin kung sinong tauhan ang isinasaad: Isang masayahin at napakagandang dalaga, kasintahan ni Isagani.