
Quiz for Q3 Module 2, Week1
Quiz by Gemma E. Yu
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sina Raha Sulayman at Lakan Dula ay nag-alsa laban sa pamumuno ni Gobernador-Heneral de Lavezares dahil naalisan sila ng maraming prebilehiyong ipinagkaloob noon ni Legazpi sa mga dating pinuno ng mga barangay. Ito ay dahilang ________.
Alin sa mga ito ang nagsumbong sa mga Espanyol tungkol sa balak na pag-aalsa ng mga taga-Pampanga?
Si Magat Salamat na anak ni Lakandula ay naparusahan ng kamatayan dahil sa balak niyang pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ano ang dahilan ng kanyang pag-aalsa?
Si Magalat na isang mahusay na mandirigma ay pinatay ng kapwa niya katutubo na binayaran ng mga Espanyol sapagkat nahirapan silang hulihin ito. Ano ang tawag sa mga taong tumatanggap ng bayad upang pumatay ng ibang tao?
Ang pagpapadala ng mga polista sa Cavite upang gumawa ng galyon ang naging dahilan ng pag-aalsa ni Juan Ponce Sumuroy laban sa mga Espanyol. Ang patakarang ito ay tinatawag na bandala.
Sino ang humalili kay Diego Silang sa kanyang pamumuno na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol?
Nag-alsa si Diego Silang sa kadahilanang pang-ekonomiko.
Karamihan sa mga balak ng mga katutubong Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol ay ibinunyag ng kapwa Pilipino.
Ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng iba't ibang patakarang pangkabuhayan ay sinang-ayunan ng maraming mga Pilipino.
Saang lugar sa Pilipinas naganap ang pag-aalsa ni Diego Silang laban sa mga Espanyol?