placeholder image to represent content

Quiz sa AP WEEK 8

Quiz by Bryan Behn D. Meriño

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon, hugis, sukat, klima, at anyong lupa?

    Kasaysayan

    Ekonomiya

    Kultura

    Heograpiya

    30s
  • Q2

    Kung ikaw ay nakatira sa isang pulo na malayo sa kabayanan, ano ang pinakamahalagang aspeto ng heograpiya na dapat mong isaalang-alang sa pag-unlad ng inyong lugar? 

    Paraan ng transportasyon

    Dami ng gusali 

    Kulay ng lupa

    Dami ng tao 

    30s
  • Q3

    Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ano ang ibig sabihin nito? 

    Binubuo ng maraming pulo

    Nasa gitna ng kontinente 

    Walang anyong tubig

    May malalaking bundok lamang

    30s
  • Q4

    Kung ikaw ay magsasaka sa Lambak ng Cagayan, anong likas na yaman ang pinakamainam gamitin para sa pagsasaka? 

    Langis 

    Tubig mula sa ilog

    Ginto 

    Uling 

    30s
  • Q5

    Ang Bulkang Mayon ay kilala sa pagiging “perfect cone.” Saan ito matatagpuan?

    Bohol  

    Davao  

    Albay 

    Palawan

    30s
  • Q6

    Bakit mahalaga ang klima sa pamumuhay ng tao? 

    Dahil nakaaapekto ito sa kalusugan at kabuhayan 

    Dahil nakaaapekto ito sa kulay ng mga gusali 

    Dahil ito ang batayan ng bilang ng populasyon 

    Dahil ito ang nagpapasya kung may bundok o wala 

    30s
  • Q7

    Kung ikaw ay mangingisda sa isang bayan sa baybayin, alin sa mga sumusunod ang pinakaapektado ng pagbabago ng klima? 

    Produksiyon ng langis 

    Ani ng palay

    Pagmimina

    Huli ng isda 

    30s
  • Q8

    Ano ang tawag sa malaking anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan? 

    Talon

    Ilog  

    Dagat 

    Lawa  

    30s
  • Q9

    Kung ikaw ay isang guro, paano mo ituturo sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng katangiang heograpikal? 

    Magbasa ng tula tungkol sa kalikasan

    Magpatugtog ng musika ng bansa

    Magpakita ng pelikulang pantasya

    Magdala ng mapa at larawan ng mga lugar 

    30s
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod ang epekto ng maling paggamit sa likas na yaman ng bansa? 

    Pagkasira ng kalikasan 

    Pagtaas ng kita ng mamamayan 

     

    Pag-unlad ng turismo

    Paglago ng agrikultura

    30s
  • Q11

    Ang kapatagan ay mataas na bahagi ng lupa ngunit mas mababa sa bundok. 

    false
    true
    True or False
    30s
  • Q12

    Ang Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng bundok sa Pilipinas. 

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q13

    Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar.

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q14

    Ang anyong tubig na tinatawag na “tsanel” ay nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig. 

    true
    false
    True or False
    30s
  • Q15

    Ang Pilipinas ay walang yamang diwa at yamang tao.

    false
    true
    True or False
    30s

Teachers give this quiz to your class