
Sariling Panindigan sa Karapatang Pantao Tungo sa Makatarungang Pamayanan
Quiz by QUINNETH KADDIE O. DALIGDIG
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sa isang paaralan, may nag-upload ng video ng sirang silid-aralan sa social media. Dahil dito, agad na kumilos ang lokal napamahalaan upang ipaayos ang gusali. Gayunpaman, sinabi ng ilang guro na hindi muna dumaan ang mag-aaral sa tamang proseso.
Ano ang pinakamainam na paninindigan?
Isang kaklase ang nagbahagi ng screenshot ng pribadong usapan ng inyong guro upang patunayang may kinikilingan ito sa klase. Marami ang humanga sa kaniyang katapangan, ngunit may ilan ding nagsabing nilabag nito ang privacy ng guro.
Ano ang pinakamahalagang dapat isaalang-alang?
May kaklase kang tumangging makisali sa isang online challenge dahil sa tingin niya ay nakapapahiya ito sa ibang tao. Tinawag siyang Killjoy o "KJ" ng kaniyang mga kaibigan.
Ano ang pinakamainam na gawin?
Nagkaroon ng mainit na talakayan sa klase tungkol sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa paggawa ng takdang-aralin. Ang ilan ay naniniwalang nakatutulong ito sa pagkatuto, samantalang ang iba ay nagsasabing nakababawas ito ng pagsisikap ng mag-aaral.
Ano ang pinakamainam na batayan sa pagbuo ng sariling paninindigan?
Sa isang talakayan, hindi nagkasundo ang dalawang mag-aaral tungkol sa isang isyung panlipunan. Sa kabila nito, maayos nilang tinapos ang pag-uusap at nanatiling magkaibigan.
Ano ang ipinakikita ng kanilang kilos?