
SECOND GRADING ASSESSMENT TEST-AP
Quiz by CORAZON GUIANG
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
.Anong batayanang napakahalaga para sa mag aaral at lahat ng tao upang maging mahusay sapakikipagtalastasan at komunikasyon?
Ano ang mangyayari sa lipunan kung may organisadong pamahalaan at batas na ipinapatupad dito?
Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
Paano nabuo ang isang kabihasnan?
Sa panahon ngayong pandemya ang mga eksperto ay nagsisikap na tumuklas ng bakuna o gamot para malabanan at mapagaling ang mga nadapuan ng sakit na COVID. Anong batayang salik ang kailangang pagyamanin at pagtuunan ng pansin?
Saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
Alin sa mgasumusunod ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa Asya?
Bakit sinasabing ang mga naninirahan sa kabihasnang Indus ay mahusay sa larangan ng matematika?
Bakit naiiba ang tungkulin ng ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin sa kabihasnang Indus at Sumer?
Sa paanong paraan mo ipresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa?
Ano ang relihiyon na itinatag ni Siddharta Gautama?
Saang bansa nagmula ang relihiyong Hinduismo?
Bakit kinikilalang dakilang pilosopo si Confucius sa China?
Ang Pilosopiya ay pagmamahal sa karunungan. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang gagawin mo para maipakita ang pagpapahalaga sa karunungan?
Paano nakatulongang relihiyon sa paghubog ng kalagayang panlipunan at kultura sa Asya?
Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ay sentro ng daigdig at ang namumuno ay Anak ng Langit. Anong kaisipan ang tinutukoy sa pangungusap?
Sa India, ang kanilang paniniwala na ang hari ay kinikilala bilang Haring Diyos:
Ang kaisipang ito ang naging dahilan kung bakit ang isang bansa at lahi ay naging mataas ang pagtingin sa sarili?
Bilang isang mag-aaral na natutuhan at nalaman ang iba’t-ibang pananaw at paniniwala ng
mga taga Asya,ano ang pinakamabuting gawin sa kabila ng pagkakaiba-iba nito?
Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate ukol sa pilosopiya ,paniniwala at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Ano ang gagawin mong paghahanda bago ang paligsahan?
Sa kodigong ito nakasaad na ang edad ng mag asawa ay tatlong beses ang tanda sa lalake sakanyang asawang babae
Anong buwan ipinagdiriwang ang pagkilala sa kahalagahan ng mga kababaihan sa isang lipunan at bansa?
Mahalaga ang papel naginagampanan ng mga kababaihan sa pagbuo ng lipunan dahil siya ay _____________.
Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinunong kababaihan sa Asya tulad nina Corazon Aquino, Gloria Arroyo at Aung San?
Alin sa sumusunod ang ugat ng pagkakaroon ng mababang pagtingin sa mga kababaihan sa Asya?
Ang sinaunang sistema ng pagsulat na naimbento at nagsilbing tagapag-isa ng mga Tsino?
Tanyag na estruktura sa China na nagbigay proteksiyon sa dinastiyang Qin
laban sa mga nomadikong pangkat mula sa Hilagang Asya.
Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Sumerian?
Cuneiform:Mesopotamia; ____: Korea
Bilang isang magaaral paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga naging kontribusyon ng mga Asyanong bansa sa iyong komunidad?