
Summative Test # 1 in Araling Panlipunan 5 (Module 1 & 2)
Quiz by Van Aldrich Rosal
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Bakit hindi maganda ang epekto ng monopolyo sa tabako sa Pilipinas?
Ang sumusunod ay dahilan ng pagkabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa.
Ang pag –aalsa ni Francisco Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit ito nagtagal?
Alin ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino?
Noong 1745, sumiklab ang pag-aalsang agraryo sa Katagalugan. Ano-ano ang mga dahilan ng pag-aalsang ito?
I. dulot ng pang-aabuso sa agraryo
II. pagpuslit ng mga magsasaka ng kanilang ani
III. pangangamkam ng mga prayle ng lupa mula sa katutubo
IV. nangako ng mga Espanyol sa mga magsasaka ngunit hindi natupad
Ang lahat ay dahilan ng pag-aalsang ekonomiko maliban sa isa.
Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan dahil dito nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga datu at babaylan. Anong pag-aalsang inilalarawan?
Alin sa mga pag-aalsa ang maituturing na isa sa pinakatanyag na pag-aalsang Pangrelihiyon?
Ano ang dahilan kung bakit lumagda sa isang kasunduan sa mga British si Sultan Alimuddin?
Organisadong pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao.
Ang banal na digmaan ng mga Muslim laban sa puwersa ng mga kaaway.
Siya ang kauna-unahang sultan na naglunsad ng banal na digmaan laban sa mga Espanyol.
Ang serye ng labanan sa pagitan ng mga Muslim sa Mindanao at puwersang Espanyol.
Katangiang ipinamalas ng mga Muslim sa pakikipagdigma laban sa mga Espanyol.
Bakit mas katanggap-tanggap sa mga Muslim ang pamahalaang Sultanato kaysa kolonyalismo ng mga Espanyol?
Armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Ano ang dahilan?
Paano nagsimula ang Digmaang Moro at Espanyol?
Bakit malakas ang loob ng mga Muslim na kalabanin ang mga Espanyol sa kabila na mas malalakas ang mga sandata ng mga ito?
Ano ang pinakamabisang paraan upang mapanatili ang teritoryo at makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop?
Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?