
Q2 SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN #1
Quiz by Eva F. Estardo
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang prutas, gulay, at mga bulaklak. Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?
Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Batangas, at Mindoro ay may malawak na pastulan ng hayop tulad ng baka at kambing. Angkop ang lugar na ito sa anong uri ng hanapbuhay?
Malawak na bahagi ng Pilipinas ay katubigan. Kung pagyayamanin ito, maraming isda at mga yamang dagat ang mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang naangkop dito?
Ang mga lugar ng Camarines Norte, Baguio, at Davao ay kilala sa mina ng _________.
Kilala ang Marikina sa paggawa ng matitibay na __________________.
Ang mga taga- Pangasinan ay kilala sa paggawa ng ___________________.
Pangunahing produktong pang-agrikultura sa Central Luzon.
Ang mga marmol, ginto, pilak at tanso ay mga pakinabang na pang-ekonomiko mula sa ____________.
Ang pakinabang na pang-ekonomiko na binibigay ng Bulkang Mayon, Puerto Galera at Boracay Beach ay__________________.
Alin sa mga sumusunod ang may pakinabang na pang-ekonomiko na nagbibigay ng enerhiya?
Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng mga chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga industriya at maging sa mga kabahayan.
Isa sa masamang epekto ng pagkakaingin o pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa o pagtayuan ng tirahan ay_________________.
Epekto ng pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig.
Ang labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons ay nagreresulta ng ______________.
Alin sa mga sumusunod ang matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng ga likas na yaman ng bansa?
Isa sa paraan ng pagbabawas ng basura sa ating paligid ay ang pagsasagawa ng ___________.
Ang lahat ay mga wastong paraan upang mapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman ng bansa, maliban sa isa, alin dito?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng matalinong pangangasiwa at pangangalaga ng likas na yaman?
Ang pag-aaksaya ng mga enerhiya tulad ng elektrisidad at tubig ay tamang pangangasiwa at pangangalaga sa ating likas na yaman.
Alin sa mga sumusunod ang mungkahing paraan ng pangangasiwa at pangangalaga ng likas na yaman ng bansa?