
Summative Test # 3 in Filipino 5 (Module 5 & 6)
Quiz by Van Aldrich Rosal
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Araw-araw at oras-oras ay matindi ang trapik sa Urdaneta City.
Pangarap ni Rommel ang matutong lumangoy.
Si Fernando Amorsolo ang unang ginawaran bilang National Artist sa Painting.
Kailangang parusahan ang mga anak na hindi magalang at hindi masunurin sa magulang.
Nakasuot ng puting t-shirt at maong si Harold.
Hindi kasinggandang babaeng maputi ang babaeng maitim.
Karapatan ng bawat batang Pilipino ang makapag-aral.
Ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
Ang Bulkang Mayon ay halos may perpektong kono.
Masaya ang magkaroon ng alagang hayop sa bahay.
Ang niyog ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo at iba pa.
Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na namamahal sa pangungulekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkakasawi nito sa labanan.
Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalong-lalo na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit na walumpo’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.
Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makitid na taniman.Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isng kahangahangang tanawin.
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasatitik ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
Ito ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao na kadalasan ay nasa malayong lugar.
Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala, tanggap ng nakararami, at kadalasang ginagamit sa paaralan.
Ito ay uri ng sulatin na hindi gaanong susmusunod sa tamang pamantayan at mga tuntunin sa pagsulat.
Uri ng liham na nagbibigay suhestyon hinggil sa isang paksa o isyu.