
Tayutay
Quiz by Gabuco Aira Mae
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay kilala bilang figure of speech sa wikang Ingles, ito ay mga salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Ito ang di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari. Tinatawag din itong simile sa Ingles. Maaari itong gamitan ng mga salitang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at magkasim-.
Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao (talino, gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito’y pakunwari lamang kung saan ang nais ng nagpapahayag ay kabaligtaran ng ibig sabihin.