
Thomas 1st AP Summative Test
Quiz by Rose Agito
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Saang kontinente kabilang ang Pilipinas?
Ano-ano ang dalawang bagay na maaaring gamitin sa pagtukoy ng lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas?
Anong guhit latitud ang nasa 0 degree at humahati sa mundo sa hilagang-hating globo at timog-hating globo?
Paano natin matutukoy ang absolute na lokasyon ng ating bansa?
Ano ang mga batayan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng isang bansa?
Nasa pagitan ng ekwador at _________________ ang Pilipinas
Bakit madalas ang paglindol at pagsabog ng Bulkan sa Pilipinas?
Ito ang elemento ng bansa na itinuturing na
pinakamahalagang yaman ng bansa.
Ito ang lugar kung saan nakatira ang mga tao at binubuo ng lupa, tubig, at himpapawirin.
Ito ang uri ng soberaniyang tumutukoy sa kapangyarihan ng estado na pamahalaan ang mga
mamamayan at teritoryo nito.
Ito ang kalayaan at kapangyarihan ng isang bansa na mamahala sa sarili nitong mga gawain nang walang pakikialam o panghihimasok mula sa ibang bansa.
Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas.
Ito ay uri ng soberaniya kung saan ang estado ay may kapangyarihang makilala bilang isang malayang bansa na kapantay ng iba pang bansa sa daigdig.
Ito ay isang institusyong binubuo ng mga taong namamahala at nagpapatakbo ng bansa para sa
ikabubuti ng lahat.
Apat ang Ilan ang elemento ng bansa.
Tao ang tawag sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo.
Kasaysayan  ang tawag sa nagbibigay ng malalim na pag-unawa sa pinagmulan, pag-unlad, at pagbabago ng isang bansa sa paglipas ng panahon.
Isinasaad sa mapang ito ang impormasyong tungkol sa hangganan ng mga lugar.
Gumagamit ito ng iba't ibang palatandaan upang maipakita ang uri ng klimang nararanasan.
Ito ay nagsasaad ng iba't ibang pangalan ng daan o lansangan na makikita sa isang lugar.
Tawag sa gumagawa ng mapa.
Ang Pilipinas ay may klimang ______.
Ang ________ay tumutukoy sa kalagayan ng papawirin o atmospera sa isang Iugar sa loob ng mahabang panahon.
Ang ________ay tumutukoy sa kalagayan ng papawirin ng isang Iugar sa pang-araw-araw o sa loob ng maikling panahon.
Ang lokasyon ng Pilipinas sa itaas na bahagi ng ________ kaya may epekto sa klimang nararanasan dito.
Ang sonang tropikal ay nakatatanggap ng pinakamatinding sikat ng araw, kaya nakararanas ng tag-ulan at tag-araw.
Ang sonang katamtaman ay nakatatanggap ng katamtamang sikat ng araw. Apat na panahon ang nararanasan dito: tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig.
Ang sonang ito ay nakatatanggap ng pahilis na sikat ng araw. Nakararanas dito ng napakalamig na temperatura at karaniwang nababalutan ng yelo.
Ang mga panahong umiiral sa Pilipinas.
Tumutukoy ito sa singaw ng tubig (water vapor) sa hangin sa isatng lugar.
Hanging nararanasan sa bansa mula buwan ng Pebrero hanggang Mayo at nagmumula sa hilagang-silangan ng Karagatang Pasipiko.
Ang hanging nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa Pilipinas galing sa timog-kanluran ng Pilipinas.
Ang hanging nagdadala ng malamig na simoy ng hangin sa buong bansa,
Tumutukoy sa antas ng init o lamig na nararanasan sa isang lugar.
Ang Tipo o uri ng klima kung saan walang panahon ng tagtuyot; Nakararanas ng matinding pag-ulan mula Disyembre hanggang Pebrero.
Ang Tipo o uri ng klima kung sann tagtuyo mula Nobyembre hanggang Abril; tag-ulan sa natitirang bahagi ng taon.
Ang mga bansang may ganitong klima ay karaniwang nakararanas ng mataas na temperatura, halumigmig, at saganang pag-ulan. Ang mga katubigang nakapalibot sa bansa ang pangunahing sanhi nito.
Dito karaniwang nabubuo ang mga bagyo na nananalasa sa Pilipinas.
Nakatutulong sa pagbibigay ng lokasyon ng isang lugar ang pagtukoy sa kinalalagyan ng mga katabing lugar nito. Ito ang tinatawag na ____________________ lokasyon.
Ang Pilipinas ay bahagi ng rehiyong ________________________ Asya.
Ang pagtukoy sa relatibong lokasyon ay mahalaga upang madaling matukoy ang kinaroroonan ng isang bansa
Apat ang pangunahing direksyon na pinagbabatayan sa pagtukoy ng relatibong lokasyon (Hilaga, Silangan, Timog, Kanluran).
Ito ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas.