Loading...

Wastong Gamit ng Pangngalan
Quiz by Cecilia S.Manuel
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
Wastong pg gamit ng pangngalan
Batayang Impormasyon tungkol sa Sariling Pamilya Pagkilala sa mga pangunahing impormasyon ng pamilya bilang bahagi ng sariling pagkakakilanlan. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili (Valuing Oneself). Wastong Pangangalaga sa Kalusugan, Gabay ang Pamilya Pagsasagawa ng mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan na natutuhan sa pamilya. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili (Valuing Oneself). Kilalanin at Unawain ang Sariling Damdamin Pagtukoy sa iba't ibang damdamin at ang wastong pagtugon sa mga ito para sa pansariling disiplina. Pagpapahalaga: Pagiging Totoo (Sincerity) Pansariling Panalangin, Palaging Ugaliin o Ang panalangin bilang paraan ng pasasalamat at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Pagpapahalaga: Madasalin (Prayerful). Pagsisinop at Pagtitipid, Mabuti sa ating Paligid Wastong paraan ng paggamit ng mga gamit upang maiwasan ang aksaya at makatulong sa kalikasan. Pagpapahalaga: Masinop (Prudent).
A. Pakikiisa sa tahanan o bahay Sa loob ng pamilya nagsisimula ang kagandahang-asal na ibinibigay ng magulang sa anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga tungkulin na dapat gampanan. Anu-ano nga ba ang mga ito? Ginagampanan ng ating mga magulang na itaguyod an gating pagaaral para sa maganda nating kinabukasan. Inaasikaso ni nanay ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya katulad ng pagluluto ng pagkain, paglilinis ng bahay, pagsubaybay sa ating Gawain at iba pa. ang tatay naman ang siyang nagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Siya ang nagtatanggol sa pamilya sa oras ng kagipitan. Sa iyo bilang anak, tungkulin mong igalang at mahalin ang iyong magulang. Tumulong sa mga gawaing bahay, sumunod sa pangaral nila at mag-aral ng mabuti. Ikaw bilang isang masunuring anak, ginagawa mo ba ang lahat ng ito? B. Pakikiisa sa paaralan Ikaw ba ay isang mabuting mag-aaral? Anu-ano na ang mga 30 bagay na naitulong mo na sa iyong paaralan? Sumunod sa mga tuntunin ng paaralan tulad ng pagsusuot ng I.D at tamang uniporme ay ang ilan lamang sa mga dapat mong ginagawa sa tuwing ikaw ay nasa loob nito. Nakikinig ka rin dapat sa iyong guro habang itinuturo niya ang inyong leksyon. Pagpapanatili sa maayos at malinis na silid-aralan ang iba pa sa iyong mga Gawain. Dapat ay aktibo ka rin sa pakikiisa sa mga programa ng inyong paaralan. Alam mo ba na ang guro ay kasama natin sa pakikiisa sa paaralan? Naibabahagi niya ang ilan mga impormasyon na kailangang malaman ng mga mag-aaral. Tungkulin niya rin ang alamin ang mga problema t pangangailangan ng mga mag-aaral at tulungan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Higit sa lahat, ang isang guro ay kinakailangan na maging isang modelo sa kanyang mga magaaral. C. Pakikiisa sa simbahan Mahalaga na sa isang simbahan, magtulongtulungan ang mga kasapi para sa ikabubuti ng kaluluwa ng bawat isa. Kaya nga dapat, ikaw bilang isang bata ay maging isang aktibo para sa gawaing 31 pansimbahan. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pakikinig habang nagmimisa ang pari, pagiging tahimik sa loob ng simbahan at pagdarasal hindi lamang para sa iyong sarili kundi maging para sa ikabubuti ng ibang tao na nangangailangan din ng panalangin. Nagdarasal ka ba araw-araw? Anu-ano ang mga hinihiling mo sa Diyos? D. Pakikiisa sa pamahalaan Sa isang batang mag-aaral na katulad mo, paano mo ba maipapakita ang iyong pakikiisa at pakikipagtulungan sa inyong barangay o pamayanan? Tayo bilang mamamayan, maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas ng ating pamayanan. Kapag nagawa natin ang mga bagay na ito, tiyak ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating lugar. Dapat din natayo ay nakikiisa at sumasali sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gaya ng programa sa wastong pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng mga ito sa nabubulok at di nabubulok, pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga bundok, pagsunod sa mga batas trapiko at pagsugpo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
wastong Gamit ng Pang-angkop
Wastong Gamit ng mga Bantas
Tayahin 3 - Wastong Gamit ng Pang-angkop
Quiz1- Q4 Wastong Gamit ng Simuno at Panaguri sa Pangungusap
Modyul 4-6:Wastong Gamit ng mga Aspekto ng Pandiwa sa Pagsasalaysay,Pagsasabi ng Sanhi at Bunga (Pahayag, Teksto at Ulat) atPagsulat ng Timeline at Pagsasalaysay ng mga Pangyayari