2nd Quarter Assessment
Quiz by Raquel Carillo
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa mga sumusunod ang pakinabang na pang – ekonomiko ng mga larawan sa ibaba.
Kabilang sa mga hamon sa mga gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas tulad ng pangingisda at pagsasaka ang pagbabago ng klima at iba pang likas na mga pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño phenomenon. Ano ang ibig ipakahulugan nito?
Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?
Ang iyong kapatid ay mahilig magtapon ng mga bagay na alam mong maaari pang gamiting muli. Ano ang gagawin mo para maiwasto ang ginagawa ng kapatid mo?
Ano ang maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ngayon dulot ng malalakas na pag – ulan at bagyo dahil sa kakaibang pagbabago ng klima?
Alin sa mga sumusunod ang oportunidad na ibinibigay ng pamahalaan sa mga magsasaka upang umunlad ang mga ito?
Nalaman mo na ang iyong kaklase ay nakatira malapit sa ilog. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang mapanatili ang kalinisan ng katubigan?
Sa anong paraan makakatulong ang pamahalaan upang magkaroon ng puhunan ang mga tao sa kanilang gawaing pangkabuhayan?
Nakita mo na nag-piprint ang iyong kapatid ng kanyang mga project at marami na ang mga nasayang na papel, ano ang magandang mungkahi mo sa kanya?
Anong paraan ang dapat na gawin upang mapadami ang produkto sa pagsasaka?
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga mayayabong at malalaking puno sa kagubatan?
Alin kaya sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakalugi ng mga magsasaka at mangingisda sa pagbebenta ng kanilang produkto?
Kung ikaw ay isang OFW, ano kaya ang iyong magandang pagtuunan ng pansin kung ikaw ay may lupang pansakahan?
Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________.
Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
Kung ihahambing sa ibang mga bansa ang Pilipinas, masasabing higit itong pinagpala. Bakit kaya?
I. Mayaman ito sa mga likas na yaman
II. Magagaling ang ating mga yamang tao
III. Madami at makapal ang populasyon ng Pilipinas
IV. Maraming bilang ng mga kapuluan ang Pilipinas
Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Alin ang HINDI kabilang dito?
Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi nakakarating ng sariwa ang mga isda at iba pang produkto ng pangingisda?
Kadalasang ito ay nararanasan tuwing tag-init na nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupang mga tinatamnan ng mga magsasaka.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
Madalas kang utusan ng iyong ina na magwalis ng mga tuyong dahon. Ano ang maari mong gawin sa mga ito upang hindi makasagabal at makadagdag sa mga itatapon na basura?
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino MALIBAN sa isa.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di – materyal na kultura?
Isa sa kaugaliang Pilipino ay angpagtulong sa oras ng kagipitan at pangangailangan na walang kapalit o kilala sa tawag na bayanihan. Sa panahon ngayon, paano ito naipapakita ng mga Pilipino?