
2nd Quarter - Lecture 1
Quiz by NINO MENDOZA BANTA
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang mamimili sa isang takdang panahon, lugar at presyo.
Nagiging batayan sa pagbili ng isang produkto at serbisyo ang PRESYO nito.
Masasabi na nagkakaroon ng demand kung may kakayahan ang isang tao na bilhin ang isang produkto at serbisyo.
Ang kagustuhan na mabili ang produkto ay dapat kasabay ng kakayahang maibenta ito para tumubo upang matawag na may demand.
Nagmula ang ceteris paribus sa salitang spanish na nangangahulugang “ang iba pang bagay ay hindi nagbabago.”
Ayon sa batas ng demand, kapag mababa ang presyo ng isang produkto o serbisyo, ang dami ng demand ay mataas, subalit kapag mataas ang presyo ng naturang produkto o serbisyo, mababa ang demand nito.
Tumutukoy ang salitang demand sa mga suplayer, prodyuser at nagbebenta o nagtitinda.
Mas malaki ang kasiyahang natatamo ng mga mamimili kapag mataas ang presyo ng isang produkto at serbisyo dahil mas maraming produkto ang kanilang mabibili.
Ang mataas na presyo naman ay nagpapabawas sa kakayahan ng mga maimili na makabili ng marami dahil napupunta ang salapi bilang pambayad sa mataas na presyo ng produkto o serbisyo.
Sa batas ng demand, hindi magkasalungat o positibo ang ugnayan ang presyo ng isang produkto at ang dami ng demand para dito.