
3RD QUARTER MOD- 6 Pagbibigay ng Sariling Pamagat
Quiz by Madonna Magora
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.