
3rd Quarter Summative Exam in AP 9
Quiz by Angelica Mae Cuacoyes
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Tama o Mali: Ang maykroekonomiks ay naka-pokus lamang sa indibidwal na sambahayan at bahay-kalakal.
Tama o Mali: Si Adam Smith ang itinuturing Ama ng Makroekonomiks.
Tama o Mali: Nakaranas ang US ng Great Depression noong 1930s, at ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng makroekonomiks.
Tama o Mali: Ayon sa makroekonomiks, may malaking bahagi ang pamahalaan sa paglutas sa suliranin ng ekonomiya.
Sinusukat nito anglahat ng produksyon sa loob ng bansa.
Sinusukat nito ang produksyon ng lahat ng mga mamamayan ng isang bansa saang panig man ng mundo.
Tinutukoy nito ang GDP na tinuos gamit ang presyong nakapako sa isang batayang taon.
Tinutukoy nito ang GDP na tinuos gamit ang kasalukuyang presyo.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Sa araw ng mga puso, marami ang bumibili ng bulaklak kaya tumataas ang presyo.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Tumaas ang presyo ng harina kaya tumaas ang presyo ng tinapay sa bakery.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Tumaas ang pamasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Tumaas ang presyo ng karne dahil magpa-Pasko.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Isinabatas ang pagtaas ng minimum wage para sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.
Tama o mali: Kapag may implasyon, bumababa ang pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo sa paglipas ng panahon.
Tukuyin kung ang implasyon ay sanhi ng Demand-pull o Cost-push inflation:
Tumaas ang entrance fee sa lumang bahay kung saan gustong-gustong pumunta ng mga tao dahil naitampok ito sa balitang kakaiba sa telebisyon.
Ito ay anumang bagay na tatanggapin ng tao bilang kapalit ng produkto o serbisyo.
Ito ay sistema kung saan nagbabayad ang mga tao ng produkto o serbisyo kapalit ng nais na produkto o serbisyo rin.
Ito ay kilala rin bilang narrow o transactions money.
Ito ay uri ng patakarang pananalapi kung saan binabawasan ang pera sa sirkulasyon upang tumaas ang interest rate.
Ito ay uri ng patakarang pananalapi kung saan dinadagdagan ang pera sa sirkulasyon upang bumaba ang interest rate.
Bakit mahalaga ang pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa?
Ano ang kalagayan ng pambansang ekonomiko ng bansa kapag mataas ang nakuhang GNP ng bansa?
Kung ang iyong taunang sweldo ay tumaas ng 5% samantalang ang presyo ng mga bagay na iyong binibili ay tumaas ng 10%, ano ang magiging epekto nito sayo?
Tukuyin ang patakarang makroekonomiya na angkop sa sumusunod:
Pagtaas ng buwis
Tukuyin ang patakarang makroekonomiya na angkop sa sumusunod:
Pagpapautang sa mga namumuhunan