Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
1. “Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang masamang panaginip. Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang bunso niyang anak na si Don Juan at pagkatapos ay inihulog ito sa balon. Ayon sa isang medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang makapagpapagaling ng karamdaman ng hari.” Ayon sa binasa, ano ang motibo ng may-akda?
Ipakilala ang kahalagahan ng mga alternatibong panggagamot na hindi ginagamitan ng siyensya.
Ilarawan ang mga nangyayari sa pamilya ng mga may kapangyarihan.
llahad na hindi lahat ng kapangyarihan ay nasa kamay ng isang hari.
Ipakita na ang hari ay isa ring ama na bagama’t makapangyarihan ay pinahihina ng mga pangyayari sa pamilya.
30s - Q2
“Nagdaan ang ilang mga araw ay hindi pa rin nakababalik ang dalawang magkapatid. Subyang kay Don Juan ang paghihirap ng ama at pag-aalala naman sa kaniyang mga naparawal na kapatid. Agad siyang humingi ng pahintulot sa ama sa kabila ng pag-aalinlangan ng ama sa masamang palarin ng bunsong anak.”
Mula sa binasa, ano ang nais iparating ng may-akda?
hindi kayang magtiis ng anak kapag nahihirapan na ang magulang.
ang magkakapatid ay nagtutulungan upang mapagaling ang kanilang ama.
hindi kailanman hahayaan ng magulang na mapahamak ang kanilang anak
lamang ang pagmamahal ng anak kaysa sa magulang.
30s - Q3
Alin sa mga sumusunod ang kahulugan at katangian ng korido?
binubuo ng 12 pantig sa bawat taludtod
mabagal ang himig na tinatawag na andante
binubuo ng 8 pantig sa bawat taludtod
walang taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan
30s - Q4
4. Ito ang katangian ng korido batay sa paksa nito.
higit na makatotohanan ang nilalaman ng akda
tungkol sa kababalaghan at alamat
tungkol sa bayani at mandirigma
hango sa tunay na buhay
30s - Q5
5. Nakawiwiling pag-aralan at basahin ang akdang Ibong Adarna dahil ito ay _____
kapupulutan ito ng mga aral sa buhay.
may hari at reynang namamahala.
magagaling ang mga tauhang prinsipe
kapupulutan ito ng yaman.
30s - Q6
6. Isa sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna ay ______
Matutong manlamang sa kapatid at kapwa
Matibay na pananampalataya sa Panginoong Maykapal
Sumuko sa anumang hamon sa buhay
Maniwala at sang-ayunan ang sinasabi ng iba
30s - Q7
Ayusin ang mga sumusunod na impormasyon ukol sa Kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna ayon sa sistematikong pamamaraan ng pagsulat.
1. Ito ay nakarating sa ating bansa noong 1610 mula Mexico sa panahon na tayo ay sakop ng mga Kastila.
2. Ang Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido na may wawaluhing pantig.
3. Hindi man katutubo ang kuwentong ito, tinangkilik pa rin ito ng mga Pilipino
4. Sinikap ni Marcelo P. Garcia na malikom ang lahat ng impormasyon tungkol dito
5. Sa kasalukuyan, patuloy na ginagamit at pinag-aaral ang akda.
2-1-3-4-5
3-4-2-1-5
4-2-1-3-5
1-2-3-4-5
300s - Q8
Sa kaniyang masusing pag-aaral at pagkolekta ng mga sipi ng koridong Ibong Adarna ay naisaayos niya ang mga salita, sukat at tugma ng bawat saknong.
Carlos P. Garcia
Carlos Palanca
Marcelo P. Garcia
Marcelo H. Del Pilar
300s - Q9
Alin sa mga sumusunod ang makasusukat sa tibay ng loob at pananampalataya?
mahihirap na pagsubok sa buhay ,pagtitis at pagpapakasakit.
ang pagsunod sa utos at payo ng mga magulang.
ang pagiging matapat sa tungkulin
mabubuting pamumuno sa nasasakupan
300s - Q10
10. Alin sa mga sumusunod ang dapat na gawin ng isang pamilya upang maging matibay ang kanilang relasyon?
pagpapatawad, pagtutulungan at pagbibigayan.
pagsunod sa mga magulang.
papapayo, pagsunod sa utos at pagtulong sa kapwa.
pamamalakad sa nakatatandang kapatid.
300s - Q11
Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang matatagpuan sa unang yugto ng Ibong Adarna?
Pananamantala ng pinuno o lider sa kaniyang nasasakupan.
Ang pagiging bayolente o paggamit ng dahas sa kapwa.
Pagsasakripisyo ng anak para sa magulang.
Ang pagiging bayolente o paggamit ng dahas sa kapwa.
300s - Q12
Pinagkaisahan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego na bugbugin si Don Juan upang kunin ang Ibong Adarna at iuwi sa kanilang kaharian. Anong suliraning panlipunan ang nais ipahiwatig nito?
Malabis na pagpapahalaga sa kayaman o salapi.
Ang pagsasamantala ng pinuno o lider sa kaniyang nasasakupan.
Ang pagiging sunod-sunuran sa masamang impluwensya ng iba.
Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa.
300s - Q13
Nang mahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna, nakaisip ng masamang plano si Don Pedro na bugbugin si Don Juan upang kunin ang Adarna at papurihan ng kanilang amang hari. Anong suliranin ang kinakaharap ni Don Juan sa bahaging ito?
Hindi lahat ng iyong ginagawa ay nauunawaan ng iba
Kahit kapatid ay kaya kang pagtaksilan
Wala sa nabanggit.
Sa kainggitan ay kayang gumawa ng masamang bagay.
300s - Q14
Anong solusyon ang iyong maimumungkahi kay Don Pedro mula sa kaniyang naging aksyon upang makuha ang Ibong Adarna mula sa kapatid?
Tanggapin ang naging pagkukulang at umiwas.
Maging masaya sa tagumpay na nakamit ng iba.
Maging kuntento sa sarili at huwag kainggitan ang iba.
Magpakalayo-layo upang mag-isip.
300s - Q15
17. Mula sa isang bahagi ng telenobelang “Legal Wives” tungkol sa paniniwala ng mga Muslim: “Pumayag si Diane na makita ni Ismael ang isa pang asawa nito dahil ayaw niya itong mawala sa kaniyang piling at mapahamak. Matapos nilang mag-usap, siya ay umalis na umiiyak.” Anong damdamin ang namamayani rito?
Umiiyak dahil kahit ito ang tama, labag pa rin ito sa kaniyang kalooban.
Umiiyak sa sobrang tuwa dulot ng kaniyang desisyon.
Umiiyak sapagkat alam niyang hindi na mawawala sa piling ang asawa.
Umiiyak sapagkat alam niyang tama ang kaniyang naging pasiya
300s
