
e-Modyul sa Alamat: Tayahin!
Quiz by Tun An
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't ibang ______ ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap alamat.
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Ito ang tawag sa tradisyunal na ritwal at sayaw ng tribung Manobo bilang pasasalamat sa masagang ani.
Ano ang kahulugan ng salitang La Paz sa wikang Espanyol?
Ano ang isyung panlipunan na makikita sa Alamat ng La Paz?
Hindi binigyan ang babaeng kapatid ng parte ng lupain sapagkat naniniwala ang panganay na anak ng datu na _________.
Pangunahing pinagkukunan ng mga Manobo ng pamumuhay ang pagtatanim ng palay, mais at gulay kung kaya’t kanilang pinahahalagahan ang pagkakaroon ng malawak na _______.