Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Tanghali na, hindi pa dumarating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong makatulong. Ano ang dapat mong gawin?

    Hihintayin na lang si nanay baka magkamali sa pagsasaing.
    Magkukusa na akong magsaing upang makakain kami pagdating ni nanay.
    Bibili na lamang ng lutong kanin para makakain na rin si nanay
    Hindi na lamang  magsasaing, baka ako magkamali.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q2

    Madalas kang payuhan ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mgapagkakataon na gusto mong magdesisyon para sa sarili. Susundin mo ba ang iyong mga magulang sa pagpili ng kaibigan?

    Hindi, ako naman ang makikisama sa kanila.
    Oo. Gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan.
    Hindi, gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
    Oo, naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q3

    Malayo ang pinapasukan mong paaralan sa iyong bahay. Kailangan lakarin ito dahil walang dumadaang sasakyan. Kapag umuulan, sinasabihan ka ng iyong magulang na lumiban na lang. Ano ang gagawin mo?

    Papasok pa rin  sa klase kahit na malayo ito sa aming lugar.
    Titigil na lang ng pag-aaral
    Maghahanap ng kamag-anak na pwedeng matutuluyan na malapit sa paaralan.
    Magpapatuloy sa pag-aaral kahit na mahirap, alam kong makakatapos din ako.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q4

    Si Andrei ay isang batang masipag mag-aral. Isang araw, nabalitaan niya na nagkakalat ng maling balita ang  kaniyang kaibigan.  Ipinagkakalat daw nito na kayamatataas ang kaniyang marka ay dahil nangongopya lamang sa kaniyang matalinongkatabi. Kung ikaw si Andrei, ano ang iyong gagawin?

    Kausapin ang kaibigan
    Huwag pansinin ang balita.
    Isumbong agad sa magulang ang kaibigan
    Kalmahin ang sarili bago kausapin ang kaibigan.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q5

    Dahil sa pandemya, isa ang tatay mo sa nawalan ng trabaho. Hirap ang magulang mo na matugunan ang pangangailangan ninyong magkakapatid. Ano ang iyong gagawin?

    Titigil sa pag-aaral.
    Wala akong gagawin na aksyon.
    Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan.
    Tutulungan ang magulang sa naisip na negosyo.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q6

    Nakita mo na may inaabot sa kaibigan mo ang isang mag-aaral sa ibang seksyon. Alam mo siya’y naninigarilyo. Alam mo rin na may patakaran ang paaralan na ang mahuling maninigarilyo ay may kaparusahan. Nang araw ding iyon ay may nakapagsabi sa guro ninyo tungkol dito. Kaya’t nagkaroon ng kapkapan. Ano ang nararapat mong gawin?

    Magmamaang-maangan sa nakita.
    Gayahin ang kaibigan na manigarilyo.
    Sabihin sa kaklase ang nasaksihan
    Ipaalam sa  guro ang nasaksihan upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q7

    Kaarawan ni Julia ngunit nagkataon namang namatayang kapitbahay nila at dahil dito ay hindi na lang itinuloy ang plano nilang handaan dahil sa pangyayari. Ano ang masasabi mo sa ginawang desisyon ng pamilya ni Julia?

    Mabuti, dahil pwede namang ituloy sa ibang araw.
    Mabuti, dahil dapat silang makiramay
    Mali, dahil nakaplano na ang lahat.
    Mali, dahil hindi naman sila ang namatayan.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q8

    Ano ang dapat isinasaisip kapag naatasan ka ng isang mahirap na gawain,

    Huwag itong gawin
    Ipagawa na lang ito sa iba.
    Gawin ito nang maayos at bukal sa kalooban.
    Tapusin ito sa pamamagitan ng isang mabilis na paraan.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q9

    Pagkatapos ng pangkatang gawain at presentasyon ng bawat pangkat, binigyan kayo ng inyong guro ng pagkakataon na magbigay ng puna ukol sa presentasyon. Marami ang nagbigay ng hindi magandang puna sa inyong pangkat. Ano ang dapat ninyong gawin?

    Kung ano ang sinasabi ng ibang pangkat sa amin, ganon din ang sasabihin naming sa kanila.
    Iiwasan ko ang pagbibigay ng hindi magandang puna, dahil masakit pala ito sa damdamin.
    Tatanggapin naming ang kanilang puna sa aming grupo.
    Pasasalamatan ang pangkat na nagbigay  ng kanilang puna at pag-uusapan sa pangkat kung paano mapapaunlad ang mga sususnod na presentasyon.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q10

    Niyayaka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa mall at napagkasunduang dadaanan ka nila. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangang mo palang mag-aral para sa mahabang  pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo ?

    Hindi na lang magpapakita sa kanila.
    Magdadahilan na lamang na masama ang pakiramdam
    Haharapin nang maayos ang mga kaibigan at sasabihing kailangang mong mag-aral
    Agad na sasama sa kanila dahil kailangang mong tuparin ang inyong napagkasunduan
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q11

    Sa programa at kanta ng “Munting Basura, Ibulsa muna”, ano ang layunin ng ating mayor na gustong ipaalala sa atin bilang mamayan ng Marikina?

    Mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lungsod at ipaalala sa mgakabataan ang kahalagahan ng maayos na kapaligiran.
    Paglilinis ng kapaligiran sa inyong bakuran.
    Maging maayos at disiplinado sa araw-araw.
    Maging maingat tayo sa lahat ng oras.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q12

    Mahuhuli ka na sa klase ngunit may nakasabay ka sa pagtawid sa kalye na isang matanda nahirap nang maglakad. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?

    Uutusan ang matanda na maglakad ng mabilis.
    Papayuhan ang matanda na huwag na lang tumawid
    Aakayin siya hanggang makatawid kahit na mahuli ka pa sa klase.
    Tutulungan siya hanggang makatawid, at lalakad na lamng ng matulin upang hindi mahuli sa klase.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q13

    May sakit ang iyong ina at nagkataon pa na walang pera ang iyong ama. May naipon ka na pambili sana ng gusto mong laruan. Ano ang tamang desisyon mo sa ganitong sitwasyon?

    Ipagwalang bahala ang suliranin ng pamilya.
    Ialok ang naipong pera upang magamit ito pagpapagamot ng kanyang ina.
    Huminging pinansyal na tulong sa kapitan ng barangay.
    Sasabihan ang tatay niya na humingi ng tulong sa mga kamag-anak at kakilala.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q14

    Isang hapon ay nakita mong napakarumi ng paligid ng inyong bahay. Ngunit marami kapang mga modyul na sasagutan. Ano ang nararapat mong gawin?

    Uutusan ang mga kapatid na maglinis.
    Maglilinis na lang ako kapag natapos na ako sa pagsagot nang modyul.
    Pababayaan na lang na marumi ang paligid.
    Lilinisin ko muna ang paligid at sisismulan ko na ang pagsagot sa modyul.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37
  • Q15

    Bakit kinakailangan na maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasya?                  

    Upang maging sikat
    Upang hangaan ng iba.
    Upang maging magaling na mananaliksik.
    Upang makapagbigay ng angkop na pasya.
    30s
    EsP6PKP- Ia-i– 37

Teachers give this quiz to your class