placeholder image to represent content

FILIPINO 2ND QUARTER SUMMATIVE TEST

Quiz by Juliet Aclan

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1

    Nag-aaral ng aralin si Ana araw-araw bago makipaglaro sa kaniyang nakababatang kapatid.  Kinabukasan, nagbigay ng pagsusulit ang kanyang guro.  Alin ang angkop na wakas ng kuwento?

    Matataas ang mga markang nakuha ni Ana.

    Pinagalitan si Ana ng kanyang mga magulang.

    Umiyak ng umiyak si Ana dahil natalo siya sa laro.

    Bumagsak si Ana sa pagsusulit.

    60s
  • Q2

    Umulan nang malakas kagabi, kinabukasan paggising ni Berto, binuksan niya agad ang kanilang telebisyon upang manood ng balita.  Habang nagbibihis siya, sinabi sa balita na Signal No. 3 na ang Metro Manila.  Alin ang angkop na wakas ng pangyayari?

    Nagsuot na siya ng sapatos.

    Nagpalit uli siya ng pang-alis upang mamasyal sa parke.

    Nagpalit uli siya ng damit-pambahay at tumulong sa mga gawaing bahay kay nanay dahil walang pasok.

    Papasok na siya.

    60s
  • Q3

    Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin.  Alin dito ang iyong naobserbahan na pangyayari ngayong panahon ng pandemya?

    Nawalan ng trabaho ang lahat na manggagawa.

    Nakasuot ng “face mask at face shield” ang bawat mamamayan sa tuwing  sila ay lalabas  ng kanilang tahanan.

    Walang sumasakay na tao sa mga sasakyan.

    Walang paninda sa lahat ng pamilihan.

    60s
  • Q4

    Noong wala pang pandemya, tuwing araw ng Lunes, napakaraming mag-aaral ang nagtitipon sa gym para sa “Flag Raising Ceremony”.  Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang iyong naobserbahan?

    Masayang nagtatakbuhan ang mga bata.

    Buong paggalang ang pag-awit ng mga bata sa Pambansang Awit at sabay-sabay rin sila sa pagbigkas ng Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.

    Nagpalakpakan ang mga bata habang itinataas ang watawat ng Pilipinas.

    Magulo ang mga mag-aaral sa pila at hindi nila iginagalang ang pagtaas ng watawat.

    60s
  • Q5

    Nais pitasin ng bata ang mga mangga ngunit hindi niya maakyat ang puno.  Ano ang kasing-kahulugan ng salitang “pitasin” sa pangungusap?

    batuhin

    putulin

    kainin

    kunin

    60s
  • Q6

    Sumibol na ang mga binhing itinanim ni Marco sa kanilang bakuran.  Ano ang kasing-kahulugan ng salitang “sumibol” sa pangungusap?

    nalanta

    namatay

    tumubo

    dumami

    60s
  • Q7

    Napansin ni Marta na mahaba ang pila sa bayaran kaya’t nagmadali siya sa pamimili upang makapila na agad.  Alin sa mga salita ang kasalungat ng may salungguhit na salita sa pangungusap?

    malawak

    maliit

    mataas

    maikli

    60s
  • Q8

    Malayo sa tirahan ni Berna ang kanyang paaralan ngunit ito’y malapit naman sa bahay ng kanyang Lola.  Anong pares ng salitang magkasalungat ang ginamit sa pangungusap?

    paaralan – tirahan

    malayo - malapit

    Berna - Lola

    ngunit - naman

    60s
  • Q9

    Mahalin mo ang iyong mga magulang, iyan ang madalas na pangaral ng mga matatanda sa mga kabataan ngayon.  Ano ang salitang-ugat sa salitang   “mahalin” na ginamit sa pangungusap?

    halin

    maha

    mahal

    alin

    60s
  • Q10

    Gusto mong dumaan sa pinto ngunit nag-uusap ang iyong nanay at tatay.  Ano ang magalang na salita na iyong sasabihin?

    Padaan nga.

    Makikiraan po.

    Pwede ba na doon na lamang kayo mag-usap sa tabi?

    Umalis kayo at dadaan ako.

    60s
  • Q11

    Tapos na ang klase ng kuya mo, nais mong hiramin ang kanyang laptop.  Ano ang magalang na sasabihin mo sa kanya?

    Kuya, kukunin ko ang laptop mo.

    Kuya, pahiram ng laptop mo.

    Kuya, ginagamit ko na ang laptop mo.

    Kuya, maari ko po bang mahiram ang laptop mo?

    60s
  • Q12

    Malawak ang taniman ni Mang Tasyo sa paligid ng kanyang  kubo.  Alin sa mga sumusunod na salita ang katugma ng salitang “taniman”?

    paligid

    mais

    halaman

    malay

    60s
  • Q13

    Si Aling Belen ay namili sa supermarket kaninang umaga.  Ano ang katugmang salita ng supermarket?

    babae

    malaking pamilihan

    nanay

    basket

    60s
  • Q14

    Si Ken ay nag-iimpok upang mabili ang mga pangangailangan niya sa paaralan. Ano ang kasing-kahulugan ng salitang nag-impok?

    gumagastos

    nag-iipon

    gumagawa

    natutulog

    60s
  • Q15

    Nag-aaral ako nang mabuti upang makamit ko ang aking mga pangarap. Ano ang kasing-kahulugan ng salitang makamit?

    mabigay

    makita

    mabili

    maabot

    60s

Teachers give this quiz to your class