
G9_Q4 PRE TEST
Quiz by Mairah Zapanta
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pinakaangkop na konsepto at kahulugan ng pag-unlad?
Bawat mamamayan ay may gampanin sa pagtamo ng pambansang Kaunlaran. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang HINDI kabilang?
Bukod sa dayuhang mamumuhunan, may iba pangsalik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Alin samga sumusunod ang HINDI kabilang?
Ano ang masamang dulot sa ekonomiya kung patuloy ang pagdami ng mga taong may CoVid-19 sa bansa?
Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pambansang kaunlaran?
Aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan ay mahalaga upang maisulong ang mga layunin at pangangailangan ng mga Pilipino at ito ay mga gawain ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. Anong gampanin ito?
Mula sa Balita…” Simula sa darating na Lunes, Marso 15, 2021, ipatutupad na ang unified curfew hours sa Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga”. Ano ang nilalaman ng balita?
Mula sa Balita…” tuloy-tuloy ang pagpapaigting ng disiplina sa mga residente kasabay ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19. “We must remind the discipline sa mga tao. Naka one-year na tayo at parang nagkaroon na ng fatigue ang mga tao sa ating ini-implement. Sa curfew na binigay sa NCR, ang ibig sabihin nito seryoso ang pamahalaan para sa proper implementation ng minimum health protocols,” dagdag pa ng MMC chairperson. Anong gampanin ng sama-samang pagkilos ang inilalarawan ng balita?
Dapat nating tangkilikin ang produktong Pilipino upang umunlad ang ating bansa. Anong gampanin ng isang mamamayang Pilipino ang isinasaad sa pahayag?
Tamang pagpili sa mga kandidato na may malalim na malasakit sa bansa sa isyung pangkaunlaran. Anong gampanin ang ipinapakita ng isang mamamayang Pilipino?
Ang Sektor ng ___________ ay agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Ang ____________ ay karaniwang produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura
Ang mga sumusunod ay nabibilang sa sektor ng agrikultura MALIBAN sa__________.
Mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagpapaunlad at pangangalaga sa sektor ng agrikultura dahil sa mga sumusunod na kadahilanan MALIBAN sa ______________.
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng sektor ng agrikultura?
Anong sektor ng ekonomiya ang nangangasiwa sa paghahalaman at pag-aalaga ng hayop, isda at iba pa?
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura Maliban sa isa _______________.
Bilang mag-aaral, ano ang pinakamabisang paraan kung paano ka makatutulong sa mga programa ng pamahalaan ukol sa sektor ng agrikultura?
Kung ikaw ay isang opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa agrikultura, ano ang iyong gagawin upang lutasin ang suliranin at maiayos ang Sektor ng Agrikultura ng bansa?
Ang mga sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa ______________.
Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
Ahensya ng pamahalaan na nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pandemya.
Programa na nagbibigay ng pansamantalang pagkakakitaan sa mga manggagawang kabilang sa impormal na sektor.
Ang mga metal at di-metal na mineral ay dumadaan sa proseso upang maging tapos na produkto. Tukuyin kung anong sub-sektor ng industriya ang binanggit.
Ang kompanya ng kuryente, gas at tubig ay mga serbisyong kinakailangan para maisagawa ng ibang sektor ang kanilang Gawain. Anong sub-sektor ng industriya ang may kaugnayan dito?
Pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makalikha ng bagong produkto na kadalasang ginagamitan ng makinarya.
Sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga konsyumer at prodyuser.
Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa pagpapatakbo ng Negosyo.
Sumusukat sa kabuuang kita ng pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto sa loob ng isang bansa.
Institusyong teknikal at bokasyonal na layuning sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa.
Si Mr. David Jones ay isang British National na nais mamuhunan sa Pilipinas. Aling ahensiya ng pamahalaan ang kanyang lalapitan upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga negosyante sa bansa?
Ang mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko gaya ng WTO, APEC at ASEAN ay may magkakahalintulad na layunin. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakahangad ng bawat kasapi nito?
Bakit mahalaga ang paggamit ng Balance of Payment sa kalakalang Panlabas ng Pilipinas?
Ano ang pangunahing layunin ng liberalisasyon sa sektor ng Pagbabangko?
Alin sa mga sumusunod na epekto ng kalakalang panlabas ang masasabing pinakamaganda para sa kita ng bansa?
Alin sa mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng produkto o serbisyo ng isang bansa sa pagkakaroon ng espesyalisasyon batay sa ekonomista na si David Ricardo.
Ang mga sumusunod ay hakbangin ng pamahalaan alisunod sa Outward oriented strategy maliban sa isa: ____