Loading...
Give this quiz to my class
Iba’t Ibang Anyong Tubig sa Pilipinas - Starter Quiz (English (US))
Panimula Natuklasan mo na ba kung paanong ginawa o nilikha ng Diyos ang daigdig? Ayon sa Genesis 1:1 “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at lupa.” Napakapalad natin dahil isa rin tayo sa nilikha Niya. Nakasama pa tayo sa isang paraiso na ngayo’y ating ginagalawan. Sa modyul na ito malalaman mo kung anong mga bagay pa ang nilikha ng Diyos na may kinalaman sa ating tinitirhan, ang mundo o daigdig? Mga dapat tandaan at layunin Handa ka na bang tuklasin ang ating daigdig? Kung handa ka na ihanda mo na ang iyong mapa o globo kung mayroon man. Ang Layunin mo sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: • Nailalarawan ang daigdig bilang planeta ng solar system • Nailalarawan ang daigdig sa mga tao • Natatalakay at napapahalagahan : a. Bahaging Lupa b. Bahaging Tubig c. Bahaging Hangin • Natatalakay ang katangian ng globo bilang modelo ng mundo at ang mapa bilang patag na representasyon ng mundo • Naipapakita ang pakikiisa sa pag-aalaga at pagliligtas sa daigdig Pangunahing Pagsusulit Panuto: Isulat kung tama o mali. _________1. Ang daigdig ay planeta ng mga tao. _________2. Ang mapa ang sinasabing modelo ng mundo. _________3. Binubuo ng tatlong panlabas na bahagi ang ating daigdig. _________4. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw ang ating mundo. _________5. Ang ating daigdig ay binubuo ng 75% na bahaging tubig at 25% na bahaging lupa. Nilalaman Noong unang panahon may iba’t ibang paniniwala ang mga tao sa daigdig. Inakala ng mga unang tao na ang mundo ay isang malawak na kapatagan at ang dulo ay walang hanggan. Sinasabi na ang daigdig ay isang hugis pabilog na batong lumulutang sa kalawakan. Bahagi ito ng tinatawag na solar system – isang kaayusan ng mga bagay na planetaryo sa kalawakan na ang nakapangunguna ay ang araw. Ang daigdig ay isang planeta na may tunay na hugis na oblate spheroid. Pangatlo sa pinakamalapit sa araw, na may layong 148,800,000 kilometro. Ang globo ang modelo ng mundo o daigdig samantalang ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo. Isang kartograper ang gumawa ng mapa. Makikita rito ang lawak ng isang lugar, direksyon mula sa iba’t ibang lugar, hugis ng lugar sa mundo at ang iskala mula sa lahat ng punto ng mapa. Ano ba ang iskala? Ito’y tawag sa paraan ng pagpapakita ng tunay na sukat ng mga lugar sa mapa na tinutumbasan ng mas maliit na sukat. ( Larawan ng Globo) Malinaw na makikita sa globo ang mga anyong tubig at anyong lupa, gayundin ang mga bahaging mabundok at bahaging patag. Binubuo ang mundo ng 75% na katubigan at 25% na kalupaan. Ang ating daigdig ay binubuo ng tatlong panlabas na bahagi: ang bahaging lupa, ang bahaging tubig at bahaging atmospera o hangin. Ang Bahaging Lupa ( Larawan) Ang bahaging lupa ay ang solidong bahagi na binubuo ng bato at lupa. Binubuo ito ng halos isang – kapat (1/4) o dalawampu’t limang porsyento ng mundo ay binubuo ng kalupaan. Ang malawak na lupa o malalaking tipak ng lupa ay tinatawag na kontinente o lupalop. Mayroon pitong kontinente ang ating mundo. Ang asya ang pinakamalaki na sinusundan ng Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europa, Antarctica at Australya. Mapapansin mo na maraming mga bansa ang nakapaloob sa bawat kontinente at karamihan sa mga ito ay magkakadikit. Pansinin mo ang kontinenteng Timog at Hilagang Amerika at ang mga kontinenteng Europa, Aprika, at Asya. Itanong mo sa iyong pasiliteytor kung saan ang sakop nito o hangganan ng bawat isa. Ang Bahaging Tubig ( Larawan ng tubig) Nakikita mo ba ang mga bahagi ng tubig sa globo o mapa? Mapapansin mo ang kulay asul sa mapa at globo na nagpapakita na ang mga ito ay binubuo ng bahagi ng tubig. Tinatayang tatlong kapat (3/4) o pitumpu’t limang porsiyento ng panlabas na bahagi ng mundo ay katubigan. Ang ating daigdig ay binubuo ng malalaking bahagi ng katubigan nan tinatawag na karagatan. Mayroon apat na karagatan ang daigdig. Ito ay ang karagatang Pasipiko, ang pinakamalaking karagatan, sinusundan ng Atlantiko, Indian at Artiko. Maari mo rin tingnan sa globo o mapa ang mga karagatang nabanggit at kung saan bansa at kontinente ito malapit. Ang Bahaging Atmospera o Hangin ( Larawan ) Naranasan mo na bang magpalipad ng saranggola? Ano ba ang dahilan kung bakit ito tumataas? Marahil alam mo na ang dahilan? TAMA! Ito’y dahil sa hangin na nagpapalipad at nagpapataas sa saranggola para ito’y tumayog. Ang bahaging bumabalot sa mundo ay ang atmospera. Samantala ang nakakapasong init ng araw o ultra violet rays ay pinipigilan ng mga makakapal na gas o ulap sa atmospera ng mundo ay tinatawag na ozone layer. Sinasala nito ang nakapipinsalang matinding sikat ng araw na pumapasok sa daigdig. Unti- unti na rin itong nabubutas dahil sa mga kemikal na CFC’s ( Chloroflouro Carbons), sprays, usok na galing sa pabrika at sasakyan. Ngayong alam na natin ang kahalagahan ng hangin sa ating kapaligiran pumunta naman tayo sa . . . ( Larawan ng sapin ng hangin) ANG ANIM NA SAPIN NG HANGIN: A. TROPOSPERA Dito nabubuo ang lagay ng panahon sa mundo. Kung ikaw ay nagpapalipad ng saranggola, sa tropospera ito lumilipad at ang hangin na iyong hinihinga ay nasa tropospera. B. ISTRATOSPERA Dito sa sapin na ito matatagpuan ang ozone layer. At karamihan sa mga eroplano ay dito nagpapalipad dahil hindi gaanong mapanganib dito. C. MESOSPERA Dito sa sapin na ito mayroon pinakamalakas na hangin. At karamihan sa mga batong bumabagsak sa kalawakan ay madali agad nag- aapoy at nasusunog kapag ito’y dumaan na sa hanging mesospera. D. TERMOSPERA Ang sapin ng hangin na sobrang lapit sa ultraviolet rays ng araw, sobrang init at umaabot ang init sa kabuuang 600 C. E. EKSOSPERA Ang pinakamalayong sapin sa ating himpapawid. Ito ang sapin na kung saan ay mahirap ng maabot. F. IONOSPERA Kung paano nagkakaroon ng signal ang iyong cellphone at malinaw ang naririnig ninyo sa radyo at sa telebisyon, Ionospera ang dahilan.
Maikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3 Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig
Maikling Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4 Nailalarawan ang bansa ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito: Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa, Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa, Naiisa-isa ang mga magagandang tanawin at lugar pasyalan bilang yamang likas ng bansa, Naihahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon ng bansa gamit ang mapang topograprapiya & Naihahambing ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa populasyon gamit ang mapa ng populasyon
Mga Popular na Babasahin Ang pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura. Isa sa mga katibayan nito ay ang mga nagkalat na tabloid sa mga bangketa araw-araw. Bagama’t ang ilang mahahalagang balita ay makikita na sa telebisyon at maririnig na sa radio ay malakas pa rin ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman naiuulat lahat ang mga balita sa TV at radio. Bukod dito, hangga’t naitatabi ang sipi ng pahayagan ay may epekto pa rin sa mga mambabasa ang mga nilalaman nito. Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ito ay nabibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay magbigay aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino. Ang magasin ay isang ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Hindi mawawala ang Liwayway kung ang pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling kuwento. Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kinikilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana Lope K. Santos at Eros Atalia. Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip. Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli
Iba't Ibang Anyo ng Pamilihan
III. Ikatlong Markahan: Nagtataguyod at Nagmamalasakit sa Bayan Ang huling bahagi para sa outline na ito ay tumatalakay sa iba't ibang uri ng pangungusap at muling pagbabalik sa mga bahagi ng pananalita sa mas malawak na konteksto. • Aralin 13 at 14: Uri at Anyo ng Pangungusap o Pag-uuri ng Payak na Pangungusap ayon sa Gamit (Pasalaysay, Patanong, Pautos, Padamdam). • Aralin 15: Magalang na Pananalita o Wastong Intonasyon, Diin, at Hinto sa pagpapahayag ng Pasasalamat at Paghingi ng Paumanhin. • Aralin 16: Paglalarawan o Pagpapalawak ng kaalaman sa Pang-uri o salitang naglalarawan. • Aralin 17: Pantukoy sa Pamayanan o Muling paggamit ng Pantukoy sa pagbuo ng mga patalastas at impormasyon. • Aralin 18: Pang-ugnay o Pangatnig o Paggamit ng Pang-ugnay o Pangatnig upang pagdugtungin ang mga ideya sa babala at pangako.
Sumulat ng quiz gamit ang mga sumusunod na tanong: 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis