
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa EPP 5
Quiz by Marychelle
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, kawayan at iba pang mga lokal na materyales sa pamayanan?
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang ginagamit sa paggawa ng upuan, lamesa at bintana na gawa sa kahoy?
Ang pagpapanday ay isang napakalaking halaga sa paggawa ng mga kasangkapang may talim, pamukpok sa mga matitigas na bakal at iba. Anong uri ng materyales ang ginagamit niya sa kanyang paggawa nito?
Si Mang Jose ay isang magaling na karpintero. Karaniwan niyang ginagawa ay mga bahay-kubo. Anong karaniwang materyales ang ginagamit sa paggawa ng bahay kubo?
Ang pagkatuto sa iba’t ibang kaalaman lalo na sa gawaing metal o bakal ay napakahalaga sa panahong ito sapagkat makatutulong ito sa kinabukasan ng bawat kabataan. Anong trabaho ang pwedeng pasukin ng may angking kakayahan sa gawaing ito?
Sa mga pook na sagana sa kawayan at kahoy, alin ang mainam na hanapbuhay?
Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paggawa ang ginagamit sa pagsusukat ng maikling distansya, tumitiyak sa lapad, kapal at kung nais tandaan kung iskwalado ang kasanayan sa gawaing-kahoy, metal, kawayan at iba pa?
Alin sa mga sumusunod na kasangkapan sa paggawa ang ginagamit na pamutol sa kasanayan sa gawaing-kahoy, metal, kawayan at iba pa?
Bakit kailangang maglaan ng isang lalagyan o lugar para sa mga kasangkapang ginagamit sa paggawa?
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng maling kaisipan ukol sa mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang gawain?
Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutunan ang tamang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng proyekto?
Ang paggwa ng proyektong tulad ng bangkito, upuan at cabinet ay nabibilang sa anong gawain?
Nakagagawa ng mga proyekto na makikita sa mga patapong bagay mula sa kahoy, metal, kawayan at iba pang materyales na makikita sa komunidad. Anong kabutihan ang makikita mula rito?
Masasabing de-kalidad ang isang proyekto na nagawa kung ito ay nagtataglay ng mga sumusunod maliban sa isa.
Ano ang ibig sabihin kapag ang tinutukoy ay ito; mula sa mga lokal na kagamitan o materyales?
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na lokal na materyales?
Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawa sa kahoy?
Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawa sa metal?
Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawa sa kawayan?
Sa pagsusuri sa inyong proyekto, maraming naging puna na hindi maganda. Ano ang dapat mong maging damdamin?
Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng angking kasanayan sa gawaing elektrisidad maliban sa isa.
Kapag gumagawa ng kagamitang de-kuryente, ano ang dapat na isaalang alang?
Nais ni Jaime na malaman kung may dumadaloy na kuryente sa ginawa nilang proyekto sa gawaing pang-elektrisidad. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang dapat niyang gamitin?
Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad nararapat na isaalang-alang ang mga sumusunod maliban sa isa. Alin ito?
Magaling sa pagkukumpuni ng mga sirang appliances na de-kuryente si Mang Raul. Anong kasanayan ang ipinapakita niya?
Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang karaniwang ginagamit ni Mang Raul sa kanyang trabaho?
Natapos ni Mang Raul ang kanyang mga ginagawang sirang appliances. Ano ang kanyang gagawin sa mga kasangkapang kanyang ginamit?
Alin sa mga sumusunod na kasuotan ang dapat gamitin kapag gumagawa sa gawaing elektrisidad?
Magpapalit ka ng pundidong ilaw sa inyong tahanan. Ano ang dapat mong tandan maliban sa isa?
Alin sa mga sumusunod na kaalaman at pangangalaga sa mga kasangkapang pang-elektrisidad ang di- mahalaga?
Sa inyong klase ay pinag-iisip kayo ng inyong guro ng isang kapaki pakinabang na proyekto sa gawaing pang-elektrisidad. Aling materyales ang angkop mong gamitin?
Ang mga mag-aaral sa 5-Makatotohanan ay gumawa ng proyekto na “Extension Cord”. Paano nila mapapakinabangan ang proyektong ito?
Upang makabuo ng proyekto, kailangan ang mga kasangkapang ipamumutol sa mga materyales. Anong mga materyales ang ating gagamitin sa pagputol ng kawad o kuryente?
Ano ang nagiging sanhi ng pagsunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan gawi sa paggawa ng proyekto sa gawaing elektrisidad?
Ang proyektong ito sa gawaing pang-elektrisidad ang isa sa malaking tulong sa ating tahanan lalo na kung malayo ang“outlet” o saksakan sa isang kagamitang de kuryente. Ano ito?
Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng “Extension Cord”?
Bibigyan na ng pagpapahalaga ang nagawang proyekto sa gawaing pang elektrisidad. Alin sa mga sumusunod ang dapat bigyan ng pinakamataas na marka?
Ang mga kasangkapan at kagamitan ay kailangan pangalagaan upang mapakinabangan ng matagal. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
Ito ay mahalagang kasangkapan sa pagbibigay ng marka sa proyektong nagawa gayundin sa kakayahang ipinakita ng mga gumawa ng proyekto? Ano ito?
Ano kahalagahan ng pagsusuri sa natapos o nagawang proyekto?
Sa paggawa ng plano ng proyekto, alin ang dapat munang isaalang-alang o bigyan ng pansin.
Ang mahusay na pagpaplano ay may malaking tulong sa paggawa ng proye
Si Mang Jose ay may mga tanim na puno ng kawayan at niyog. Ano ang proyekto na maaaring niyang gawin upang magkaroon ng dagdag na mapagkakakitaan?
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng paggawa ng plano ng proyekto maliban sa isa.
Sa paggawa ng survey sa gustong gawing proyekto na maaaring pagkakitaan, sino sa mga sumusunod ang mas mainam na dapat pag tanungan?
Anu-ano ang pamamaraan sa pagsasagawa ng survey kung nais na magtagumpay sa proyektong maaaring mapagkakakitaan?
Anu-ano ang itinuturing na pinakahuling ayos na magagawa sa proyekto?
Sa pwesto ng pinagtitindahan ng mag-anak ni Aling Nena ay magkatulad lamang ang panindang binebenta. Paano magagawa ng mag-anak na sa kanila bumili ang mga mamimili?
Sa pagpaplano ng gawain o proyekto mabuting isaalang-alang ang mga sumusunod na batayan maliban sa isa. Alin ito?
Ang pagpaplano nang mabuti ay kinakailangan sa pag-uumpisa ng isang proyekto o gawain. Anong kabutihan ang ipinakikita nito?