
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 6
Quiz by JOSHUA SAPAD
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Mula sa salat na pamilya, siya ay nagpursigi at naging Champion Weighlifter na nagwagi ng kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa 2018 Asian Games at silver medal noong 2016 Olympics.
Dating tagakolekta ng basura at nagbebenta sa junk shop. Siya ay nadiskubre ni German “Kuya Germs” Moreno at nagbago ang kaniyang kapalaran. Naging artista siya at ngayo’y pulitiko na.
Isang Pilipinong bilyonaryo. Siya ang nagtayo at may-ari ng sikat na fast food chain na Jollibee. Nagsimula siya sa pagnenegosyo ng ice cream hanggang sa dinagdagan ng fries, burger, at iba pa.
Dating naglilinis ng isda at ngayo’y isa na siyang sikat na artista at may-ari ng isang matagumpay na negosyo sa bansa.
Dahil sa determinasyon, siya ang kauna-unahang Pilipinang mang-aawit na nakilala sa buong mundo at nag-uwi ng maraming parangal sa bansa.
Pinahusay ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kaniyang kakayahan sa pagboboksing upang matulungan ang kaniyang pamilya at maipagmalaki ang Pilipinas.
Bago kinoronahan si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, tatlong beses siyang sumali sa Bb. Pilipinas at nakaranas ng pagkatalo.
Si Fernando Poe Jr. ay kinilala bilang “Da King” at tinaguriang “Hari ng Takilya” dahil sa kaniyang malaking kontribusyon na mahigit 200 pelikula sa bansa.
Si Ninoy Aquino ay matapang na nanindigan sa kaniyang prinsipyo na ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaang diktatoryal.
Ilang taong nagsanay si Carlos Yulo bago niya naiuwi ang kaunaunahang gintong medalya ng Pilipinas sa Gymanstics World Championships.
Siya ang nagtayo at may-ari ng pinakamalaking tindahan ng libro sa bansa, ang National Bookstore. Nagsimula lamang sa pagtitinda ng suka, saging, bakya, at iba pa. Kasama ng kaniyang asawa, naitatag ang National Bookstore na minsan nang winasak ng bagyo. Ngunit dahil sa pagpapatuloy at hindi pagsuko, mayroon nang mahigit 230 branches ito.
Bata pa lamang ay nagpakita na siya ng interes sa mga beauty pageant. Tulad ni Ms. Pia Wurtzbach ay nakaranas din siya ng mga pagkabigo ngunit hindi niya binitawan ang kaniyang pangarap. Nagpursigi siya hanggang sa koronahan bilang Miss Universe 2018. Patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga mahihirap at nagsisilbing inspirasyon sa marami.
Isang propesyonal na basketball player ng bansa. Tila isang kahig, isang tuka ang buhay niya noon. Naging pedicab driverdin siya upang makatulong sa pamilya. Sipag ang naging puhunan niya upang makamit ang tagumpay na ito. Ngayon, tumutulong na din siya sa mga kabataan at nagbibigay ng sapatos sa mga manlalaro na kapos tulad niya noon.
Siya ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren ngunit ngayon ay isa ng matagumpay at sikat na aktres.
Nagsimula ng “Kariton Klasrum” kung saan tinuturuan nila ang mga batang mahihirap sa daan. Dahil dito ay tinanghal siyang 2009 CNN Hero of the Year.
Pinapalitan ng mga taga-Diwa ang mga punong kahoy sa kagubatan na ginagamit nila sa paggawa ng mga kasangkapan.
Pinapayagan ng Barangay Diwa ang pagkakaingin sa kanilang kabundukang nasasakupan.
Mahigpit na pinagbabawalan ang mga mangingisda sa paggamit ng dinamita.
Dahil sa kakulangan sa suplay ng tubig ay ginagamit pandilig sa halaman ni Ela Unice ang pinag-unaban ng bigas.
Sa tuwing pupunta ng palengke si Belle ay may dala-dala siyang bayong upang maiwasan ang paggamit ng plastik.
Nakasanayan na ng pamilya ni Rohann ang pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.
Sumama si Francine at ang kaniyang mga kaibigan sa Tree Planting Program ng kanilang barangay
Tuwing araw ng Sabado ay itinatapon ni Chester ang kanilang basura sa katabing ilog.
Gumawa ng compost pit si Nevalyn sa kanilang bakuran upang gawing pataba ang mga nabubulok na basura.
Patuloy ang pagmimina nila Keith sa kuweba ng walang pahintulot sa kinauukulan.
Ang mga boteng plastik na nakita ni Rodel sa parke ay kaniyang inuwi at pinagtaniman niya ng mga halaman.
Ipinagwalang bahala na lamang ng mga residente malapit sa kagubatan ang iligal na pagpuputol ng mga puno ng isang negosyante.
Pinagbawalan ng punong barangay ang mga mangingisda na huwag gagamit ng malilit na butas ng lambat, upang hindi masama ang mga bagong sibol na isda.
Hindi pinaghihiwalay ni James ang mga nabubulok at di-nabubulok nilang basura sa kanilang tahanan.
Ipinasara ang isang pabrika malapit sa dagat matapos matuklasan na dito tinatapon ang mga kemikal na kanilang ginagamit.
Patuloy na hinahayaan ng mga kinauukulan na makabiyahe ang mga taxi sa kanilang lugar sa kabila ng maiitim na usok na binubuga ng mga ito.
Upang makatipid sa tubig ginagamit ni Ely sa kanilang palikuran ang pinagbanlawan sa paglalaba ng kaniyang ina.
Si Michelle kasama ang kaniyang mga kamag-aral ay nagsulong ng isang proyektong naglalayon na makapagtanim ng isang daang puno sa paanan ng nakakalbong bundok.
Upang makatulong sa kalikasan nagbibisikleta na lamang si Gabriella papasok sa kaniyang trabaho.
Ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic straw sa mga kainan sa lungsod upang mabawasan ang sobrang paggamit ng plastik.
Pagbubukod-bukod ng mga basura ayon sa uri nito Nabubulok, Di-Nabubulok at Nareresiklo.
Ito ay may layunin na maprotektahan ang mga uri ng hayop at halaman na kakaunti na lamang sa kanilang kinalalagyan. At upang mapreserba ang mga natitirang uri nito
Ito ay may layunin na mabigyan ng malinis na tubig sa mga mamamayan.
Pagbibigay proteksiyon sa mga maiilap na hayop. At pagbabawal sa pangongolekta at pabebenta sa mga ito.
Layunin nito na panatilihing malinis ang hanging nilalanghap. Nakapaloob din dito kung paano magkakaroon ng epektibong pamamaraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng maduming hangin at mabawasan ang polusyon .
Piliin ang sitwasyon na sa iyong palagay ay dapat gawin upang maipagmalaki ang isang natapos na gawain.
Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid, ang mga gawaing pagrereklamo, pagkukumpara sa gawain ng iba ay kaniyang isinasantabi upang hindi makahadlang sa paggawa ng kaniyang produkto o gawain.
Ito ay ang pagiging tapat, responsable at determinadong manggagawa.
Ito ay ang paggawa sa isang bagay nang matagumpay at walang pag-aalinlangan.
Iwasan ang pagkakaroon ng pansariling interest o pakinabang. Ito ay mahalaga dahil may kaukulang parusa sa batas ang sinomang mahuli na lalabag dito.
ipinagbabawal ang pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batang anim na taong gulang pababa.
Palagiang pagsusuot ng sinturong pangkaligtasan upang makaiwas sa aksidente.
Hindi nakainom ng alak habang namamasada o nagmamaneho.
Magkaroon ng tuloy-tuloy na programa para sa gamutan at rehabilitasyon ng mga nagiging biktima ng pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot.
Nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga kaibigan o kakilala.