
Maikling Pagsusulit Blg. 1 (Noli Me Tangere)
Quiz by Jazelle Boctot
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Nagkwento kay Crisostomo ukol sa pagkamatay ng kanyang ama.
Ito ang bansang sinisimbolo ng bahay ni Kapitan Tiyago.
Siya ang tinatawag na Kurang malaki o Padre Garrote na kinatatakutan ng mga taga-San Diego
Anong ulam ang ipinahanda ni Kapitan Tiyago sa mga bisita sa pagdating ni Crisostomo Ibarra?
Ano ang buong pangalan ng binatang anak ni Don Rafael Ibarra?
Ang ___________________ ay ginagamit ng mga kababaihan noong panahaon ng kastila sa tahimik at pasimpleng komunikasyon sa kanilang napupusuan o sinisinta.
Siya ang nanay ng mga batang pinaratangan ng pangnanakaw na nagkaroon ng "mental health issue" dahil sa sunud-sunod na suliranin sa buhay.
Ilang reales ang sinasabing ninakaw ni Crispin sa kumbento?
Siya ang tauhang pinagkakamalang baliw o sobrang talino at takbuhan ng payo ni Crisostomo.
Sa murang edad nina Basilio at Crispin ay naging _______________________ sila at nagtrabaho sa simbahan.
Ang pinakasentrong upuan sa mesa ay tinatawag na ____________________ at dito nauupo ang pinakamahalagang tao sa pamilya at gayundin sa bisita.
Isa sa kinundena ng guro na maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang istratehiya nitong ____________________ ng mga aralin sa bata na tila "robot" dahil kung anong nasa libro ay siya lamang nilang inuulit.
Siya ang itinuturin na "chief of police" o komandante ng mga guardia sibil.
Ano ang nangyari sa bangkay ni Don Rafael ng bisitahin ni Crisostomo sa sementeryo ayon sa supulturero?
Dalawang partidong nagdebate ukol sa gaganaping kapistahan sa bayan ng San Diego.
Siya ang bangkerong nagligtas sa buhay ni Crisostomo sa kamatayan ng bumagsak ang panghugos o panulukang bato.
Babaeng kasintahan ni Crisostomo na tinataglay ang ganda ng isang dalagang Pilipina.
Ano ang alaalang naitago "remembrance" ni Maria Clara na ibinigay sa kanya ni Crisostomo?
Sinong padre ang ayaw makasama ni Maria Clara sa kanilang piknik sa lawa dahil hindi siya komportable rito?
Ano ang nakasagupa nina Crisostomo at Elias sa kanilang pagpipiknik sa lawa?
Bilang alaala ng yumaong ama ni Crisostomo Ibarra ay magpapatayo siya ng ________________________.
Sa sobrang galit ni Crisostomo kay Padre Damaso ay kamuntik niya na itong ___________________.
Siya ang sugarol na asawa ni Sisa.
Saang bahay ni Kapitan Tiyago sa Maynila ginanap ang pagdiriwang sa pagdating ni Crisostomo?
Sa ingles tinatawag itong _______________________ na pinaglalayan ng mga alaala ng panahon at pagkatapos ay ibinabaon na kasama ng panulukang bato o foundation stone.
Paraan ng pagdidisiplina ng mga prayle sa kanilang mga estudyanteng indio sa paaralan ayon sa guro.
Anong tiyak na buwan sa kalendaryo dumating si Crisostomo sa bayan ng San Diego?
Ano ang epigrapong matatagpuan sa Kabanata 3 ng Noli Me Tangere?
Ito ang tawag sa offering na ibinibigay sa simbahan na ikaliligtas ng kaluluwa sa purgatoryo noong Panahon ng Kastila.
Sinu-sino ang mga kaibigan ni Maria Clara? Magbigay lamang kahit isa.
Siya ang kapatid ni Crispin na nakapanaginip ng magandang kinabukasan niyang haharapin.
Dahil sa pagkamatay ng ina ni Maria Clara si _____________________ ang nag-alaga sa kanya.
Anong pagkain ang inihanda ng magkakaibigan nina Crisostomo at Maria Clara noong magpiknik sa lawa?
Anong bahagi ng manok ang napunta kay Padre Damaso nag hainan siya ng serbedor ng tinola?
Ano ang "hobby" o pinagkakaabalahan ng mga babaeng Pilipina upang palipasin ang oras noong panahon ng kastila?