
Maikling Pagsusulit sa AP4 Q2M2
Quiz by Eva P. Arpilleda
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad sa iba’t ibang anyong lupa at tubig.
Ito ay gawain upang hindi tuluyang gumuho ang lupa.
ito ay ang lahat ng panlabas na puwersa, kaganapan at bagay na gumagalaw sa ibabaw ng mundo.
Isang malaking pangkat ng nilikhang bagay na may buhay na may iba’t ibang miyembro tulad ng mga puno, damo at baging.
Ito ay ang pagiging marumi ng kapaligiran kabilang ang katubigan, kalupaan at hangin.
Suriin ang larawan, paano maipakikita ang matalinong pangangasiwa sa ating likas na yaman?

Bakit mahalaga ang mga kabataan sa pangangasiwa at pangangalaga ng likas na yaman?
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga mayayabong at malalaking puno sa kagubatan?
Bakit mabuti na gamitin ang mga lambat na may katamtamang butas sa pangingisda?
Isa sa iyong natutuhan ay ang muling paggamit ng mga patapong bagay, ano ang maari mong magawa sa naipon mong bote?
May nahuling ibon na napakaganda ang iyong mga kalaro, ano ang iyong imumungkahi?
Madalas kang utusan ng iyong ina na magwalis ng mga tuyong dahon. Ano ang maari mong gawin sa mga ito upang hindi makasagabal at makadagdag sa mga itatapon na basura?
Marami sa kasalukuyan ang nahihilig sa paghahalaman, ngunit marami rin ang naghihinayang kung ang kanilang mga halaman ay namamatay agad. Ano kaya dapat malaman ng isang naghahalaman upang mapanatili ang maayos na buhay ng halaman?
Nakita mo na nag-piprint ang iyong kapatid ng kanyang mga project at marami na ang mga nasayang na papel, ano ang magandang mungkahi mo sa kanya?
Nalaman mo na ang iyong kaklase ay nakatira malapit sa ilog. Ano ang maipapayo mo sa kanya upang mapanatili ang kalinisan ng katubigan?
Isa sa mga programa ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga luntian, maaring sa bakanteng lote o maliit na lalagyan. Paano ka makikiisa sa ganitong paraan?
Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang
Ang pagtatanim tulad sa hagdan-hagdan sa palayan ay isang paraan upang maiwasan ang pagguho ng lupa.
Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman upang mapanatili ang mga ito na iilan na lamang sa ating bansa.
Ang tatlong Rs-Reduce, Reuse, Recycle ay hindi makatutulong ng malaki sa matalinong pangangasiwa at pangangalaga ng ating mga likas na yaman.