Panuto: Basahin ang kwento ni Basura Kid at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Si Basura Kid
Ni ELVIN G. LUCIANO Nagsimula ang lahat isang gabing maliwanag at bilog na bilog ang buwan. Sa labas ng bahay ng pamilyang Lopez, isang malakas na tunog ang bumulabog sa katahimikan. Tila may pagsabog, tila may pagyanig, nagising ang buong pamilya. Sa basurahan nagmula ang kakaibang tunog.
“Ano kaya iyon?” tanong ni Nanay habang nakahawak sa braso ni Tatay.“Baka may magnanakaw, takot ako,” ang tanging nasabi ng anak na si Boyet. “Humanda saakin ang magnanakaw na iyan, di ko siya uurungan,” matapang na wika ni Tatay kahit medyo nanginginig sa magkahalong lamig ng gabi at kaba sa dibdib. Papalapit na ang pamilya sa pinto.
Bumukas ang pinto at sa kanilang natanaw, hindi nila mapigilang mapasigaw. “Eeeewww,” sigaw ni Nanay. “Aaahhhh,” sigaw ni Tatay.“Ang baho,” sabi ni Boyet. Isang malaking tambak ng basura ang tumambad sa kanilang harapan. Dumungaw pa sila at kanilang nalaman na puno na pala ng basura ang kanilang kapaligiran.
“Akala ko pa naman halimaw”, bulong ni Nanay. “Matulog na tayo, basura lang pala” sabi ni Tatay.
UNDP Basura 0714.indd 28UNDP Basura 0714.indd 28 07/17/2006 09:39:19 AM07/17/2006 09:39:19 AM
prevnext
28
out of 28
BASURA KID
DownloadReport
1.Sino ang superhero sa kwento?