
Markahang Pagsusulit sa EPP V - Sining Pantahanan
Quiz by Jeffrey F. Ofrecio
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Si Aling Loreta ay my pwesto ng tingiangtindahan sa palengje. Binabati niya ang mga mamimili at siya ay nagbibigay ngtamang sukli sa mga bumibili. Anong katangian ng mabuting tinder ang taglayniya?
Ito ay nakatutulong upang maging mas madaliang pagsusuri ng mga numerical at tekstwal na impormasyon.
Saang bahagi ng bahay matatagpuan ang mga kagamitan tulad ng oven toaster, lababo at kalan?
Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng bulaklak o halaman sa loob ng tahanan?
Anong uri ng tahing burda ang mainam gamitin sa mga petal at talulot ngmga bulaklak at mga dahon at disenyo?
Ito ang lagayan ng sinulid na pang itaas. Anong bahagi ng makina ito?
Anong paraan ng pagluluto ng pagkain ang niluluto at inilulubog sa tubig haggangumabot ito sa punto ng pagkulo o boiling point?
Alin sa mga sumusunod na ayos ng bulaklak ang nagpapakia ng kaayusang sumisimbolo salangit, tao at lupa?
Ano ang pagbabagong pisikal ang nagaganap sa babae sa panahon ng pagdadalaga?
Anong mantsa ang maaring alisin sa pamamagitan ng pagkuskos ng yelo sa tela hanggang umigas ito at kayurin sa kutsilyo?
Alin sa mga sumusunod ang kagamitan para sa paglilinis ng bibig?
Ito ay may bilang na 25-29 araw sa pagitan ng pagkakaroon muli ng regal ng isang babae. Ano ang tawag dito?
Si Ana ay nagkaroon ng buwanang daloy. Ano ang dapat niyang gawin sa pasador na kanyang ginamit?
Araw ng Sabado at nagkayayaan kayo ng mga kaibigan mo upang maglaro. Ano ang angkop na kasuotan ang dapat mong isuot?
Anong uri ng tahing burda ang maaaring gamitin sa mga tuldok at ubod ng bulaklak?
Si Aling Nora ay may pwesto ng tindahan ng gulay sa palengke. Hinihintay niyang makapamili ang kanyang mga suki ng mga gulay ng bibilhin. Anong katangian ng mabuting tinder mayroon siya?
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagsasaayos ng mga bulaklak. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
Bakit kailangang tahiin ang mga butas at sira ng damit bago labhan?
Ano ang katangian ng angkop na tela sa kasuotang panluto gaya ng apron?
Ano ang nagsisilbing gabay sa pagbuo ng kasuotang panluto?
Ito ang tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
Bakit kailangang maihanda ng maayos ang makina bago manahi?
Ang mga sumusunod ay ang mga pangkaligtasang gawi sa pananahi. Alin dito ang hindi kabilang?
Magtatapos na sa ika-anim na baitang si Gary, napuna niyang parang pumipiyok at lumalaki ang kanyang boses. Naisip niyang ang pagbabagongito ay dahil sa ______.
Paano nakatutulong ang mahusay na tindera sa pag – unlad ng isang tindahan?
Napansin ni Rey na malangaw at maipis sa kanilang kusina. Ibig niyang mag- isprey ng insecticide. Ano ang tamang panahon ng pag-iisprey?
Hindi naubos ang inihandang pagkain ni Aling Maria. Ano ang nararapat niyang gawin sa mga natira?
Ang matinding sikat ng araw ay pumapasok sa silid ni Nora. Kinabitan niya ng kurtina ang mga bintana. Paano ginamit ni Nora ang kurtina?
Pananahi ng apron ang proyektong gagawin ng mga batang mag – aaral sa ikalimang baitang.
Naghahanda na sila sa paggawa ng padron. Upang maging wasto ang paggawa nito, gawing mas _________ ang padrong pangharap kaysa padron panglikod.
Nasabit ang damit ni Irma at napunit. Natutuhan niya ang wastong pagkukumpuni. Ang damit niya ay kanyang _____.
Ang mga salik sa pagpili ng lulutuing kakainin ay ang mga sumusunod maliban sa.
Inilista muna ni Lino ang mga bibilhin at kakailanganing sangkap sa pagkaing kanyang ihahanda bago magtungo sa palengke. Ano ang salik sapamimili ang kanyang sinusunod?
Pagkatapos magluto ni Mary, ang mga ginamit niyang mga kasangkapan aydapat ______.
Ngayon pa lamang nagkaroon ng buwanang daloy o regla si Helen. Alin sa mga payong ito nararapat niyang sundin?
Umalis ang nanay ni Maila. Tastas ang laylayan ng damit na kanyang isusuot. Ano ang kanyang dapat gawin?
Si Aling Mila ay bibili ng itlog sa palengke, alin ang batayan na dapat sundin sa pagpili ng bibilhing itlog?
Ano ang katangian ng sariwa at mataas na uri ng karne ng baboy?
Ang maganda at kaaya-ayangtindig at galaw ay nakukuha sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain, maliban sa isa.
Ang silid tulugan ay magagamit din na __________kung maglalagay ng mesang mapaggagawaan dito.
Anong mabisang paraan upang maalis ang mantsa ng kalawang sa damit?
Ang mga_____________ay ang mga kahon kung saan nagtatagpo ang bawat row at column.
Ano ang tumutukoy sa dami o bilang, presyo o halaga, timbang at population sa isang table?
Ang mga sumusunod ay ang wastong pangangalaga ng makina maliban sa isa.
Dito nakasalalay ang halagang iuukol ng mag-anak sa pamimili ng pagkain.
Si Ana ay magbabalat ng kamote na kanyang lulutuin para sa kanilang meryenda. Anong angkop na kasangkapan ang kanyang dapat gamitin?
Anong paraan ng paghahain ng pagkain kung ang lahatng pagkain ay nakahanda sa isang mesa at ang mga kakain ang kukuha sa kanilang gustong kainin?
Anong uri ng panahon angkop isuot ang short at sando?
Sino sa mga kasapi ng mag-anak ang karaniwang naglalaba ng maruming damit ng mag-anak?
Anong bahagi ng makina ang nagsisilbing gabay sa sinulid mula sa spool pin hanggang sa karayom upang hindi ito mawala sa lugar?
Ano ang pinakamahalagang paraan upang maging malinis ang kasuotan?