Loading...

Mga gamit sa pagtatanim
Quiz by Leah Tan
Customize this quiz to suit your class
Instantly translate to 100+ languages
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Give this quiz to my class
9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko? A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse 10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao? A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan. 11. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko? A. Natuto nang magtanim ang tao. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal. C. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse. 12. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko? A. natutunan na ang pagmimina B. takot silang mabihag ng ibang tribu C. mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim D. natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop 13. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko? A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim. B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal. C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian. D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy. 14. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal? A. Tataas ang suplay ng pagkain. B. Uunlad ang pakikipagtalastasan. C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal. 15. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal? A. disiplinado C. maramot B. mapagtimpi D. matalino
A. Pakikiisa sa tahanan o bahay Sa loob ng pamilya nagsisimula ang kagandahang-asal na ibinibigay ng magulang sa anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga tungkulin na dapat gampanan. Anu-ano nga ba ang mga ito? Ginagampanan ng ating mga magulang na itaguyod an gating pagaaral para sa maganda nating kinabukasan. Inaasikaso ni nanay ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya katulad ng pagluluto ng pagkain, paglilinis ng bahay, pagsubaybay sa ating Gawain at iba pa. ang tatay naman ang siyang nagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Siya ang nagtatanggol sa pamilya sa oras ng kagipitan. Sa iyo bilang anak, tungkulin mong igalang at mahalin ang iyong magulang. Tumulong sa mga gawaing bahay, sumunod sa pangaral nila at mag-aral ng mabuti. Ikaw bilang isang masunuring anak, ginagawa mo ba ang lahat ng ito? B. Pakikiisa sa paaralan Ikaw ba ay isang mabuting mag-aaral? Anu-ano na ang mga 30 bagay na naitulong mo na sa iyong paaralan? Sumunod sa mga tuntunin ng paaralan tulad ng pagsusuot ng I.D at tamang uniporme ay ang ilan lamang sa mga dapat mong ginagawa sa tuwing ikaw ay nasa loob nito. Nakikinig ka rin dapat sa iyong guro habang itinuturo niya ang inyong leksyon. Pagpapanatili sa maayos at malinis na silid-aralan ang iba pa sa iyong mga Gawain. Dapat ay aktibo ka rin sa pakikiisa sa mga programa ng inyong paaralan. Alam mo ba na ang guro ay kasama natin sa pakikiisa sa paaralan? Naibabahagi niya ang ilan mga impormasyon na kailangang malaman ng mga mag-aaral. Tungkulin niya rin ang alamin ang mga problema t pangangailangan ng mga mag-aaral at tulungan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Higit sa lahat, ang isang guro ay kinakailangan na maging isang modelo sa kanyang mga magaaral. C. Pakikiisa sa simbahan Mahalaga na sa isang simbahan, magtulongtulungan ang mga kasapi para sa ikabubuti ng kaluluwa ng bawat isa. Kaya nga dapat, ikaw bilang isang bata ay maging isang aktibo para sa gawaing 31 pansimbahan. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pakikinig habang nagmimisa ang pari, pagiging tahimik sa loob ng simbahan at pagdarasal hindi lamang para sa iyong sarili kundi maging para sa ikabubuti ng ibang tao na nangangailangan din ng panalangin. Nagdarasal ka ba araw-araw? Anu-ano ang mga hinihiling mo sa Diyos? D. Pakikiisa sa pamahalaan Sa isang batang mag-aaral na katulad mo, paano mo ba maipapakita ang iyong pakikiisa at pakikipagtulungan sa inyong barangay o pamayanan? Tayo bilang mamamayan, maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas ng ating pamayanan. Kapag nagawa natin ang mga bagay na ito, tiyak ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating lugar. Dapat din natayo ay nakikiisa at sumasali sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gaya ng programa sa wastong pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng mga ito sa nabubulok at di nabubulok, pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga bundok, pagsunod sa mga batas trapiko at pagsugpo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
mga gamit sa panikat.
Balak kunin ni Maria Clara ang kanyang mga gamit sa kumbento kasama si Tiya Isabel nang dumating si Padre Damaso. Hindi nagustuhan ng pari ang kanilang pag-alis at agad na pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kanyang saloobin. Ipinagdiinan ni Padre Damaso na dapat itigil ni Maria Clara ang pakikipag-ugnayan kay Ibarra at nagpahiwatig ng hindi pag-apruba sa kanilang relasyon. Sumang-ayon si Kapitan Tiyago at pinatay ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para kay Ibarra. Samantala, binisita ni Padre Sybila ang isang maysakit na paring Dominikano at napag-usapan nila ang iba’t ibang isyu sa bayan kabilang ang tungkol sa buwis at ang paghawak ng ari-arian ng mga Pilipino. Gumawa ng activity
I. Unang Markahan: Ako at ang Aking Mapagkalingang Pamilya Ang pokus ng markahang ito ay ang mga batayang bahagi ng pananalita at ang pagbubuo ng mga salita gamit ang mga panlapi. • Pagbubuo ng Salita o Mga Uri ng Panlapi (Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Kabilaan, at Laguhan). • Bahagi ng Pananalita o Uri at Kayarian ng Pangngalan (Pantangi, Pambalana; Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan). o Panghalip Panao (Panauhan, kailanan, at gamit nito sa pangungusap). o Pang-uri (Pagkilala sa mga salitang naglalarawan). o Pang-abay na Pamanahon (Nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang kilos). • Sintaksis at Pag-uugnay o Pangatnig na Nag-uugnay (Mga salitang nag-uugnay ng mga parirala o sugnay).
Natutuhan ng mga mag aaral ang pag unawa sa mga simbolo, imahe at gamit sa pananampalataya o paniniwala ng kapuwa
Batayang Impormasyon tungkol sa Sariling Pamilya Pagkilala sa mga pangunahing impormasyon ng pamilya bilang bahagi ng sariling pagkakakilanlan. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili (Valuing Oneself). Wastong Pangangalaga sa Kalusugan, Gabay ang Pamilya Pagsasagawa ng mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan na natutuhan sa pamilya. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili (Valuing Oneself). Kilalanin at Unawain ang Sariling Damdamin Pagtukoy sa iba't ibang damdamin at ang wastong pagtugon sa mga ito para sa pansariling disiplina. Pagpapahalaga: Pagiging Totoo (Sincerity) Pansariling Panalangin, Palaging Ugaliin o Ang panalangin bilang paraan ng pasasalamat at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Pagpapahalaga: Madasalin (Prayerful). Pagsisinop at Pagtitipid, Mabuti sa ating Paligid Wastong paraan ng paggamit ng mga gamit upang maiwasan ang aksaya at makatulong sa kalikasan. Pagpapahalaga: Masinop (Prudent).
Tumingin ka nga sa paligid ng inyong paaralan. May nakikita ka bang mga puno? Maaari mo bang pangalanan ang mga punong iyong nakita? Nakita mo ba ang puno na nasa larawan sa inyong paaralan? Ito naman ang ating pambansang puno, ang Narra. Malaki at matibay ang puno na ito. Ginagamit ito sa paggawa ng mga upuan, lamesa at iba pang mga kasangkapan sa ating bahay. Pag-uwi mo mamaya sa bahay, tanungin mo ang iyong ina kung mayroon ba kayong gamit sa bahay na gawa sa puno ng narra. Ang larawan sa iyong kanang bahagi ay ang ating ating pambansang dahon. Ang Anahaw, isang dahon na malapad at nakabukadkad na parang pamaypay. Nakakita ka na ba nito? Alam mo bang sa pamamagitan nito ay maaari kang makagawa ng isang bag, tsinelas at pamaypay? Dahon lang ito kung tutuusin pero maraming maaaring paggamitan. Alam mo ba ang sayaw na Cariñosa? Ito ang ating Pambansang sayaw. Isinasayaw ito ng isang lalaki at babae. Ipinapakita ng sayaw na ito ang pagkamahinhin ng isang dalagang Pilipina.